Chapter 4

31 2 0
                                    

. . . .

Napaisip ako...

Panaginip lang ba talaga yun?

Sino ba yun?

"Insan! Parang nawala ka yata kagabi o guni-guni ko lang ba?" Lingon sa akin ni Kim na nakaupo sa gilid ng kama niya.

Nawala?

Muli kong inalala...

So hindi pala talaga panaginip yun?!

Totoong lumabas ako kagabi...

At yung...

Halimaw na yun!

"Nagpahangin lang ako sandali,hindi din kase ako makatulog!" sagot ko.

Kahit medyo nag iisip pa ko...

Bangag parin kase ako...

Napagod talaga siguro ako sa byahe kaya ganun na lng siguro ako kalutang nang inakala kong panaginip lang noong lumabas ako kagabi.

Si Mama siguro ay hindi na namalayan yun...

Kami kaseng tatlo ang magkakasama sa room.
Sa ibang room sila tito, tita
lolo at lola.

. . . .

Matapos naming kumain ay dumiretso kaming lahat sa dagat para magtampisaw na.

"Wooh!"

"Sarap ng tubig! Wooh!"

"Anak halina kayo dito!"

Narinig ko pang tawag ni Mama sa amin ni Kim...

Naglalakad pa kase kami sa buwan...

Hala sige...

Langoy dito! Langoy doon!

Tampisaw dito! Tampisaw doon!

"Weeeh!" itinampisaw ko ang tubig papunta kay Kim.

Hahah.

Ansaya lang kase maglaro sa tubig.

"Ah ganon ha!" gumanti at itinampisaw din ang tubig papunta sa akin.

Sila tito Chad, Mama at tita Louise naman ay nakisali din sa kulit namin.

"Weeeeeh!"

Sila lolo at lola naman ay nasa tabing dagat lang at tinatanaw kami...

Ayaw pa daw kase nila maglangoy...

Tawanan at kulitan lang kami na para bang kami lang ang tao doon.

Parang mga bata!

. . . .

Pagkatapos naman magtampisaw ay naisip kong i-try ang horse back riding.

Nagpaalam ako kay Mama at agad naman akong pinayagan nito.

Syempre tinanong ko din ang pinsan ko at hindi naman ito tumanggi.

Nagpatuyo muna kami at saka nagpalit ng damit.

"Ano insan ready kana mangarera?" Panghahamon niya habang inaalalayan ni kuya pasakay ng kabayo.

"Ako pa ba insan? Sagot ko.
Horsey galingan mo hah?" himas ko sa ulo ng kabayo at kausap dito na para bang sasagot ito.

Hindi naman ito ang unang beses naming mg horse back riding kaya medyo sanay na.

Kagaya nga nang sinabi ko...

Kalahi namin si Dora!

At...

Habang nakasakay kami sa kabayo at nililibot ang kagandahan ng resort ay may bigla akong naalala...

Nawawala!

My gaahhdd!

"Insan! Ang camera ko!
Nawawala!" Namalayan ko bigla.

Jusmeee!

"Ha? Paanong nawala?
Eh kahapon lang hawak mo pa?" Nakahawak sa kabayo.

Natulala ako habang iniisip kung saan ko nga ba ito nailagay.

Itinabi ko naman ito matapos ko gamitin kahapon...

Sa tabi ng unan ko!

Tama dun ko yun inilagay kagabi!

"Samahan mo ko?" Humahangos na sabi ko.

Nagmadali naman kaming bumaba at pumunta sa room namin para hanapin ang camera ko.

Tingin dito! Tingin doon!

Hinalughog na namin ang buong kubo pero wala pa ding camera na lumitaw!

Importante sakin ang camera na yun...

Regalo kase yun sakin ni Mama noong magdebut ako...

****

I love you Po! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon