one

6.4K 54 4
                                    

Nasa tambayan nanaman ang mag kakaibigan, nag iisip nanaman ng malilibangan.

"Mag ghost hunting kaya tayo" sabi ni Gino na tuwang tuwa.

"I don't think so" pangongontra naman ni Angge at saka inirapan si Gino. Nilapitan naman ni Gino si Angge.

"Wag mong sabihin na takot ka" at nakangisi pa ito. Tinulak naman ni Angge ang kaibigan at nag tawanan sila.

"Gusto ko yung tahimik" sabi ni CJ at nahiga sa papag.

"Campiiiing" irit ni Bite.

"Gusto ko yung exciting puntahan. May adventure pa rin kahit papano" nakangiting sabi ni Karen at nagkatingan sila ni Marvin.

"Ayan nanaman yung tinginan niyong dalawa" suway ni James.

"Hoy! Mas masama pag si Marvs at Lianne yung nagkatinginan no" inirapan naman ni Karen si James.

"I read something from the book na may maganda raw spot dito" singit ni Lianne.

"Ano yun bunso?" Tanong ni James, lumapit naman lahat kay Lianne na hawak nanaman ang kanyang cellphone.

"Hindi kayo maniniwala sakin na nag eexist yung ganitong lugar but yeah lahat ng suggestions niyo nandito na" at tinype niya yung lugar.

"Green forest?!" Sabay sabay na nanlaki ang mga mata nila nang sabihin yun.

"No way Lianne" sabi ni Angge.

"Don't freak out. Maganda dito. It's not hunted and such. Tahimik lang talaga siya and there's a house na good for 10 people. Walang bayad yun, we just have to go there and serves ourselves" pag papaliwanag niya at tiningnan yung mga kaibigan. Mukhang na-convince naman yung mga lalaki, si Karen, si CJ, si Bite at Anne. Ayaw lang talaga ni Angge ng horror o may pagkasomething hunted.

"Go tayo jan" sabi ni Marvs

"Oh ayun naman pala eh. Wala na tayong intindihin. Mukha namang malinis yung bahay eh" sabi ni CJ

"How bout me?" Sabi ni Angge na nakayakap kay Karen.

"Ano ba? Ang dami dami natin oh" sabi ni Gino sakanya.

"So kailan?" Sabi ni Lianne bago patayin ang phone niya.

"Saturday!" Sigaw nilang lahat maliban kay Angge.

"No way"

***

Nag aayos ng gamit ang mag kakaibigan sa kani-kanilang bahay. No choice naman si Angge kundi pumunta at sumama sa kanila. Magkikita kita sila sa bahay nina James, nandun kasi yung van na gagamitin nila papunta sa napag usapang lugar.

"Okay na ba lahat?" Tanong ni James, siya kasi ang tinuturing kuya ng tropa at si CJ naman ang tumatayong ate dahil siya ang pinaka matanda sa kanila at si Lianne ang bunso, pero ang may napaka matured na pag iisip.

"Marshmallows, cheeeeck" sabi ni Karen

"May tent na rin ako dito" sabi ni Anne

"Meron din akong mga extra foods here kung mag kulang man" sabi ni Bite

"I have my powerbank" natawa naman silang lahat kay Lianne.

"What? In case na malowbat tayo dun. May extra battery ako"

"Teka, Gino, dala mo ba?" Kumindat lang si Gino kay Marvs. Nag taka naman si James kaya binatukan ni James si Marvs at binatukan naman ni CJ si Gino.

Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon