Chapter 3- Someone's back!

41 4 0
                                    

[Cassandra’s POV]

“Hi best. Matagal ka bang naghintay?”

“Hi Rain. Hindi naman masyado. Ano tara uwi?”

“Hahaha. Tara. Sa bahay ko muna tayo ha? Nandun kasi yung pasalubong ko sa’yo e.” Naglakad na kami papunta sa kotse niya at sumakay na.

“Iniwan ng driver mo?”

“Yup. Tinext ko siya na iwan niya na lang yung car. So, kumusta naman ang first day?” Tanong sa akin ni Rain.

“Hahaha. Ayun, ok lang naman. Ay. Naaalala mo pa ba yung lalaki kanina?”

“YUNG CUTE NA GUY? OO!! Ang cute kaya niya, paano ko siya makakalimutan? Hahaha. Oh, anong meron sa kanya?”

“Reaksiyon mo ‘te? Hahaha. Classmate ko siya.

“Ang cute niya kasi. Nakakakilig siya e. Classmate? Anong subject?” Sunud-sunod na tanong ng bestfriend ko.

“Correction best, subjects. With S. Laboratory yung isa- 4 hours!”

“Wow. Swerte mo best!” Magshift na kaya ako?”

“Loka! ‘Wag ka nga. Swerte ka diyan? Ang kulit kaya niya.”

“Sus. If I know…”

“Hahaha. Ikaw talaga, best.”

            Iniba na ni Rain yung topic hanggang sa makarating na kami sa bahay nila.

“Yaya, pakiprepare naman yung garden at pakidala na dun yung merienda namin. Thanks po.” Utos ni Rain sa isa sa mga maid nila.

“Ano best? Una ka na sa may garden?” Tanong ni Rain sa akin.

“Sige. Antayin kita dun.”

“Sure. Magbibihis muna ako tsaka kukunin ko na rin yung mga pasalubong ko sa’yo. Be right back.” Umakyat na si Rain sa kwarto niya at pumunta na ako sa garden na palagi naming pinagtatambayan.

            Habang hinihintay si Rain, inopen ko yung blog site ko. Chineck ko bawat post simula sa pinakaluma, tinignan ko kung may nagcomment, wala naman, until inopen ko yung pangalawa sa pinakarecent ko na pinost at nabasa ko ito:

>thebossmfia: Hi misscc, I just read your blog. I like the topics you are talking about and we share the same interests. I think that you will be a good lawyer. Congrats and more power to your blog!

            Weird ng username huh? Sino naman kayang tao ang may ganyang pangalan? Iignore ko na sana yung comment niya kaso may nakita akong salita na nakapagpatigil sa akin- Lawyer. Binasa ko ulit yung comment niya. Good lawyer? Talaga? Binasa ko ng paulit-ulit yung comment niya. Bumilis ang tibok ng puso ko…

“Best. Matutunaw yang tablet mo sa kakatitig mo!”

Nagulat ako dahil hindi ko napansin na dumating na pala yung merienda at nandiyan na din si Rain.

“Oh. My. Gosh. Best, basahin mo ‘to! Dalii.” Binasa ni Rain yung post.

“Best! He thinks that you’ll be a good lawyer!”

“He or she or whoever this person maybe! Nakakatuwa! May nakaappreciate sa akin!”

Si Rain lang ang natatanging tao na nakakaalam ng pangarap ko na maging lawyer. Kaya natuwa din siya ng malaman na may nakaappreciate ng talent ko.

Unveil the SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon