Chapter 8

6 1 0
                                    




Rille's POV

Isang Buwan!....isang buwan ng naka lipas ng maka rating ako sa mundong ito,sa mundong kung saan naman pala talaga ako nanggaling,isang buwan ko na rin hindi nakikita si Mama,isang buwan na ako naghihintay para sa kapangyarihan ko na dumating,isang buwan na rin ako nag titiis sa mga paratang ng ibang studyante rito.

Akalain mo nga naman tumagal pa pala ako rito,ni hindi ko nga alam kung kaya ko pang mamuhay rito ng mas matagal pa dahil sa paratang nila sa akin,di ko man sila napapansin dahil sa iniiwas ako nila Suzy,Clyde,at Patrick,yes! kaibigan na rin kami,iniiwas nila ako lagi sa mga maaring masabi ng iba sa akin dahil habang tumatagal ako rito mas lalong lumalala ang paratang nila sa akin nadagdagan pa nga eh!...pero ang nakalimutan nila Suzy ay meron akong tenga,pilit man nila akong nilalayo naririnig ko pa rin naman ang mga salitang nakakapag pasakit ng damdamin ko.

Sino ba sa inyo ang masisiyahan sabihan ka ng malandi,feeling close,assumera,ambisyosa at iba pa,oh!..diba konti na lang siguro at pwede na akong bansagang All in One...alam kong masakit pero iniinda ko na lang dahil hindi ko naman sila kayang sugurin meron pa rin silang pinanghahawakan laban sa akin,at isa pa isa ang mga magulang nila na tumulong sa pundasyon ng paaralan na tu!.Minsan nga napapa away na rin sila para sa akin katulad na lang ni Suzy ang sabi niya na inis na daw siya sa mga paratang nila sakin kaya ayun nilonod niya.

"Rille tulala ka na naman?."Tanong ni Suzy kaya bumalik na ako sa realidad.

"Hmm!."tanging sagot ko.

"Ano bang nangyayari sayo Rille at parang araw araw naka tulala ka lang!"Grabe tung si Clyde kung maka araw araw di naman three times a week lang ata!..hehe.

"Hindi naman wag mong araw arawin may schedule rin ako nu! haha!."Pagbibiro ko para naman matigil sila sa pag aalala sa akin.

"Hindi naman sa ganun Rille ang samin lang kasi pag kasama ka namin parang wala ka, kasi lutang ang utak mo lagi,tapos pag tinitignan ka namin lagi kang naka tulala parang pasan mo ang mundo!."Ganun na ba talaga ako ka tulala lagi na para mapansin nila.

"Ok lang naman ako ahh!..may iniisip lang!."Sagot ko.

"Ano ba kasi yang iniisip mo Rille at parang lagi kang lutang nag aalala tuloy kami sayo!."Ani ni Suzy habang naka kalabit sa braao ko,tama!..ganun na kami ka close.

"Kung paano ko mababago ang iniisip ng mga studyante dito sakin!."Sagot ko at bigla na man silang nagpa buntong hininga.

"Kaya nga kami nandito Rille diba para iiwas ka sakanila at sa mga paratang nila"Sagot ni Clyde.

"Right and you think kaya niyo yung araw arawin...No!..eventually this has to stop!...alam kong nahihirapan na kayo,and let me remind you that meron akong tenga nilalayo niyo man ako naririnig ko ang mga sinsabi nila sakin at di ko maiwasang tumatak sa isip ko yun!."Paliwanag ko at bigla naman silang nagkamot ng ulo!.

"So what do you want us to do?."tanong ni Suzy.

"Help me change their mind!...I mean make up their mind by knowing what I can really do!."Paliwanag ko.

"Ohh!..ok that would be easy I know an enchantment for that!."Ani ni Suzy.

"No hindi natin sila gagamitan ng enchantment kasi that would be bad!."Ani ko kaya tinikom niya na lang ang bibig niya.

"Then what do you expect us to do?...sing for them!."Sarkastikong sabi ni Clyde.

"I dont see why that's a problem I mean we could do that!."Ani ni Patrick.

"Wait naalala ko rin na meron tayong konting show para sa kaarawan ng President this coming Saturday why dont you join Rille!...I mean naririnig rin naman kita kumanta and I must say your good!."Biglang kumunot ang noo ko bakit niya nalaman na marunong akong kumanta..tsk!..I knew it sa Banyo tsk!.Sabagay marunong rin naman talaga ako kumanta

Mystic ( Light Descendant )Where stories live. Discover now