[Cindy’s Dad (Denver Gonzales’)’s POV]
Dumating na ang araw na pinakakinatatakutan ko. Ang makilala ng anak ko ang lalaki na ipakakasal sa kanya na hindi naman niya mahal. Kasalanan ito ng Christopher Soriano-Antonio Cruz- o kung ano pa man ang pangalan niya. Hindi mo maipagkakaila na anak niya si Kier Anthony Soriano dahil magkamukhang-magkamukha sila.
*FLASHBACK*
Bangkok, Thailand, 1992
“Gretchen! Pupunta muna ako sa boutique natin. I’ll just check the new stocks and the production. Stay here and rest up. Call me if you are about to give birth. I love you! I gotta go!” Paalam ko sa asawa ko.
“Bye, babe! I’ll call. Work hard!”
Umalis na ako ng bahay at papunta na sana sa shop ko ng biglang may tumigil na van sa harapan ko. Binuksan nila ang pinto. Nakatakip lahat ang mukha nila at hinablot ako. Ipinasok ako sa van at piniringan ang mata. Sinubukan kong manlaban pero walang silbi dahil may pinaamoy sila sa akin at nakatulog ako. Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa pinagdalhan sa akin, hindi ko na din alam kung anong oras o araw na. Sinubukan kong magpumiglas pero hindi ako makagalaw. May mga boses na paparating.
“Hey. You. Wake up. The boss is here.”
“asdfhfdjfjdvd” Sinubukan kong sabihin na gising na ako but I was gagged.
“Boss. He’s awake.” Tinanggal yung piring sa mata ko.
“I want to make a proposition for you. We’ll let you go but you should make a promise that you would be our guarantor or we’ll kill you, you’re wife and we’ll get everything you own little by little. You know it’s easy to get your properties here with the black market.” Sabi nung boss. Natakot ako sa sinabi niya na papatayin niya ang asawa ko. Hindi pwedeng mangyari yun dahil magkakaroon na kami ng baby. Papayag na sana ako kaso may narinig akong tunog ng motor.
Ang bilis ng mga pangyayari. Nagsuntukan yung mga lalaki. Ano ba ito? May mga duguan na pero sige lang tuloy pa din sila. May kumalag ng tali ko. Salamat naman.
“Takbo!” Nagulat ako. Pilipino pala siya. Tumakbo ako. Hindi ko makakalimutan yung mukha ng lalaking tumulong sa akin.
“You’ll pay for this! I’ll get back at you. Just wait!” Narinig ko ang sigawan sa loob.
“No. This is enough! Tapusin na natin itong away na ito.”
“Hindi! Hindi pwede!” Nagtago ako at nakita ko na nagtatakbuhan palayo yung mga kumuha sa akin, nangunguna yung Boss nila.
Bumalik ako sa loob para pasalamatan yung lalaki na tumulong sa akin.
“Boys. Get out of here. Make sure no one would know, what happened down here. Follow that man’s every move.”
“Yes, sir!” Umalis na sila.
“Um, Salamat pala sa ginawa mo kanina.” Pang-umpisa ko.
“Huwag kang magpasalamat dahil may kapalit ang pagtulong ko sa iyo.
Sasabihin ko sa iyo mamaya kung ano ang talagang nangyari. Let’s get out of here.” Lumakad na siya papunta sa motor niya.
“Pero-“
“Hop on.”
Sumakay na ako at umalis na kami sa lugar na iyon. Ano naman kaya ang hihingiin niyang kondisyon? Kinakabahan ako. Nakarating na kami sa pupuntahan naming. Isang remote area. Walang katau-tao at mukhang haunted ang lugar na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/1177043-288-k952676.jpg)
BINABASA MO ANG
Unveil the Secrets
Teen FictionThere would always be two sides in a coin. Two options to choose from: black or white, live or die, stay or run; but in the end it is still up to you which decision is the better one, the one that feels right, and the one that makes you happy. Right...