"Nakakakilabot talaga" sambit ni Cedric nang matapos niya ang binabasang horror story.
Nag scroll na nag scroll lang siya sa facebook account niya nang may makita siyang panibagong babasahin. Sinave niya ito dahil wala pa siya sa mood magbasa ulit. Binasa niya muna ang mga comments bago mag scroll ulit.
:Nakakatakot talaga. Maganda.
:Mukhang interesting to ah hahaha!
:Takutan nanaman mamaya
:Wag niyo ng tangkaing basahin ang istoryang yan. Maraming nagsasabi na matapos nila itong basahin ay namatay sila.
"Tss hahaha! May mag cocomment talaga ng ganto para mas makuha atensyon ng tao" natatawang sabi ni Cedric at saka bumangon sa kanyang kinahihigaan. Nanguha siya ng makakain bago bumalik ulit sa kanyang kwarto. Nag linis muna siya ng katawan niya bago mahiga ulit at ipag patuloy ang babasahing istorya.
"Ako si Maxine. Isa lang akong simpleng estudyante na nangangarap makapag tapos ng pag aaral. Ngunit natakot akong pumasok sa eskuwelahan simula nang mabully ako ng mga kaklase ko. Lagi nila akong pinag tatawanan at pinag titripan. Kung ano ano ang ginagawa nila sakin. Sinasaktan. Sinasabunutan. Sinusuntok. Sinasampal. Minsan pa ay pinaliguan nila ako ng tubig kanal. May isang beses din na binuhusan nila ng tubig ang kinakainan ko. Lahat ng iyun ay tiniis ko para lang makapag tapos.
Isang araw, pumasok ako sa eskuwelahan, lahat sila ay nakatingin nanaman sa akin. Naririnig ko pa silang nag tatawanan. Hindi ko iyun pinansin at nag patuloy. Pag pasok ko ng classroom ay may kakaiba akong naramdaman. Nakangiti silang lahat sa akin.
Maxine, may bago kang manliligaw
Napatingin naman ako sakanya at nakita ko si Paolo, may dalang rosas at nakatingin sakin. Natawa naman ang iba kong kaklase dahil sa reaksyon ko. Hindi ko naman kasi inaasahan na may ganito akong matatanggap ngayong araw.
Para sayo
Sabi niya sa akin at inabot ang rosas na dala-dala niya. Nag dadalawang isip ako kung kukunin ko ba o hindi. Ngunit bigla ko itong tinanggap at ngumiti ng tipid bago mag pasalamat.
Magkita tayo mamayang alas siyete sa tapat ng gate ng school. Date tayo. Treat ko.
Nanlaki naman ang mata ko pero nakangiti lang siya. Natawa naman ang mga kaklase ko kaya napayuko ako.
Mag hihintay ako sayo ha?
Nakangiti niyang sabi bago umalis. Tumango lang ako at naupo sa upuan ko.
Congrats Maxine. Himala at nagustuhan ka ni Paolo kahit napaka outcast mo.
Natatawang sabi ni Sheena sakin bago tuluyan bumalik sa upuan niya. Dumating naman ang guro namin kaya tumahimik ang lahat.
Pagkauwi ko sa amin ay nag ayos ako agad. Namili ako ng magandang isusuot. First time ko ito kaya excited ako. Habang nag lalakad ako papunta sa aming eskuwelahan ay wala pa si Paolo sa may gate. Maaga pa rin naman kaya baka malate lang ng kaunti yun.
Nag hintay pa ko ng ilang minuto pero wala pa rin si Paolo kaya naisipan ko siyang itext. Bigla namang may huminto sa harapan kong kotse na siyang ikinatakot ko. Pero nang maaninag ko si Paolo ay nawala ang takot ko.
Kanina ka pa ba dyan? Tara. Sakay ka na.
Ngumiti lang ako at pumasok sa loob ng kotse. Hinayaan ko lang siyang mag drive. Hindi ko na rin siya tinanong kung saan kami pupunta. Nagulat naman ako na medyo madilim na ang daang dinadaanan namin.
Ahh, Paolo, saan tayo pupunta?
Hindi siya umimik at huminto saglit sa gilid. Nagulat naman ako nang may tatlo pang lalaking sumakay. Sobra yung takot ko. Pilit kong binubuksan ang pinto at sigaw ng sigaw pero lahat sila ay tumatawa lang at nakatingin sakin. Hanggang sa ginahasa nila ako sa loob ng kotse. Wala akong nagawa kundi umiyak at mag makaawa pero parang wala silang puso. Matapos nila akong gahasain ay pinatay nila ako at itinapon sa kung saan.
Isinumpa ko na mag babalik ako. Mag hihiganti ako.
Ilang buwan ang nakalipas at naghiganti ako. Lahat ng lalaking nasa loob ng kotseng yun ay pinatay ko. Ginawa ko sa kanila ang ginawa nila sa akin. Halos lahat pala ng lalaki ay ganun. Nakakatawa na lang isipin kaya ikaw na nag babasa, baka gusto mong damayan kita sa pag tulog mo? Ngayong nabasa mo na 'to sisiguraduhin kong nasa tabi mo lang ako lagi"
Natapos ni Cedric ang kwento ngunit bigla siyang kinilabutan sa mga huling nabasa niya.
"Grr. Bat ang creepy?" may halong pag tawa at pag katakot na sambit ni Cedric sa sarili.
Pinatay na niya ang kanyang ilaw at nag simula nang matulog. Bigla naman siyang nakarinig ng maliliit na pag hinga sa may tabi niya. Hindi niya ito pinansin at ipinikit ang mga mata.
"Lumingon ka" bulong ng katabi niya. Kinilabutan si Cedric sa narinig niya kaya tinakluban niya ang sarili niya.
"Lumingon ka" malamig na sabi nito. Dahan-dahang lumingon si Cedric at...
"AAAAAAAAHHHHH!"
IKAW? BAKA GUSTO MO RING LUMINGON?
***
BINABASA MO ANG
Horror Stories
Mystery / ThrillerMany different adventures and creepy stories in one book. Language: Tagalog and English