Dumating na ang bangkang sasakyan nila at lahat sila ay sumakay. Inalalayan ng mga lalaki ang mga babae bago sila tuluyang sumakay. Manghang mangha ang magkakaibigan sa nakikita nila at sa sobrang linaw ng karagatan. Kitang kita nila ang mga isda at coral reefs sa ilalim ng dagat.
Picture dito at picture doon. Biruan dito at biruan doon. Puro tawa at ngiti ang makikita mo sa mga mukha ng mga magkakaibigan. Nag snorkeling sila ng mag kakasama at kumuha pa ng picture sa ilalim ng tubig kasama ang mga isda na may iba't ibang kulay. Bago pa mag tanghali ay bumalik na sa bahay ang mag kakaibigan para makapag pananghalian. May bench/cottage sa harapan ng bahay at dun sila nag prepare ng makakain. Pinasok muna nila lahat ng gamit nila bago ilabas lahat ng lulutuin.
"Lunch is ready" nakangiting sambit ni Stacy at Bianca habang dala dala ang niluto nilang adobo.
"Woooow! Ang bango ah" pag pupuna ni Leonette na nakaupo na sa tabi ni Ethan.
"Leonette, anong ambag mo ha?" sigang tanong sakanya ni J-on na patuloy pa rin sa pag papaypay ng mga hotdog at isda na kanyang iniihaw.
"Ganda lang, bakit?" masungit na tugon nito.
"Pa-pizza ka na lang at softdrinks" pag sa-suggest ni Lucas habang nag tutusok sila ng baboy sa stick nina Brian at Ethan.
"Okay fine. Siguraduhin niyong mauubos niyo lahat yan ha" mataray na sabi niyo bago tumayo at pumasok sa loob ng bahay para kunin ang kanyang cellphone.
"Nasaan na ba ang cellphone ko?" tanong niya sa sarili bago tuluyang makapasok sa bahay.
Hinanap ni Leonette ang phone niya sa mga gamit nila na nasa sala.
"Tsk, san ba nilagay ni J-on yun. Hay naku"
"Hoy pangit!" sigaw ni Leonette mula sa bintana ng bahay.
"Sinong pangit ha?" tanong ni J-on
"Ikaw! Nasaan ang phone ko?"
"Aba malay ko sa cellphone mo. Sakin ba yun at sakin mo hinahanap" patuloy pa rin sa pag paypay si J-on.
"Eh ikaw nag lagay ng mga gamit dito eh"
"Edi nandyan lang yun! Hanapin mo kasi gamit mata, hindi bibig!" saka sila nagtawanan.
"Tse!"
"Saan ba kasi nilagay yun?" umupo muna siya saglit at nag isip kung saan nilagay ang cellphone.
Nang biglang may nag ring.
"Oh, akin yun ah" hinanap niya ang tumutunog na phone. At narinig niya na nang gagaling ito sa kusina.
"Bakit mapupunta dito yun?" pag tataka niya. Sinilip niya ang kusina at narinig ang cellphone na nasa ibabaw ng ref.
"Siraulo talaga si J-on. Pinag tripan nanaman ako" sabi niya bago kumuha ng bangko at nilagay malapit sa ref.
"Alam niyang di ko abot to kaya nilagay dito. Tsk." pilit niyang inaabot ang kanyang cellphone nang makaramdam siya ng lamig na nag mumula sa kanyang paa pataas. Pero patuloy niya lang inaabot ang cellphone niya.
Nakaramdam siya na may biglang nag lakad mula sa likod niya kaya napatingin siya agad sa kanyang likuran. Humangin nanaman ng malakas at patuloy na hinahangin ang kurtina sa may bintana ng kusina.
Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone saka ito bumaba ng upuan. Ibinalik niya ang upuan sa mesa. Binuksan niya ang kanyang cellphone upang makatawag sa magdedeliver ng pizza.
BINABASA MO ANG
Horror Stories
Mystery / ThrillerMany different adventures and creepy stories in one book. Language: Tagalog and English