four

1.8K 22 2
                                    

Namatay ang mag kakaibigan ngunit di pa rin natapos ang pang gugulo ng kung sino mang espiritu sa lugar na iyon.

***

Hindi pa rin makapaniwala si CJ sa nangyari. Tanging siya ang nakaligtas sa mag kakaibigan ngunit nag tamo rin ito ng sugat.

Flashback

Sumalpok ang van sa isang puno, humampas ang ulo ni James sa manubela. Humampas din ang ulo ni Karen, may mga kaunting bubog pa nga sa kanyang ulo. Si Angge naman ay napalakas din ang hampas ng ulo sa upuang nasa harap niya. Si CJ naman ay kakauti lamang ang galos. Nauntog lamang ang ulo niya sa salamin at naipit ang braso. Akala ni CJ na hindi na siya magigising ngunit nagulat siya nang may mga tao na at ambulansya ang nag liligtas sa kanila. Tiningnan niya ang mga kasama at bigla nalamang siyang naiyak sa nakita. Si James ay nasa hospital bed na at tinutulak na papasok ng ambulansya. Pinilit ding buksan ng mga tao ang nayuping pinto ng van para makalabas sila.

Isa isang nilabas ng mga nurse ang mag kakaibigan. Mag kasama si Angge at CJ sa iisang ambulansya. Ginamot ng mga nurse ang braso at ulo ni CJ.

"Ano po bang nangyari?" Tanong nung isang nurse na kasama nila sa van.

Hindi makasagot si CJ at bigla na lamang itong umiyak.

***

Hanggang ngayon di pa rin maisip ni CJ kung bakit nang yari sakanila to. Nag papasalamat pa rin siya dahil nakaligtas siya. Araw araw siyang pumupunta ng simbahan upang ipag dasal ang mga kaibigan kahit ito ay naka neck brace at may semento ang kanang braso.

Habang taimtim na nag darasal si CJ at sinisindihan ang mga kandilang inilagay niya ay may babaeng naka itim ang tumabi sakanya.

"Lagi kang mag iingat"

Napadilat siya at napatingin sa babaeng nasa tabi niya. Nanlamig ang buong katawan ni CJ, namilog rin ang mga mata nito dahil alam niyang ayun rin ang babaeng nakabunggo ng kaibigan niya nung gabing bago sila umalis.

Mag sasalita pa sana si CJ nang bigla itong umalis. Pinag masdan na lang ni CJ ang matandang babae palayo ng simbahan. Pag balik niya ng tingin sa kandilang sinisindihan niya ay may nakakatakot na mukha siyang kaharap. Itim ang mukha, mabilog at puti ang mga mata, parang sunog ang mga balat nito na ikinagulat ni CJ saka nag sign of the cross.

Palagay ni CJ na hindi pa rin siya titigilan ng kung anong nakita nila sa Green Forest dahil alam niyang nagambala nila ang mga espiritu na nanahimik roon.

***

Lumipas ang mga taon at parang nalilimutan na ni CJ ang nang yayari at unti unti na rin siyang natatahimik. Nag karoon na rin ito ng sarili niyang pamilya.

Isang gabi, pag uwi niya sa kanila ay sinalubong siya ng asawa at anak niya.

"Mahal" tawag ng asawa niya

"May bisita ka nga pala, nasa sala kaibigan mo raw eh" nag taka si CJ

"Sinong kaibigan? Si Mariz?"

"Hindi eh"

"Tara na daddy laro na tayooo" at hinila ng anak nila ang kanyang asawa.

Kinutuban si CJ na may masamang mangyayari ngunit nag lakas loob pa rin siyang harapin kung sino mang kaibigan ang sinasabi ng kanyang asawa.

Pag punta niya sa sala ay nakita niya ang isang babaeng nakaupo sa isang sofa at nakatalikod ito sa kanya.

"Mariz?" Tanong nito at biglang tumayo ang babae at tumingin sakanya dahan dahan.

"Hi CJ"

"Bettina?!"

"Miss me?" At tumawa ito ng nakakatakot.

***

Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon