*******
Dedicated po ito sa lahat ng nag vote and nagcomment.. sana magustuhan niyo po :D thank you ulit :)
Maymay's POV
*tototototototototot* *tototototototototot*
"hmmm" kainis naman tong tumatawag! natutulog pa ako. hay nako!
tinignan ko nalang kung sino yung tumatawag. hala bushak! si ma'am Ali!
"Marydale Entrata! Kanina pa kita tinatawagan ha? you're an hour late sa photoshoot natin! I've texted you the time and venue kagabi pa. And I expect you to be here in 3 minutes!" tapos inend call na niya agad. At eto naman ako nanosebleed nanaman. pero galit na yon.
Dali dali akong naghilamos at nag toothbrush at binalewala ko nalang na naka pantulog pa ako. be there in 3 minutes nga eh. kumuha nalang ako ng slice bread sa mesa para sa breakfast ko at ininum yung kape na medyo malamig na pero masarap parin.
Teka, kanino ba yon? wala naman akong mag grocery dito. bakit may slice bread at kape? ahh wala na akong oras! mamaya nalang to. at kumaripas na ako ng takbo papunta ng photoshoot.
------------------
"You're late." pambungad niya sa akin nung makita ako.
"Eh ma'am uso naman po yung filipino time hehehe" ano ba naman yan Maymay! wala ka na bang matinong naiisip?
"What happened to your eyes!?" patay na! tumataas boses ni ma'am Ali.
"Eh ma'am nanood po kasi ako ng korean drama kagabi. sobrang nakakaiyak po." palusot ko
"Your eyes are swollen. Nikko? how do we fix this?" tawag niya sa baklang make up artist
"Pag patuloy mo akong tawaging Nikko mas lalalaan ko pa yan. kaloka!" nakakatuwa tong make up artist. bakla nga pero di mukhang bakla.
"Okay okay.. Nikka how do we fix this?" ayan napasmile na si ma'am make up artist.
"Perfect! bagay na bagay sa beautiful kong fez diba? o siya dahil tinawag mo akong Nikka, I will do my best. heavy make up lang ang katapat niyan." na! patay na! heavy make up bai. ang pinaka ayaw ko
"Eh sir bakit po? pwede naman light make up lang ba."
"Isa pang beses na tawagin mo akong sir ipapakain ko tong buong make up kit sayo." hala na yung tingin niya parang mangangain
"Ay! sorry po s-- ma'am.." nakakatakot bai
ngumiti siya muna bago magsalita. "ate Nikka nalang ang itawag mo sa akin."