"Mali ba yung ginawa ko?" tanong ni Bianca sa kaibigang Stacy at Leonette.
"Nararamdaman mo bang mali ka?" tanong ni Leonette. Hindi sumagot si Bianca.
"Hindi naman kasi mali ang ginawa niya. Yun yung nararamdaman niya eh. Kasalanan niya bang mas gusto niya talaga si Ethan kaysa kay Brian?" sagot ni Stacy. Tumango lang si Bianca.
"Matagal ko ng gusto si Ethan. Nagkataon lang na si Brian ang pumoporma sakin. Pero kahit anong pilit ko, wala talaga eh. Si Ethan talaga yung gusto ko" naiiyak na tugon ni Bianca. Hinagod naman ni Leonette ang likuran nito.
"Bianca, wala kang kasalanan. Wala kang mali. Wala ring magagawa si Brian kung si Ethan talaga ang gusto mo"
"Eh pano kung di ako gusto ni Ethan? Edi sinayang ko pag mamahal ni Brian sakin" umiiyak na tugon ni Bianca.
"You really need to choice between Ethan and Bri---"
"AAAAAAAHHHHH!" nahinto sa pag sasalita si Stacy ng marinig ang sigaw ni Brian.
"Si Brian ba yun?" tanong ni Leonette. Nag katinginan silang tatlo at sabay sabay na lumabas ng kwarto. Nakita rin nila na mabilis na bumababa sina Lucas, J-on at Ethan.
Bumaba sila at nakasalubong si Ethan na mabilis na tumatakbo pabalik ng bahay.
"Brian!" sigaw ni J-on at pinahinto ito.
"Anong nangyari?" tanong ni Lucas.
"Sinundan ko kasi yung babaeng umiiyak tapos... May nakita ako dun" sabay turo sa gilid ng rest house.
"Anong nakita mo?"
"B-bangkay" nanginginig na sabi ni Brian.
Tinawagan ni Stacy ang mga pulis ngunit di niya ito makontak dahil sa hina ng signal.
"Ang hina ng signal ko"
"Ako rin"
"Sakin din"
"So anong balak niyo?" tanong ni Bianca na pinapakalma si Brian.
"Tingnan natin" tumingin lahat kay Stacy.
Sabay sabay silang pumasok sa basement ng rest house. Bago pa man sila makapasok ay naaamoy na nila ang malansang amoy.
"It's so creepy na. Tara na balik na tayo" takot na sabi ni Leonette.
"Nandito naman ako. Wag kang mag alala" nakangising sabi ni J-on.
"Mas kinikilabutan pa ko sayo eh. Lumayo layo ka sakin" pandidiri ni Leonette.
Dahan-dahan namang binuksan ni Lucas ang pinto, tuluyan na ngang sumingaw ang di kaaya ayang amoy kaya lahat sila ay napatakip ng ilong.
Binuksan ni Lucas ang ilaw at tumamban ang tatlong bangkay. Halos di na mamukhaan dahil naagnas na sa sobrang katagalan.
"Bakit may mga ganto dito?" nanginginig na tanong ni Leonette na nakatago sa likod ni J-on.
Pag pasok nila ay biglang sumara ang pinto. Nagulat silang lahat.
"Labas na tayo guys" mangiyak ngiyak na sabi ni Bianca.
Bigla ring nag patay bukas ang ilaw sa basement. Halos lahat sila ay nanginginig na. Binuksan ni Lucas ang dala niyang flashlight at tinapat sa mga bangkay na naka handusay lang sa sahig. Nilapitan ni Lucas ang mga bangkay.
"Lucas, mag iingat ka" ani ni Stacy kay Lucas na may pag aalala.
Habang papalapit si Lucas ay may kung anong hangin ang pumasok sa buong basement.
BINABASA MO ANG
Horror Stories
Mystery / ThrillerMany different adventures and creepy stories in one book. Language: Tagalog and English