Maymay's POV
Ilang buwan na ang nakakalipas. Unti unti na ring nagiging okay ako. Dahil sa mga bagong nakilala ko. Mabuti nalang na nandito sila. Pero yung naiinisan ko lang ay yung pagstay nina Edward at Marco sa apartment ko. Ang kalat uy! Lalo na si Marco!
"Uy Marco! Yung balat ng Piatos mo!" sinimangutan lan ako at dinilaan. Tsk!
"Pulutin mo na lang te May." Itinaas ko yung kamao ko.
"Psst Marco! Just get it." Sabi ni Edwardo.
"Buti pa si Edwardo hindi nagkakalat. Gayahin mo nga siya Marco." Tumingin sakin si Edwardo
"It'd be too much if I make more mess to his messy place." Kumunot yung noo ko.
"Ano daw Marco?" natapon ni Edward yung iniinom niya at tumawa ng malakas.
"Guess I should enroll in a Tagalog class. Gotta tell my mum about it." Aba tong kanong ito!
"Kapal mo ah! Hoy. Papaalalahanin kita na nasa teritoryo ko kayo Edwardo ha. Wag mo ako nilalait lait baka kita sipain palabas. " inilagay niya yung daliri niya sa may, itinaas niya yung mga kamay niya tsaka ziniper yung bibig niya. Tawang wagi hahahahaha
"Kailan ba dadating si Kisses ate May?" tanong ni Marco
"Maymay, you know what I've noticed something. Kisses is the only name I hear coming out of his mouth lately." Hala oo nga noh.
"Yiee Marco. Baka unahan niyo akong ikasal ha? Ako pinakamatanda so ako dapat yung mauna hahahaha." Tukso ko sa kaniya na ikinamula ni Marco.
"Grabe ate May. Kasalan agad? Di bale. Susunod kami ni Kisses sa inyo ni Edward." Hala buang
"Hala na! unahan mo narin ako Edwardo? Ikaw ha. Sino?" tumingin siya sa akin
"You." Natigilan ako at naubo bigla. Bushak
"Yieeee kasalan na. bro ako flower girl." Tapos di parin nawawala yung tinginan naming nang biglang
"Got you! Hahaahahhaha! You should have seen your face. You were like a tomato!" nag apiran naman sila.
Nakakainis! Biglang uminit yung ulo ko.
"Tsk. Sge na uwi na kayo. Matutulog na ako." Nakakainis namang mangjoke tong isang to
"Uy! Hala ka bro, pinaasa mo si ate May." Tapos natawanan nanaman sila
"Hindi ah. Uwi na kasi. Tulog na ako." Nagtigilan sila ng pagtawa at tumayo na si Marco.
"Hala ate May, sorry." Niyakap niya ako at hinalikan sa may buhok. Tumango nalang ako. Nakalabas na si Marco pero di pa itong kanong hilaw. Hay naku. Bat ba kasi ako nahahigh blood sa kanya?
"Psst Uwi na!" tumingin muna siya sakin at bumalik yung atensyon sa tv nanaman.
"Can't. mum and dad's not here. They left for a three day vacay in our hometown. They forgot to leave the keys to me and yeah. I got nowhere else to go." Nowhere nowhere. Nowherein niya yung mukha niya . Mas naiinis lang ako sa kanya.
"Edi you go with Marco. Tutal parehas lang ulo niyo. Magsama kayong dalawa." Pinaghahampas ko siya ng unan
"Ow! Ow! Stop! He's gone now, see? And I don't wanna go out to the streets right now. I'm too lazy. And my money, it's sayang." Ang sabihin niya, takot siya. Baklang baboy. Pinabayaan ko nalang siya dahil baka mahighblood lang ako masyado.