Maymay's POV
(Paragraph from a Famous English book)
*isinara ng malakas ang libro*
Bushak! Ni wala akong naintindihan. Ingles naman oh. Sobrang hirap na hirap na talaga ako. Lumabas na muna ako ng aking kwarto at makapag tanggal ng stress sa kababasa ng ingles. Imbis na palalain pa ang aking sakit sa ulo ay i ienjoy ko nalang ang simoy ng dagat. Haaaay... Ang ganda talaga dito. Sariwang hangin, blue skies, malapit lang sa dagat at higit sa lahat wala akong binabayaran. Mabuti nalang at isa ako sa mga modelo.*tottototototototototot*
"Bushak!" Gulat kong sabi. Nagulat nanaman ako. Kung palitan ko kaya ang message tone ko. Ah mamaya na. Nang i open ko yung messages, ito yung bumungad sakin
'Marydale, sorry to inform you that the photoshoot crew will be late for two days for some urgent photoshoot happening at the moment here. We'll get back on you directly after this.
-Ali
Hindi naman niya kailangang mag ingles ng sobra. Dudugo yung ilong ko. Napangiti nalang ako. ibig sabihin, may time pa akong makapag enjoy. Isa kasi akong runway model na model. Hahahaha gets niyo? ako hindi eh. joke lang
Nagbihis na ako ng pang swimming pero di po yung two piece. Ay jusmiyo di bagay sakin ang ganun. Para na akong skeleton sa sobrang payat ko. Malay ko ba kung ano ang nakita ng model agency sakin. Di naman ako maganda o sexy pero sa tangkad ako nabiyayaan.
Nag stretching pa muna ako bago sumulong sa dagat. At heto naaa. Lumusob na ako at lumangoy langoy. Nakakamiss lang talaga ang dagat.
Kitang kita ko yung bagong nag check-in sa hotel na sa kabila lang ng kuwarto ko. At dahil mahilig ako sa tao ay bumati ako ng 'hi' na pagkalakas lakas at ikinaway ko ang aking mga kamay. Napalingon ang babae at kumaway rin pabalik at pumasok na sa loob nang hindi sinara ang pintuan. Maya maya pa'y may pumasok na lalaking may dala dalang bagahe. Bagong kasal ata.
Nang matapos na akong maligo ay nagbihis na ako kinuha na ang aking dslr para kumuha ng mga litrato.
Pakalabas ko ulit kumuha na agad ako ng litrato nang madaanan ng mga mata ng dslr ang isang kayat na naka taob. Teka kayat ba yun o kayak. Basta yun na yun.
"Help! Please! Anyone gdubjdis! HELP!" Naalarma ako nung narinig ko yun.
Lumapit pa ako at nang maizoom ko pa yung lenses para makita kung ano talaga ang nangyayari, nagulat ako dahil may taong nalulunod. Dali dali kong binitawan yung camera at lumingon para humingi ng tulog ngunit walang ibang tao ang nasa paligid kaya ako nalang ang lumusob sa tubig. Ang lalim na pala buti nalang alam kong lumangoy. Nang makuha ko ang kamay ay ihinila ko na siya papalapit sa tabing dagat. Hingal na hingal siya ganun din naman ako. At ngayon ko palang napagtanto na bushak! Foreigner pala itong iniligtas ko! Paano na ngayon? English saniban mo akoooo! heto na..
"Are you*hingal*okay ma'am?" tanong ko sa kanya.
"Y-yes. Thank you very*hingal* much. I almost died." hinimas ko nalang yung likod niya. mabuti nalang at di pa siya nawalan ng malay dahil kung nagkataon di ko na siya maililigtas.
"You're welcome ma'am. But ma'am, you, next time you should not forget to ano, to wear life jacket so that you will not drown." balik na sa normal ang paghinga ko pero ang ingles ko? ayun normal parin. nagkakanda utal utal.
"Stop calling me ma'am. Call me Laura." sabi niya ng naka ngiti. ang ganda naman ng foreigner na to.
"Yes ma'am. ay, ma'am Laura."
"hahahahahaha just Laura. Saving me already makes us close enough to call me Laura." nakaka nosebleed naman ito. tumango nalang ako at ngumiti.
"You know ma'am, ay Laura pala. You look so pretty. You look like an artista. A celebrity po." sabi ko habang tango ng tango.
"Stop lying. Wait, I still didn't get your name." Ano? kukunin niya ang pangalan ko? tinignan ko muna siya at nagkunot noo. Ah pangalan ko.
"Ah name. Marydale po. You just call me Maymay." bushak talaga ang ingles. pinapaikot ang ulo ko.
"Fancy meeting you in this situation Maymay." sabay tawa. pati naman tawa niya mala anghel.
*tottototototototototot tottototototototototot*
"Ay bushak!" ano ba naman yan. Bawasan ko nga ang aking pagkakape. Kanino ba tong cellphone na nanggugulat? Iphone pa naman. Iniiwan lang kahit saan. Mga mayayaman nga naman. May tumatawag. Sagutin ko nalang kaya.
"That's mine. I'll answer the call first." hala kay ma'am pala ito. Agad ko na ito ibinigay sa kanya.
"Hello... Nothing much, I just, I almost died... I'm serious...What's taking you so long anyway?... You don't have to anymore cause someone else already did your job... Whatever... I'm hanging up."
Hala grabe bai! Halos kaunti lang ang naintindihan ko. Parang nag aaway. Eh di nga dapat ako nakikinig. Hay nako!
"He'll be here in a minute. Observe."
Hala! Sino? Ah baka yung asawa niya.
"LAURA! LAURA! WHAT HAPPENED?! ARE YOU HURT?" sigaw ng isang lalaking kumakaripas ng takbo papunta samin ni Laura. Ay ang gwapo. Ganda kasi ni Laura eh.
"I'm fine. Very fine. Thanks for making me wait for so long. You know that I'm impatient." kalamdong sabi ni Laura. Ay napatay na! I think LQ is about to happen. Oh ingles yan ha!
"Sorry something came up. But I clearly told you to wait for me. You and that hard headed of yours!" grabe bai. Feeling ko nanonood lang ako ng isang hollywood movie. Parang invisible narin ako dito eh.
"Nothing's gonna change about it. If my new friend Maymay wasn't around. You could've lost your sister." sister? Ah magkapatid pala sila.. akala ko bagong asawa. kaya naman mas bata tignan tong lalaking ito. Ang ganda ng lahi nila. parang mga anghel. Lord, ako nga ba ang sumagip o ako ang nalunod? magkapiling na ba tayo? naging mabait po ako.
Munimuni ko ng biglang may yumakap sa akin.
"Thank you Maymay for saving my sister." na! napatay na! anong ginagawa ng foreigner na to sa akin?
Hindi parin niya binibitawan ang yakap at kanina pa ako nakakunot noo at nagtataka. nakita ko naman ang mapangtuksong tingin ni Laura sa akin. Kahit naman mukhang Enrique Gil itong buang na foreigner na ito, di ko siya papatulan noh? As if naman papatulan niya ako
"Ah sir, okay na. you're welcome na." sabi ko habang kumakawala sa yakap. parang natauhan na rin siya at bumitaw na.
"Oh! Sorry, I'm just thankful that you saved my sister." ngiti sabay kamot ulo. maygash ang gwapo niya.
"Edward by the way." inabot niya ang kamay niya sa akin nang nakangiti parin. parang di nakakasawa tignan. ang sulit ng ngiti niya..
"Maymay" napangiti tuloy na rin ako. nakakahawa. nagkamayan kami nang
"Ehem.. There's someone else in this world you might forget." Tuksong sabi ni Laura. buang rin to noh
******************
Been wondering kun icocontinue ko pa ito.. I'm a newbie. please bare with me :)