Chapter 7

25 1 0
                                    


Loraine's POV

2 months later...

As usual pasukan na ulit. Here we go again! Matapos naman ang bakasyon ay umuwi na sila lolo at lola kasama si tita, tito at Kim sa States. Nandun kase ang business nila kaya doon na sila nanirahan at si Kim naman ay doon narin nag-aral.

Hindi na namin nagawang magliwaliw pa matapos sa resort dahil sabi nila tito ay kailangan na daw nila umuwi dahil sa business nila.

College na ako at Business Management ang napili kong kurso dahil sa akin daw ipapamana ni Mama ang business namin in the near future. Gusto ko din naman yon dahil sayang naman, ako lang naman pati ang kaisa-isang anak ni Mama at gusto ko din makatulong sa kanya.

Konting push na lang dahil graduating na ako ngayon!

"Huy! Ano ba yang pinapanuod mo dyan hah?"

Narinig kong sabi ng isang tinig ng babae.

"Ah eto wala to!" Tago sa hawak kong camera.

"Sus! Wala daw oh... Si Bestfriend nagsisikreto na sakin..." Sabi niya.

Siya nga pala ang bestfriend kong si Angge, ang bestfriend cong lukaret :)
Este---mabait.

Pareho kami ng kurso kaya classmates parin kami. Kababata ko si Angge kaya mula pa noong elementary ay magkaklase na kami.

"Ay best actress ang lola mo!
Wala akong sinisikreto sayo! At kahit meron nalalaman mo parin naman... Di ba nga Bes?" Taas ko ng kilay.

"Sa bagay, malalaman ko din nga..." Ngisi nito.

"Tara na nga lang! At dahil nawala ka nang bakasyon... Ililibre mo ko ngayon!" Hila ko sa braso niya.

Hindi na sya nakapalag dahil nahatak ko na siya papuntang canteen.

End of class hour...

Masyado kong na-miss ang bestfriend ko kaya in-invite ko siya sa bahay para doon na magdinner.

"Kumain ka lang dyan Bes hah! Damihan mo." Utos ko na may tono.

"Ay grabe ka sakin Bes Bitay na this?" Nanlalaking mata niya.

Marami kaseng nakahain sa hapag na para bang may okasyon. Binilin daw kase ni Mama na ihain ang paborito naming pagkain ni Angge. Eh madami yun!. Hindi na kase nakasabay sa amin si Mama sa dinner dahil may importante pang meeting pero naiintindihan ko naman dahil alam kong hindi yun madali. Kahit wala siya ay ipinaparamdam parin niya sakin ang pag-aalaga niya.

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Lahat kase ng pagkain dun ay masarap.

Letchong manok, adobong manok, chocolate ice cream , Italian pasta with hipon, fruits, Tempura, Lumpiang togue, at samahan mo pa ng malamig na malamig na pine apple juice.

Yummy!
:D

Matapos mag-dinner ay hindi narin nagtagal pa sa amin si Angge dahil lumalalim na ang gabi at hinahanap narin siya sa kanila.

****

I love you Po! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon