Gia's POV
Nasa loob ako ng eskuwelahan kasama ang mga kaibigan ko. Naupo kami sa ilalim ng puno na nakatayo sa gitna ng quadrangle namin na nasa gilid ng simabahan. Catholic school kasi ang pinapasukan ko. Maliit na eskuwelahan lang.
Mayroon din kaming maliit na gate na sakto ang laki para makapasok ang tricycle. Pag pasok mo ay akala mo nasa loob ka ng kuweba. Bubungad naman sayo registrar at office ng principal na nasa bandang kaliwa at waiting area naman sa kanan.
Pag nag lakad ka pa papasok ay bubungad na sayo ang malaking gusali na may tatlong palapag at nasa harapan nito ang malaking puno. Sa kaliwa ng building ay ang isa pang maliit na buldinh na may dalawang palapag at may stage sa ibaba.
Kapag dinaretso mo ang kaliwang banda mo ay makikita mo ang canteen. Nasa gilid ng canteen ang faculty. Sa bandang kanan ng faculty ay ang cr ng mga lalaki na kahalera ang mga classroom. May isang classroom na hindi na ginagamit at nasa likod iyun ng canteen.
"Gi, tara na" aya sa akin ng mga kaibigan ko at tumayo naman ako. Pumunta na kami sa susunod naming klase kung saan isang classroom lang ang pagitan dun sa hindi na ginagamit na classroom. Bago ako pumasok sa loob ng classroom namin ay tumingin muna ko sa hallway. Napakadilim dahil wala namang ilaw na mang gagaling dun at dahil na rin natatabunan ito ng canteen namin.
Natapos ang mahabang araw ng pag aaral ay uwian na namin. May inutos sa akin ang guro namin na dalhin ko raw ang mga portfolio namin sa table niya dun sa faculty dahil ako ang presidente ng klase namin, hindi ako makakatanggi. Nag pasama ako sa mga kaibigan ko dahil dadaan kami sa hindi na ginagamit na classroom. Kada mapapadaan ako doon ay kinikilabutan ako pero hindi ko sinasabi iyon sa mga kaibigan ko dahil wala pa rin naman akong kakaibang nakikita.
-
Kinabukasan, oras ulit ng klase namin doon sa classroom na malapit sa hindi na ginagamit. Napag utusan namin kami ni Chelle ng guro namin na kunin ang portfolio sa table niya. Magkahawak kamay naman kaming lumabas ng classroom at nag kwentuhan habang nag lalakad.
Habang nag lalakad kami ay sabay kaming napatingin sa salamin ng pinto ng classroom na hindi na ginagamit. May nakita akong babaeng naka uniform ng katulad sa amin. Nakatingin ito doon sa bintana. Napahinto ako at sabay kaming nagkatinginan ng kaibigan ko. Nung narealize namin na pareho kami ng nakita ay sumigaw kami saka nag tatakbo papunta sa faculty.
"Nakita mo rin?" tanong niya sa akin at tumango ako. Pareho kaming kinilabutan pero dahil kailangan ng guro namin ang mga portfolio ay kinuha namin ito agad sa table niya. Dadaan ulit kami sa hindi ginagamit na classroom.
"Wag na tayong titingin sa pinto" sabi ko sakanya at naghawak kamay kami sa sobrang takot. Nag bilang muna kami ng 1, 2, 3 at saka huminga ng malalim bago nag lakad. Pinipilit naming hindi lumingon pero mas kinilabutan kami at nagulat nang makita ang babae na nakasilip sa salamin ng pintuan at nakaharap ito sa amin na tila ba ay sinasalubong kami. Napasigaw ulit kami ng kaibigan ko at magtatakbo papasok ng classroom.
"Anong nangyari?" tanong sa amin ng guro namin.
"May babae po dun sa kabilang classroom" pag papaliwanag ni Chelle sa guro namin.
"Nasaan?"
"Nakatayo sa may pinto, ma'am" nanginginig kong tugon. Lumabas ang guro namin para siguro tingnan ang sinasabi namin. May mga ilan naman sa kaklase namin ang sumama sa kanya. Naupo naman kami ni Chelle sa upuan namin at walang imik. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako.
"Nandun nga" mas kinilabutan kami at natakot dahil sa sinabi ng guro namin. Naiyak na lang kaming dalawa ni Chelle.
Nang mahimasmasan kami ay umakyat na kami sa 3rd floor kung saan dun talaga ang classroom namin. Nagulat na lang kami nang biglang tumumba at himatayin si Chelle.
"Chelle! Chelle!" sigaw namin ng mga kaibigan ko at sinampal sampal ko naman siya. Hindi ito nagigising. Ilang minuto lang ay bigla itong tumayo at umupo. Nakatingin ito ng masama sa amin lalo na sa akin. Napalayo ako ng konti sa kanya. Sinampal naman siya ni Lynette, natakot naman kami ng bigla itong tumawa.
"Joke time ata to eh" natatawang sabi ni Jerome. Tumingin ito kay Jerome at itinuro.
"Ikaw!" napaatras naman si Jerome dahil sa sama ng tingin ni Chelle sakanya. Naiiyak na ko at pilit na inaalog alog si Chelle para magising. Bigla ulit itong natumba.
"Tawagin niyo si Nurse" sabi ko sa mga kaklase kong nanunood lang samin. Maya-maya lang ay biglang nagising si Chelle at tiningnan kami.
"Oh bat kayo umiiyak?" yun lang ang sabi niya sa amin at hinawakan kami isa-isa kaya mas naiyak kami.
Pagkauwi ko sa bahay ay hindi ako mapakali para bang laging may nakasunod sa akin. Matapos kong kumain ay nag toothbrush ako. Hindi ko na binuksan ang ilaw sa may lababo namin dahil mag ilaw naman dun sa may sala. Habang nag totoothbrush ako ay para bang may nakatayo sa gilid ko. Tinitiis kong hindi lingunin ang kung sino man ang nasa likod ko. Binilisan ko naman ang pag toothbrush ko dahil ramdam na ramdam ko siya sa likuran ko.
Hirap na hirap akong matulog dahil hindi mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Nanaginip naman ako na magkasama kami ni Emmanuel, ang manliligaw ko, sa loob ng classroom at magkahawak kami ng kamay nang bigla siyang hilahin palayo sa akin nung babaeng nakita ko sa classroom. Nagising naman ako dahil dito at saktong tumunog ang cellphone ko. Chinat ko agad si Emmanuel tungkol dito pati na rin si Rey. Nireplyan naman ako ni Rey na kailangan naming tulusan ng kandila at dasalan ang classroom kasama si Chelle at Emmanuel.
Nung lunch break namin ay pinabuksan namin ang classroom doon sa staff ng school na nagmamahala ng building. Pagpasok namin ay napakagulo ng classroom. Hindi ganito ang nakita namin kahapon. Binuksan namin ang ilaw at nag sindi kami ng kandila sa bawat sulok.
"Mag dasal kayo ng Ama namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati saka kayo mag mensahe" sabi ni Rey na taong simbahan bago siya lumabas ng classroom at isinara ang pinto.
Nag simula naman kaming mag dasal at sa kalagitnaan ng dasal namin ay biglang umiyak si Chelle. Sinasabi ko na ang mensahe ko at paghingi ko ng tawad dahil nagambala namin siya nang biglang lumakas ang iyak ni Chelle. Nagkatinginan kami ni Emmanuel at sabay naming pinuntahan si Chelle.
"Sorry... Sorry... Patawarin mo kami..." sabi niya sa pagitan ng paghimbi niya at pinag kikiskis niya ang mga palad niya. Mariin itong nakapikit at iyak lang ng iyak. Hinawakan ko siya sa balikat pero hindi pa rin humihina ang iyak niya.
"Chelle, kalma" sabi ko sakanya at niyakap naman niya ko saka umiyak ng umiyak.
"Gi, gusto niyang kunin sayo si Emmanuel" nanlaki naman ang mata ko at tiningnan si Emmanuel. Agad namang lumabas si Emmanuel at tinawag si Rey. Kinuwento niya ang nangyari. Binuksan nito ang ilaw at unti-unting humina ang iyak ni Chelle.
"Tumayo na kayo dyan" inalalayan ko namang tumayo si Chelle at iniabot ang panyong nasa bulsa ko. Pinuntahan namin ang adviser namin at kinuwento ang nangyari. Pinuntahan namin ang pari ng simbahan at nag request na bindisyunan ang nasabing classroom.
Ilang sandali lang ay sinamahan namin nina Rey, Emmanuel, Chelle at adviser namin ang pari sa loob ng classroom. Taimtim kaming nag dasal at habang nag wiwisik siya ng holy water ay nanlamig ang buong katawan ko. Patuloy lang ako sa pag darasal at tiningnan si Father na winiwisikan ng holy water ang bawat sulok at buong classroom.
Nang matapos ang pag darasal namin ay pinabuksan niya ang ilaw. Inabutan niya kami ng nabless na rosary.
"Simula ngayon ay lagi niyo itong bibitbitin at lagi na ring bubuksan ang ilaw ng classroom kahit hindi ito ginagamit. Wag na rin kayong mag iingay tuwing dadaan kayo rito" bilin niya sa amin. Sabay sabay naman kaming lumabas ng classroom. Nang nasa tapat na kami ng classroom ay ikinandado na muli ito. Pinag masdan ko ang loob ng classroom at tuluyan ng umalis.
***
This was based on my own experience. The girl inside the classroom is real.
BINABASA MO ANG
Horror Stories
Mystery / ThrillerMany different adventures and creepy stories in one book. Language: Tagalog and English