Chapter 3

40 2 0
                                    

. . . .

Loraine's POV

Tulog na ang lahat pero ako Hindi talaga dinadalaw ng antok kaya napagpasyahan kong magpahangin muna sa labas.

May pailan-ilan din namang tao sa labas na medyo nagkakasiyahan pa.

Pumwesto ako ng upo sa ibabaw ng mga buhangin sa tabing dagat dala ang camera ko habang pinagmamasdan ang mahinang paghampas ng mga alon...

Medyo mag-isa lang ako sa bandang yon.

saka ko naisipang kumuha ng video...

Nandito ako ngayon sa dulo ng daigdig ko:)

Sobrang ganda dito at nakakarelax...

Hmm...sarap ng hangin!
Fresh!

Mag-isa lang ako!

Oo!

Ipinagpalit niya lang naman kase ko sa iba:(
Ganyan naman sila eh!

Panget ba ko?

Kapalit palit ba ko?

Then,
wahay?

Oo na!

Weird na ako kung weird!

Baliw ba ako kung kinakausap ko ang sarili ko!

Ganito lang talaga ako,hilig ko lang mag-ipon ng moment ko sa buhay ko!

Hanggang sa...

"Ahhhh...Halimaw!" Nabitawan ko ang camera ko sa gulat.

Bigla na lang kaseng may lalaking sumingit sa camera habang nagrerecord ako ng video!

Medyo may kadiliman pa naman doon sa pwesto ko kaya nagulat talaga ko!

"Uy bata! Hindi ako halimaw! Pasensya na kung nagulat kita"

Bwiset!

Ang puso ko tuloy nagkukumahog!

Ikaw ba naman kase gulatin!

"Eh sino ba naman kaseng may sabi na sumingit ka sa video ko?!" Nakapamewang ako.

Bwiset naman talaga oh!

Nagulat talaga ako!

Ang tingin ko talaga halimaw!

"HAHAHA! Eh bata,sino ba naman kaseng may sabing kausapin mo yang sarili mo?!" Tanong nito na halatang nang aasar.

Bwisit na lalaking to ah! Nang aasar pa!

At bata daw ako!

Tsk...sapak to sakin!

"Hoy! Manong halimaw ka! Wag mo nga akong matawag tawag na bata!" Simangot ko.

Tawagin ba naman akong bata!

May pangalan naman akong maganda!

"Eh,ano ba dapat?" Inilapit ang mukha niya.

"Bastos!" Sigaw ko ,saka ako kumaripas ng takbo papalayo.

Nakakagigil talaga!

Bwiseeeeet!

Mukhang nakainom pa ang halimaw na manong na yon!

Amoy alak kase...

"Oyy,Bastos!Hindi ka pangit!"

narinig ko pang sinabi niya bago ako makalayo.

At---narinig niya yon!

==> "Panget ba ko?"

Nakakahiya!

Pero mas nakakainis siya!

. . . .

"Anak gising na! Kakain na tayo" naalimpungatan.

Nagmulat ako ng mga mata saka ko naisip na panaginip lang pala...

Pakiramdam ko napagod ako...

Haaayy!

Nakakaantok pa!

Sama pa ng panaginip ko...

Binangungot yata ako...

****

Author's Note:

Sino nga ba si Manong halimaw?
:D

Abangan...

Quiinkhuletz^

I love you Po! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon