Maymay's POV
"Two years na tayo. Wala paring nagbago." nasa may dagat ulit kami kung saan ko siya sinagot dati. may simpleng handaan kami. masaya pero para atang may problema siya ngayon. kanina pa siya tahimik eh.
"Dons, may problema ba?" tinanong ko na siya. para naman siyang bumalik galing sa Mars sa kanyang kinaroroona.
"Ha? Ah.. wala, walang problema may." ngumiti siya pero hindi yung ngiting nakikita ko dati. kanina parang binabalewala ko lang pero ngayon nag aalala na ako.
"May masakit ba sayo? masama ba ang pakiramdam mo? gusto mo ba bumalik na tayo?" hindi siya sumagot. pero ako nalang ang nagpaandar. alam ko na kung paano ito gamitin dahil tinuruan niya ko nung mag first anniversary kami.
Nung makadaong kami.
"Yan ang problema may." tumingin ako sa kanya habang naka kunot ang noo.
"Masyado mo akong mahal. I get confuse on how to tell you this."
ang bilis ng tibok ng aking puso pero iba to.
"Sabihing ano, Donny?" huwag naman sana...
"Di na kita mahal." ha? nag jojoke time nanaman to.
"Dons, ano ka ba? nag chachar char ka nanaman diyan. grabe bai ngayon ka nag jojoke eh second anniversary na natin oh." may pangamba na saririnig sa aking boses
"Hindi na talaga kita mahal. i have someone else. pupuntahan ko na siya don sa Europe. i hope you'll find someone that will love you more than the love that you deserve." tapos tinalikuran na niya ako at umalis na.
Eto naman ako nakatunganga, di gumagalaw pero ang lakas ng energy ng aking puso, isipan at luha.
wala akong nagawa.
meron pala, umiyak.
marami ang sumasagi sa isipan ko. bakit?
ang saya saya pa namin kahapon bago kami pumunta dito ulit para sa anniversary namin.
parang gugumuguho ang mundo ko
nawawalan ng lakas
At umulan ng malakas
bushak
pati ba naman ulan makiki eksena?
lumakad ako palabas ng speedboat at untiting lumalabo ang aking paningin...