Chapter 8

22 1 0
                                    

Loraine's POV

Loraine! How are you?
Hope to see you soon...

Pagbukas ko ng locker nang kukunin ko ang mga libro ko ay ito agad ang bumungad sakin. Letter yun na nakalagay sa sticky note at nakadikit talaga sa mismong cover ng libro ko.

Kanino naman to galing?

Tsk.

"Ay kabayo!" Sigaw ko nang makita ko si Angge sa likod ng pintuan ng locker ko nang isara ito.
"Best naman, aatakihin ako sayo!" Simangot ko.

"Hahahah. Easy ka lang Best!" Biro pa nito.

Buti na lang at naalis ko na yung papel sa libro ko dahil baka pag nakita niya pa yun eh mang-asar nanaman.

"Halika na!" Hatak niya sakin.

Hindi na ako nakapalag at namalayan ko na lang na nasa room na namin kami.

"Makahila Best? Di pa naman tayo late ah!" Simangot ko.

"Gusto ko maaga eh!" Sabi niya.

Eto talagang babaeng to! Minsan may pagka-weird din tulad ko.

"Ayieee!"

"Ayan na siya"

"Oh may gwapo!"

Narinig kong bulong ng mga classmates ko.

"Ayieee!" Tulak sakin ni Angge.

"Aray ko naman! Sino ba kase yun?" Lingon ko sa pinto.

Isang hindi pamilyar na mukha ng lalaki. Matangkad ito, mapungay ang mga mata, matangos ang ilong. May kagwapuhan nga.

"Sya ba yung transferee?" Baling ko kay Angge.

Ngiting ngiting nakatingin sa lalaki.

Kahit ako naman talaga ang kausap niya...

At lalo pang kinilig ang loka nang umupo yun sa isang upuan na nasa harap namin. Isama mo pa ang mga tilian ng mga classmates ko.

Haayyyyy! Sakit sa bangs!

Kaya naman pala ito nagmamadaling pumasok.

"Good morning class!" Pagpasok ni Mrs. Santiago.

"Good morning Mrs. Santiago" Bati ng lahat.

"May bago kayong classmates, kindly introduce your self hijo!" Turo nito sa lalaki.

"Hi! Iam Clarence Domingo nice meeting you all" pagpapakilala nito sa unahan.

"Clarence pala..."

"Ayieee!"

"Gwapooo!"

Narinig ko pang bulungan ng mga classmates kong babae.

"Ang gwapo no?" Turo pa sakin ni Angge.

Tumango na lang ako.

"Okay thank you Mr. Domingo you may now seat"

Sa dinami dami nga namang ng magiging apelyido niya...

Bakit Domingo pa?

Minumulto nanaman ba ko?

Kung kailan naka-move on na...

. . . .

"Alam mo kanina ko pa inaalala kung sino ang kaapelyido niya na kilala ko" pagtukoy niya kay Clarence.
"Ngayon alam ko na!... It's your Ex!" Sabi pa niya.

"Eh ano naman... Marami namang magkakatulad dyan ng apelyido na hindi naman magkamag-anak" sabi ko habang tinutusok tusok ang pasta sa harapan ko.

Nandito kase kami sa isang cafeteria na favorite namin kainan.

"Sa bagay... Saka sabi mo nasa Japan na si Daniel" inom nito ng juice.

Oo! Ang ex boyfriend ko... Si Daniel Domingo!

"Oo kaya imposibleng kakilala niya si Clarence!" Dagdag ko pa.

****



I love you Po! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon