Maymay's POV
1 week na ang nakalipas since nameet ko yung mga bagong kaibigan ko. minalas naman ako katapos nun kasi nawala yung cellphone ko. wala pa naman password or pin yun. hay
kung sino man ang may hawak nun ay sana maging masaya siya sa cellphone ko. mahal ko yun eh. 12k yun. ingatan niya talaga ng buong puso. haay
wala na ngang dslr, wala pa cellphone. haaaay. makailang buntong hininga na ba ako?
"Ate Maaaaaaaay!!!" narinig kong pamilyar na boses. napangiti naman ako. namiss ko siya. sobra
"Kisseeeeeeeeees!! bebe!" yakapan muna kami. tsaka pinaulanan ako ng kisses. kaya pala kisses ang ipinangalan sa kanya hahahaha
"Andito ka sa school ngayon. Ibig sabihin makakapag aral ka na ulit?" tanong niya sa akin.
"Oo. nakapag ipon na ako ng sapat. kaya nga lang, nawala yung cellphone ko tsaka dslr. di ko lang muna mapapalitan yun at mukhang mahirap ako kontakin ngayon hahaha." namiss ko talag tong babaeng to
"Ehhh naman ate may. don't worry. ibibigay ko nalang yung isang cellphone ko sayo." ang bait talagang bata
"Naku! nakakahiya bai. huwag na muna. di ko pa naman kailangan." pagtatanggi ko. totoo naman na di ko pa kailangan pero di ko namang sinabi na ayaw ko hekhekhek jk lang
"Alam mo ate May, marami akong ikwekwento sayo since last year pa sa pagdrop out mo ng school. wala kasi akong makwentuhan na iba sa Math club natin kundi ikaw lang." bakit kaya ganun. andaming nakwekwento sakin ni Kisses. parang di siya nauubusan
"O sige. go na go rin ako diyan pero kunin ko lang ang sched ko." panguna ko na sa kanya.
si Kisses kasi pag di mo kilala, mahinhin at parang beauty queen ba, pero pag mas kilala mo siya marami kang makikitang sides niya. nakakatuwa nga minsan pero pag siya may maumpisahan na topic, di mo malalaman kung kailan matatapos kaya kailangan ko muna siyang unahan
"Ay. okay ate May samahan nalang kita." nakangiti niyang sabi
----------------------
Nung nakuha ko na yung schedule ko, umupo kami ni Kisses sa isang bench at nagsimula na siyang magkwento.
"Alam mo ate May, last year lang nung nawala ka, may nag tranfser na student dito galing Germany. ang gwapo ate May. hindi niya ako nilalapitan pero parang gusto niya. kaya lang parang mag bro sila na Marco eh alam naman ng lahat na may past kami kaya siguro ganyan." hay lalaki nanaman
"Eh Kisses, wag muna tayo mag focus ng mga ganyan ganyan. study lang muna. parang kailan lang umiiyak ka pa dahil kay Marco." ayaw kong makita siyang umiiyak. parang kapatid na rin ang turing ko kay Kisses. nasasaktan ako pag umiiyak siya