Maymay's POV
"Class dismissed." tugon ng professor namin bago tumayo at umalis
Haay salamat! masakit sa pwet kahit wala naman akong pwet ang ilang oras na nakaupo. yung mga classmates ko din ay nagsimula na sa pag iingay.
paglingon ko kay Kisses, ayun nagsusulat.
"Nakuu! ang sipag naman ni Kisses." hinalikan ko siya sa may buhok niya at tinignan kung ano yung sinusulat niya. ay sus!
"Nagdrawdrawing ka lang pala . akala ko nag nonotes ka hahaha" nang tinignan ko yung drawing niya. mukhang pamilyar
"Hindi to normal lang na drawing te May. Diyan tayo nagkakilala eh." tapos ngumiti siya ng kay tamis. umupo na muna ako sa tabi niya.
"Hala grabe! naalala mo pa yun? akala ko ako nalang yung makaka alala."
"Eeh! di kaya. special din kaya yung day na yun." tapos nagtawanan kami
"Maymay.. Let's eat lunch outside the school?" sabi ng taong diretso yumakap sakin.
"Bushak! ano ba Edward! ang bigat bigat mo! ang baboy mo!" buang talaga to
"Ah so you called me baboy ha? ooo!" tapos mas binigatan pa niya yung pagyakap niya. ang baboy talaga
"Aray!! ano? di mo ako bibitawan? Edward!" tapos umakto siyang parang natutulog
"I won't not unless you say yes." yesyesin niya yang mukha niya!
"Buang! eh wala nga akong pera!" tapos kumawala na siya sa yakap.
"My treat." tinaas baba niya yung mga kilay niya.
"Oo na! oo na! hay!" pagsusurrender ko sa kanya. jusmiyo! ang kulit!
"Ehhmm.." ay bushak! katabi ko lang pala si Kisses
"Ay Kisses, ikaw sama ka rin." pag yaya ko kay Kisses. baka magtampo nanaman. nakita ko naman si Edward tapos sumimangot sa akin. problema nun?
"Di pa kasi ako tapos but if you insist, okay sasama rin ako." ayun nakangiti na siya ulit
hinila naman ako ni Edward sa kanya habang nagliligpit ng gamit si Kisses.
"I'll be treating you only." bulong niya sakin.
"Buang ka talaga! bakit di mo nalang rin--- asdjncecnhhencljw!" tinakpan niya yung bibig ko at nag shhh ng mahina
"Is there a problem?" patay! si Kisses.