Chapter 1- It's Nice Meeting You!

64 6 1
                                    

[Cassandra’s POV]

“Mom! We need to go. I’m late already. Manong, start the car.” Sigaw ko habang tumatakbo pababa ng hagdanan.

“Okay, Ma’am.”

“Jeez, Cassandra. Tone down, alright? Tsaka 6 am pa lang. 7:30 pa yung pasok mo ah. ” Sabi ni Dad.

“Ang bagal kasi ni Mommy e. Alam naman niyang first day sa school at tsaka ayaw kong ma-late. Di na rin ako makapaghintay na makita si Rain. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita e. Kaya gusto kong maagang dumating dun.”Sabi ko kay Dad.

“Just 5 more minutes Cassandra, wait for me inside the car.” Sigaw ni Mom mula sa room nila ni Dad.

“Bye Dad. Love you. Mom, fine. I’ll wait for you in the car. You’ve got 3 and a half more minutes.” Sabi ko. I kiss Dad in the cheeks and I made a beeline to the car.

“Take care, Cassey. Say hi to Lorraine for me, alright?” Pahabol ni Dad.

Two minutes later, sumakay na si Mommy sa kotse at pinatakbo na ni ito Manong. Oo nga pala, ‘di ko pa naipapakilala ang Mommy ko. Siya si Mommy Carina. Maganda, maputi, matangos ang ilong, maitim ang mahaba niyang buhok, mapula ang mga labi. Mabait, matulungin at maalaga si Mommy, pero ang isa sa pinakagusto kong ugali niya ay pagiging kalmado niya. Kahit sobrang pressure sa trabaho, di mo makikita na stress si Mommy. Ang galing kasi niyang magmanage ng tao at alam niya kung ano ang dapat gawin sa panahon ng kagipitan. Kabaliktaran naman siya ni Dad. Si Dad, may pagkacold, masungit, moody at aggressive, pero alam ko na deep inside ginagawa niya lang yun para mas maging efficient lahat ng tao sa paligid niya. Ayaw niya kasing nagsasayang ng oras. That’s what I love about my dad.

“Ma’am, andito na po tayo.” Sabi ni Manong.

“Bye dear. See you later.” Sabi ni Mom.

“Thanks Manong. Bye Mom. See you later too.” Isinara ko na yung pinto at naglakad na papasok sa campus.

Hindi ako nagpapahatid sa loob dahil mas gusto ko na tinitignan yung paligid ko habang naglalakad. Ang ganda kasi. Yung building ko kasi, katapat nun garden na may mahabang walkway. Mapresko dito tsaka mabango kasi madaming puno at bulaklak. Naglakad ako papunta sa spot namin ni Rain kasi tinawagan niya ako kanina na doon ko daw siya antayin. Medyo tago yung hang-out place namin at maaga pa kaya laking gulat ko ng makita ko na may nakaupo doon. Napansin ko na tulog yung lalaki kaya hindi ko na ginising para paalisin. Hindi niya namalayan na dumating ako at umupo na lang ako sa katapat na bench. Inilabas ko yung Ipod ko pati na rin yung notebook na pinagsusulatan ko ng kung anu-ano. Habang naghihintay kay Rain, pinatay ko na lang yung oras sa pagsketch sa lalaki. Masyado akong nagkoconcentrate na hindi ko namalayan na gising na pala yung lalaki. Idedetail ko pa sana yung drawing ko kaso nga lang pagtingin ko, nakatingin siya sa akin. Isinara ko agad yung notebook dahil nakakahiya, baka kung ano pa ang isipin ng isang ito. In fairness, may itsura si kuya. In fact, gwapo siya. Ang tangos ng ilong tapos yung labi… Shocks. Ano ba ‘tong  naiisip ko. Amp.

“GoodMorning.” Sabi ko na medyo nako-conscious.

Napatingin ako sa mata niya at feeling ko hinihigop ako palapit. Inilipat ko yung tingin ko sa paligid. Whew, buti na lang di niya napansin na siya yung ini sketch ko. Safe. Haha.

“Hi. Ang ganda mo pala. Napakaganda mo kapag nagko-concentrate.” Sabi niya.

Dahil out of the blue ang comment niya, nagblush ako ng konti pero bumalik ako sa pagiging masungit ko. Si Cassandra Cortez ay hindi nagbu-blush sa harap ng mga lalaki.

Unveil the SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon