two

3.1K 36 2
                                    

"Hoooooooo!" Masayang masaya na sigaw ng magkakaibigan habang hawak hawak ang isang stick na may inihaw na marshmallows.

"Ito yung best camping ever" sabi ni Karen na masiglang kinakain yung mallows.

"Thanks to Lianne at nakita niya yung lugar na ganito" sabi ni CJ at inakbayan si Lianne, ngumiti lang siya at kinain ang mallows na hawak niya.

"Ginooooo! Ilabas mo na" sabi ni Marvs at inilabas na nga ni Gino ang isang bote ng alak.

"Sabi na eh" sabay sabay na sabi ng magbabarkada.

"Tig-isang shot lang tas wala na" sabi ni Gino at binuksan ang alak

"Hindi ako umiinom" sabi ni Lianne

"Ay naku, pass muna si bunso jan" sabi ni James.

"Paikutin na yaaaan" tuwang tuwang sabi ni Angge at Karen.

Medyo tahimik lang si Bite at Anne, sila naman talaga ang pinaka tahimik sa lahat pero nakiki-join pa rin sila sa trip nila.

Nag simula ng umikot ang baso na may alak at nilalagpasan nila si Lianne na nilalantakan ang mga marshmallows. Medyo kalahati na yung bote ng alak. Medyo tinatamaan na si Karen at Angge pero maayos pa naman ang kalagayan.

"Wehit leng tol ahihi! Naji-jingle all the way na ko" sabi ni Marvs at tumayo sa kinauupuan niya.

"Mag ingat ka ha. Wag na masyadong lumayo" bilin sakanya ni CJ

"Owis tol hahaha! Dito lang ako sa puno. Baka makita nito alaga ko eh"

"Eew!" Sabay sabay nilang sabi

"As if namang balak namin silipin yan" sabi ni Karen at tiningnan si Lianne

"Diba tol?" Sabay kindat

"Aish! Mga perv! Matino pa ko kaya di niyo to matitikman" nasa likod na si Marvin ng puno at ready to jingle na.

"Tss, pag nakita nila to ay naku haha! Tingnan natin kung di niyo hana--Ano yun?!" Tumigil siya sa pag ihi at lumingon sa paligid niya. Medyo tanaw pa roon yung bonfire na tinayo nila.

"Gino, wag mo kong pagtripan ha" sabi niya bago isara ang zipper ng short niya.

Sumilip silip si Marvin sa mga puno na nasa likod niya. May narinig nanaman siyang yabag at malulutong na tunog ng tuyong dahon dahil sa mga yapak nito.

"Gino?" At lumingon siya sa kanan niya.

"James?"

"Karen?!"

"Mga tol ano ba?! Wag niyo kong takutin! Tss"

"Sabihin niyo kung gusto niyo kong gang bang-in dito sige lang free ako pero wag sa ganitong paraan" hindi niya pinapahalata na natatakot siya. May narinig nanaman siyang yabag na papalapit sakanya kaya napatingin siya sa likod niya pero walang tao o kung sino man. Pag lingon niya sa kabila...

"Ang tagal naman umihi nun"

"Isang garapon ata eh" pag bibiruan nila. Iba na ang naging kutob ni Lianne.

"AAAAAAH!" Napatayo ang mag kakaibigan sa narinig na sigaw ni Marvin.

"Si Marvin ba yun?" Tanong ni Angge na halata mong takot na.

"Tara puntahan natin" sabi ni James

"Wait... Nasaan si Bite?" Nagtatakang tanong ni Gino.

"James, Lianne at Karen, puntahan niyo si Marvin. Kami na mag hahanap kay Bite" sabi ni CJ at sumunod naman silang lahat.

Hinanap nina James si Marvin.

"Saan ba umihi yun?! Sabi kasi sakanya wag ng lumayo eh" inis na sabi ni Karen na patuloy pa rin sa paglalakad kasabay ni James.

"Ahmm guys" sabi ni Lianne na nakatalikod sakanila at nakatingin sa kabilang direksyon.

"SH*T MARVIN!" tumakbo si James sa bangkay ni Marvin. Lumapit na rin si Karen at Lianne na medyo takot at nalulungkot sa sinapit ni Marvin.

"Wala na siya" sabi ni James nang pinakiramdaman niya ang pulso ni Marvin. Lumapit naman si Lianne at binuksan ang flashlight saka tinapat kay Marvin saka inexamine.

"Nakakapag taka lang"

"Ano yun?" Tanong nung dalawa

"There's no sign of bleeding, wala ring sugat si Marvin" sabi ni Lianne habang pinupunit yung damit ni Marvin upang makita kung may sugat o kakaiba sa katawan niya.

"Dalhin natin sa bahay yung bangkay ni Marvin" sabi ni James at binuhat nila ito papasok ng bahay.

"Sh*t" sabi nilang lahat ng makita si Marvin na nakahiga sa sahig at walang hininga.

"Di namin alam kung bakit siya namatay or nawalan ng hininga. Tulad ng sabi ni Lianne, wala nga itong dugo o sugat na pwedeng ikamatay ni Marvin" pag papaliwanag ni James.

"Diba sumigaw siya?" Sabi ni CJ na niyayakap si Angge para pakalmahin.

"Oo nga tol, narinig pa natin siyang sumigaw. Hindi siya sisigaw ng ganun kung wala man nangyari. Teka, baka nabalian siya ng buto" tiningnan naman ni James ang mga buto ni Marvin kung okay pa and there's something strange, bale ang mga paa ni Marvin.

Tiningnan ni James ang mga kaibigan niya. Napansin niyang wala si Bite at Anne.

"Teka nasaan si Bite saka si Anne?"

"Nasa loob ng kwarto. Nawalan ng malay si Bite eh and ang weird lang kasi puro putik yung paa niya kanina" sabi ni CJ

"Maputik kasi sa labas kanina eh" sabi naman ni Karen

"Pero bakit siya nag black out?" Takang tanong ni CJ

"There are cases kasi na pag natatakot ang isang tao, pwede silang mahimatay" pag papaliwanag ni Lianne saka tumingin ulit kay Marvin.

"Nabasa ko na yung mga ganitong case. May mga taong namamatay kahit walang sugat o bleeding na nakikita dahil minsan may internal reason or internal bleeding kaya sila namamatay. Ang nakakapag taka lang, bale ang mga ankles ni Marvin, who the hell were going to break someone's ankle?" Mahabang sabi ni Lianne.

"Yun ang dapat nating malaman" sabi ni Gino.

"Mabuti pa, ilibing na natin si Marvin" sunod niyang sabi at inaya si James sa labas.

"Uwi na tayo" pag aaya ni Angge at niyakap ng mahigpit si CJ.

"Uuwi na tayo bukas" sabi ni CJ para kumalma siya.

"Ngayon na" umiiyak niyang sabi. Nanatiling nakaupo si Lianne sa sahig at nag iisip pa rin. Napatingin siya sa paa ni Marvin nakakita siya ng bakat na kuko sa mga paa nito.

May nag taka kay Marvin nito. It's not an accident

***

Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon