Chapter 2

38 2 0
                                    

. . . .

Paglapag ng eroplano ay mas lalo akong naexcite dahil tiyak na enjoyment nanaman ito.

Medyo nahilo lang ako sa byahe dahil nakatulog din ako ng halos isang oras.

"Okay ka lang anak?" tanong sa akin ni Mama.

Napansin niya kase ang mariing pagpikit ko.

"Okay lang po Ma medyo nahilo lang po" sagot ko naman.

Agad naman akong inalalayan ni Mama...

Sobrang maalaga sa akin si Mama at pinaparamdam niya lagi kung gaano ako kahalaga sa kanya.

Ako kase ang ang Prinsesa niya!

Ang Unica hija niya!

Oo,nag-iisang anak lang ako ni Mama.

SOLO kumbaga...

. . . .

Sa wakas nandito narin kami!
Nakarating din!

TICAO ISLAND RESORT
Bungad pa lang nang makarating na kami sa aming destinasyon.

Oo dito namin napiling magliwaliw...

Sa Masbate...

"Wow!" Nanlaki ang mga mata ko at napanganga.

ang ganda kase talaga ng resort
Kaya hinagip ko agad ang camera ko at agad na kinuhanan ang mala crystal na tubig at puting-puti na buhangin nito.

Napaka payapa...

Ito ang gustong gusto kong nakikita ko!

"Oh my! Pinsan nasa paraiso ba tayo?!" Nakanganga.

"Oo yata Pinsan!" nakatitig ako doon at namamangha...

Sumang ayon naman ako dahil totoo naman talaga...

Paradise!

Napakaganda naman kase talaga dito...

May mga Cottage...
May Restaurant...
May Bar...

At eto pa ang masaya...
May Horse back riding!

Pagkarating kase namin ay magiliw nila kaming inasikaso.

Ipinaliwanag kung anu-ano ba ang mayroon dito...

Nasiyahan naman ako dahil sa magiliw nilang pagtanggap sa amin....

Marami-rami din ang mga tao dito...

Family,friends,lovers at iba pa...

Kahit malayo ay dinarayo din ito ng maraming turista.

. . . .

Bago magtungo sa aming mga Cottage ay pumunta muna kami sa isang restaurant doon para magdinner.

"Oh anak anong gusto mong dessert?" Binigay ang menu.

Natapos ko na kaseng kainin ang in-order kong Pasta with matching hipon...

Favorite co!

"Ito na lang pong ice cream" turo ko sa chocolate ice cream na nasa menu.

Special kase ang mga dessert nila dito at favorite co ang ice cream with matching chocolate syrup and some fruits.

"Kumain lang kayo mga apo!" halos sabay namang sabi ni Lolo at Lola.

"Damihan niyo ang kain ninyo para naman tumaba-taba kayo." dagdag pa ni tita Louise.

"O,ikaw maghinay-hinay ka at baka mabulunan kana dyan" baling nito ng tingin kay tito na punong puno ang bibig.

"Si kuya talaga,kahit kelan..." Naptigil sa pag subo ng kinakain.

Si Kim naman ayun hindi din magkanda ugaga sa pagkain.

"Tingnan mo nga naman!" Tumingin si lolo kay kim.

"Lo!" Angal nito nang mapatigil sa pagsubo ng kinakain.

"Hahahah!" Iiling-iling pa ko.

"Grabe ka insan!" Hinampas ako sa braso.

"Aray ko naman insan!" reklamo ko.

Nagkatawanan na lang kaming lahat doon...

Ang pamilya ko...

Masasabi kong isang masayang pamilya kahit na parang may kulang pinupunan ito ng iba ko pang kapamilya...

At syempre unang-una na...
Ang pinakamamahal kong Mama!

****

Author's Note:

Abangan ang mga susunod na mangyayari sa resort:)

At kung sino pa ang darating...

Quiinkhuletz^

I love you Po! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon