three

2.8K 41 5
                                    

Maagang nagising si Angge dahil di pa rin siya mapakali sa nangyari kagabi. Katabi niya si CJ na natutulog pa rin. Tiningnan niya yung iba kung tulog pa pero nakita niyang wala si Bite sa higaan niya. Tumayo na siya at nag babakasakaling nasa labas ng kwarto.

"Bite?" Tawag niya nang makalabas siya ng kwarto at isinara ang pinto. Nakita niyang medyo madilim pa sa labas ng bahay. Medyo nanginginig siya at nanlalamig ang paa pero mas minabuti niyang hanapin muna si Bettina.

"Bite?" Tawag niya nang sumilip siya sa kusina pero walang Bettina. Sumilip din siya sa sala pero wala pa rin si Bettina.

"Bettina?" Tawag niya ulit. Napatingin naman siya sa labas ng bahay at may nakitang anino. Anino ni Bettina.

"B-bite?" Nanginginig niyang sabi at bubuksan ang pinto ng bahay.

"Angge!"

"Puta!" Napahawak si Angge sa dibdib niya at napatingin sa likuran niya na mas ikinagulat niya.

"B-bettina?" Tumawa naman ang kaibigan niya.

"Para ka namang nakakita ng multo haha! Ang aga aga lalabas ka?" Sabi nito at dumaretso sa kusina.

"A-akala ko nasa labas ka" sumunod naman siya sa loob ng kusina. Nakita niya si Bettina na umiinom ng tubig. May napansin siyang kakaiba sa kamay ni Bettina pero di niya yun pinansin dahil nangunguna ang takot niya.

"Ako? Lalabas? Ano ka ba, alas tres pa lang ng madaling araw. Nauhaw lang ako kaya ako bumangon" namilog ang mata ni Angge at mas kinilabutan. Titingin pa sana siya sa labas nang tawagin ni Bettina ang pangalan niya.

***

Nakatulog ulit si Angge pero di pa rin nawawala sa isip niya ang imahe ng nakita niya. Nagising naman si Karen dahil ihing ihi na siya. Lumabas siya ng kwarto habang nag kukusot ng mata. Papasok pa lang ng banyo si Karen ay napasigaw na ito.

"TOOOOOOOOOL!" Lahat naman sila ay napabalikwas sa sigaw ni Karen. Nagkanda tumba tumba na yung iba kakamadali.

"Gahd" sabi ni CJ at nag takip ng mukha.

"Ano nanaman to?!" Sigaw ni Angge at umiyak nanaman.

"Another case" sabi ni Lianne at napatingin nanaman sila sakanya. Inayos muna nito ang salamin bago mag salita ulit.

"Sino yung may lakas ng loob na bunutin lahat ng ngipin ng isang tao? This is not an accident. We have a proof, what? Kung aksidente to, mabubunot ba lahat ng ngipin ni Anne? Kahit na sabihin nadulas siya and tumama ang mga ngipin niya somewhere hindi pa rin sapat na evidence yun. Hindi mababagok si Anne kasi walang bleeding sa ulo niya tanging ngipin niya lang ang evide---wait" naputol ang sasabihin ni Lianne dahil may napansin siya sa mga kamay ni Anne.

"Same as I saw on Marvin's feet" sabi niya at ipinakita sa mga kaibigan ang kamay ni Anne na may bakat ng kuko.

"Ano namang kinalaman ng kuko sa pagkamatay ni Anne?" Iritadong sabi ni Angge habang nag papapadyak at umiiyak.

"Same evidence kasi siya with Marvin so may kinalaman yang kuko na yan sa kanilang dalawa. It means, iisang tao ang gumawa nito" tiningnan ni James ang mga kaibigan.

"Kung tao nga ba talaga to" may somehthing sa sinabi ni James. Siguro nag hihinala na rin ang kaibigan nila sa mga nangyayari.

Napatingin sila kay Bettina na nanahimik sa isang sulok at mukhang hindi mapakali.

"Bite?" Tawag ni CJ sa kaibigan at lalapitan niya sana ito.

"Hayaan muna natin magpahinga si Bettina, baka pagod lang siya"

"Gusto ko ng umuwi" naiiyak na sabi ni Angge at inalog alog si James. Nagmamakaawa itong umalis.

"Mag impake na kayo" sabi nito at agad naman silang kumilos. Napatingin ng mabilis si Bettina sa gawi nila.

"Walang aalis!" Sigaw nito at nag iba ang boses. Hindi si Bettina ang sumigaw, biglang dumilim ang buong paligid.

"J-james?!" Tawag ng mga kaibigan niya nang makalabas sila ng kwarto at dala dala ang mga gamit.

"Labas!" Utos nito at tumakbo naman ang mga babae sa labas. Matalim pa rin ang tingin ni Bettina kay James, lumapit naman si Gino kay James.

"Lumabas ka na tol!" Sabi ni James kay Gino pero hindi ito kumilos. Nag iba na ang itsura ni Bettina, susugod na ito sa gawi nina James pero tinulak ni Gino si James palabas at biglang sumara ang pinto ng bahay.

"AAAAAAAHH!"

"GINOOOOOO!" kinalampag ni James ang pinto at tumakbo palabas. Nakita niyang tumatakbo ang mga babaeng kasama niya.

"Sa kotse!" Sigaw niya at tumungo nga sila sa kinaruroonan ng kotse nang madapa si Lianne.

"Fvck!" Sabi nito at kinapa kapa ang salamin niya malapit sa pinag dapaan niya.

"Damn eyeglasses!" tumayo na siya kahit wala ang salamin. Medyo malabo ang paningin niya. Hindi na siya tumakbo at nag dahan dahan siyang naglakad.

May nakita siyang aninag ng babae.

"K-karen?" Sabi nito at lalapitan pa sana niya ang kaibigan pero bigla siyang tinulak ng malakas at tumama siya sa malaking puno.

"Karen!" Sigaw nito at iniinda ang nasa likuran niya. Pinataas siya nito at idiniing mabuti sa malaking puno hanggang sa malagutan si Lianne ng hininga.

***

"Nasaan si Lianne?" Tanong ni James nang makasakay sila ng van. Napalingon lingon naman sila.

"James bilisan mo!" Natatarantang sabi ni CJ na niyayakap si Angge at nakadukmo lang.

Pinaandar ni James ang van ng matulin. Nakaramdam ng something si CJ kay Angge. Hingal na hingal si Angge at hindi kumikibo.

"A-angge okay ka lang? Pauwi na tayo" sabi niya at hinimas himas pa ang likod nito.

"Malapit na tayo Angge" pangungumbinsi ni James at nanahimik lang si Karen.

Dahan dahang inangat ni Angge ang ulo niya at napatingin sakanya si Karen.

"AAAAAAAAAAH!" sigaw ni Karen at nataranta si James kaya nabitawan niya ang manubela at sumalpok sa isang malaking puno.

***

"Hahaha! Akala nila maiisahan nila tayo"

"They can run but they can't hide"

***

Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon