four

456 7 2
                                    

"Leonette!" napatakbo naman si Ethan at Lucas nang biglang bumagsak si Leonette pababa ng hagdan. Napatingin naman silang lahat kay J-on na may akay dito. Halata ang gulat sa mukha ni J-on. Nang makabalik ito sa katinuan ay dali-dali siyang bumaba ng hagdan.

"Leonette, gising" sambit ng magkakaibigan habang inaalog alog si Leonette na wala pa ring malay.

"Bakit mo ba nabitawan si Leonette ha?" pag mamataas ng boses ni Lucas.

"B-bigla siyang tumingin sakin na para bang nag babanta siya" mautal utal na sabi ni J-on.

"Sa sobrang takot at kilabot ko, nanlambot ako"

Patuloy pa rin nilang ginigising si Leonette. Bigla namang bumuksan lahat ng ilaw sa loob ng bahay.

Napalingon naman silang lahat sa bawat sulok ng bahay bigla namang nagkamalay si Leonette.

"Leonette?! Okay ka lang?" nag aalalang tanong nila kay Leonette. Unti-unti lang itong umiling at dahan-dahang bumangon. Bigla namang napayakap si J-on sakanya.

"Anong nangyari? Bat nandito tayong lahat sa baba?" pag tatanong niya at nilingon silang lahat. Nag katingan lang ang magkakaibigan.

"Anong gusto niyong almusal? Mag luluto ako" nakangiting sambit ni Bianca.

"Tulungan na kita" pag piprisinta ni Brian.

Tumayo naman sila at nag ayos ayos sa bahay na parang wala man lang nangyari. Sumapit nanaman ang gabi at lahat sila ay natatakot nanaman. Hindi rin naman sila makaalis at makabalik sakani-kanilang bahay dahil bukas pa sila umaga masusundo.

"Naimpake niyo na ba lahat ng gamit niyo?" pag tatanong ni Lucas habang isa isang tiningnan ang kanyang mga kaibigan. Tumango naman sila at ginawa na ang kanya-kanyang gawain.

Habang lumalalim ang gabi ay mas kinakabahan at natatakot si Stacy sa mangyayari. Nakatulog naman na ang iba nilang kaibigan maliban kay Bianca na hindi pa rin dinadapuan ng antok.

Bumangon si Bianca at pumunta sa veranda. Nilanghap niya ang masarap na simoy ng hangin at pinag masdan ang tahimik na dagat at magandang buwan.

"Napaka ganda talaga" bulong niya sa sarili niya habang nakapikit at lumanghap ulit ng hangin. Nanatili pa siya ng ilang sandali sa veranda nang bigla siyang may narinig na hagikgik. Napalingon siya sa likuran niya at wala naman siyang nakita kaya ibinalik niya muli ang tingin sa dagat.

Habang patagal siya ng patagal sa veranda ay palapit ng palapit ang naririnig niyang hagikgik kaya naisipan na niyang pumasok ngunit bago pa siya makapasok sa loob ay may tumakbo ng babae palapit sakanya na ikinagulat niya. Sinakal siya nito at pilit niyang inaalis ang kamay nito sa leeg niya.

Babaeng mahaba ang buhok, puno ng dugo, nakakatakot at malalim na mata, sobra ang gigil at kita sa mga mata niya ang galit. May matutulis din itong kuko na bumabaon na paunti-unti sa leeg ni Bianca.

"B-bita-wan m-mo ko" pilit sinasabi ni Bianca ngunit ngumisi lang ang babae at mag hinigpitan ang paghawak nito sa leeg ni Bianca kaya halos mawalan na ito ng hininga. Habang unti-unting nawawalan ng hininga si Bianca at inihagis niya ito pababa na siyang ikinamatay ni Bianca.

Bigla namang nailapungatan si Stacy at nakitang wala si Bianca. Ginising niya agad ang iba niyang kaibigan.

"Nawawala si Bianca" sabi ni Stacy na ikinagulat ng mga kasamahan at bigla silang nagsibangon.

"Hanapin niyo si Bianca. Nandyan lang yun" utos ni Lucas sa mga kasama. Naghiwa-hiwalay sila sa paghahanap. Magkasama si J-on, Leonette at Brian, si Lucas, Ethan at Stacy naman ang magkakasama.

Hinanap nina Lucas si Bianca sa ibaba habang sina J-on naman ay sa itaas.

"Wag kayong maghiwa-hiwalay" bilin ni Lucas bago sila bumaba.

Nilibot nina J-on ang itaas at iba't ibang kwarto. Habang sinisilip nila ang isang kwarto sa taas ay narinig nila ang boses ni Bianca sa kabilang kwarto.

"Si Bianca ba yun?" tanong ni Leonette at agad namang tumakbo si Brian sa dulong kwarto kaya sinundan ito nina J-on at Leonette.

Pagkapasok nila sa kwarto at wala silang nakitang Bianca o ni anino niya. Lalabas na sana sila ng kwarto nang may kumalampag sa loob ng cabinet. Nagkatinginan silang tatlo at dahan-dahan namang lumapit si Brian sa may cabinet.

"Brian, tara na" pabulong na pag aaya ni J-on. Tiningnan niya lang si J-on at nagpatuloy sa pag lalakad.

Nang makalapit si Brian sa cabinet ay agad niya itong binuksan at wala man lang silang nakita. Nakahinga ng maluwag ang tatlo.

"Sa kabilang kwarto naman" sabi ni Brian at akmang aalis na nang bigla siyang hilahin ng kung sino sa loob ng cabinet at bigla itong nag sara.

"Brian!" sigaw ni Leonette at J-on. Sigaw lang ng sigaw sa loob si Brian. Lalapitan dapat ni J-on ang cabinet nang biglang huminto ang sigaw ni Brian. Napatingin naman siya sa baba ng cabinet at patuloy na umaagos ang dugo ni Brian. Napatakip ng bibig si Leonette at napayakap kay J-on.

"Tara na" mahinang sabi ni J-on at inaya nang makalabas si Leonette.

Hinanap nina Lucas si Bianca sa may kusina at sa kwarto sa gilid ng kusina ngunit bigla nilang narinig ang sigaw ni Brian kaya nagulantang silang lahat. Agad namang tumakbo paitaas sina Lucas. May narinig namang paghinga si Ethan sa kanyang likuran kaya napahinto ito. Tiningnan niya kung sino ito pero wala rin siyang maaninag. Mag papatuloy na siya sa pag lalakad nang bigla nanamang may malakas na pag hinga na nanggagaling sa likuran niya. Napatingin ulit ito at naisipan niyang buksan ang flashlight ng cellphone niya. Dahan-dahan naman niyang itinapat ito sa likuran niya at nagulat siya sa nakita. Bago pa siya makasigaw ay nawalan siya ng boses. Unti-unti itong inangat at binalibag. Kitang kita sa itsura ni Ethan ang sakit na nararamdaman niya.

Unti-unti ulit itong inangat at ibinagsak ng paulit ulit. Bigla namang dumating sina Lucas at J-on. Nakita nila si Ethan na duguan na.

"Ethan!!!" lalapit sana sila ngunit bigla silang tumilapon. Ibinagsak muli nito si Ethan, pinipilit na gumapang ni Ethan papunta sa mga kaibigan nang binagsak ng babae ang ref at sakto sa ulo ni Ethan. Patuloy na umagos ang dugo ni Ethan sa sahig ng kusina. Tumingin naman ang babae kayna Lucas.

Sinakal ng babae si Lucas nang hindi ito hinahawakan. Tulad ng ginawa niya kay Ethan ay inangat niya ito at bumiglas ng pumiglas si Lucas. Hindi malaman nina J-on ang gagawin. Lalapitan sana ni J-on ang babae ngunit sinakal din ito at inangat. Tawa ng tawa ang babae. Naghanap ng pwedeng gamitin sina Leonette at Stacy. Nakakita sila ng matulis na bakal sa gilid ng hagdan. Dahil sa sobrang focus ng babae sa pag sakal kayna Lucas at J-on hindi nito napansin ang dalawa.

"Ibaba mo sila!" sigaw ni Stacy at napatingin naman ang babae kay Stacy. Sumigaw ang babae at ibinaba sina Lucas at J-on. Patakbo ang babae kay Stacy nang ibato ni Leonette ang matulis na bakal. Tumama naman ito sa may bandang tagiliran ng babae. Kaya sumigaw ito, napatingin naman ito kay Leonette. Kumuha ulit ng bakal si Leonette at ibinato sa babae, tumusok naman ito sa dibdib kaya mas tumindi pa ang sigaw nito. Nag simula namang magdasal si Stacy at kinuha niya ang rosaryo na nasa bulsa niya at itinapat sa babae. Patuloy na nag darasal si Stacy at sinabayan naman ito ng tatlo. Pinalibutan ng magkakaibigan ang babae. Habang palapit ng palapit sina Stacy ay unti-unti itong nasusunog. Itinapat ni Stacy ang rosaryo niya sa noo ng babae at tuluyan itong naging abo habang unti unti ring nawawala at humihina ang sigaw nito.

Napaupo naman si Stacy at Leonette napansin naman nilang mag uumaga na. Lumabas na sila ng rest house habang dala-dala ang mga gamit nila. Hinintay nila ang sundo nila at tumawag ng pulis. Wala pa rin sa ulirat o katinuan sina Leonette at Stacy dahil sa mga nangyari at sinapit ng kanilang mga kaibigan. Bago pa makaalis sina Stacy ay binalikan niya muna ng tingin ang rest house at nakitang nakatayo ang babae sa may bintana at nakangisi ito.

"It's not the end. You'll come again"

***

Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon