one

898 7 0
                                    

Nag usap usap ang mag babarkada sa kanilang groupchat. Pinag pplanuhan nila ang pag alis nila sa makalawa. Dahil maganda naman ang offer ng isa nilang kaibigan at may kasama naman raw itong mga tagapag alaga ng bahay.

Kinaumagahan nag kitakita ang mag babarkada sa dagat at sabay sabay na sumakay ng bangka na patawid sa kabilang isla kung saan nandoon ang rest house ng lolo ni Stacy.

***

"Sheeeeet! Ang ganda dito sis. I never knew na may ganto kayong kalaki na lupain!" sigaw ng may pagkamangha ng kaibigan nilang si Leonette. Si Leonette ay tipo ng babaeng anak mayaman. Conyo. Medyo maarte at picky.

"Well" nakangiting sabi ni Stacy.

Nilapitan ni Lucas si Stacy at kinuha yung mga dala nitong gamit.

"Ay thank you" at ngumiti lang si Lucas sakanya bago pa to pumasok sa rest house.

"By the way, where are the caretakers here?" Pamumuna ni Leonette. Kaya pareparehas nilang nilibot ang buong rest house.

"It's weird. Sabi ni lolo di naman sila umaalis dito hanggat walang taong nag sstay sa rest house"

"Let's just enjoy our vacation here guys" nakangiting sabi ni J-on pero may kung anong nakakaloko sa mga ngiti nito.

***

"Woooooah!"

"It's so fuuuun!"

"Drink more guys"

"DJ Lucas in the hooooouse!"

"Bring that beat on!"

Masaya silang nag sasayawan at nag iinom sa tapat ng beach. Inayos nila yung mini stage at nilagyan ng kung ano anong dekorasyon saka gumawa ng mini party.

"That was fun" hingal na hingal na sabi ni Bianca at nag kangitian sila ni Leonette bago ihiga ang sarili sa buhanginan.

"Well, thanks to Stacy for letting us to stay here" sabi ni Ethan

"Also thanks to Lucas" nakangiting sabi nito saka tumingin kay Lucas na nakangisi lang saka uminom ng kanyang inumin.

Ilang oras lang ay nag pasya na rin silang pumasok sa loob ng bahay. Bukas na lamang nila aayusin lahat ng gamit na nasa labas dahil pagod na rin ito kakasayaw at medyo hilo na rin dahil sa kanilang ininom.

"Ang bigat talaga ni Bianca kahit payat. Siksik" pag rereklamo ni Brian nang inaalalayan nila ni Ethan si Bianca dahil nalasing ito sa kakasayaw habang nag iinom.

Nakapasok na sila sa loob ng bahay at lahat sila ay naupo muna sa sala. Para mapahinga ang katawan ng konti.

"Gusto niyo ba ng tubig?" Tanong ni J-on sakanila. Tumango lang ang mga ito saka nag tungo si J-on sa kusina.

Sa pag pasok niya sa kusina ay may kung anong lamig siyang naramdaman pero isinawalang bahala niya lang ito dahil naisip niya na baka hangin lang yung mula sa labas.

Binuksan na niya ang ref pero may naamoy siyang kung anong lansa at di kaaya aya kaya kinuha na lang niya ang mga bottled water saka umalis.

Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon