Chapter 5

33 2 0
                                    

. . . .

"Wala na akong ibang pinuntahan pa kagabi bukod dito!" Palinga linga sa paligid

Nabanggit nga pala ni Kim na lumabas daw ako kagabi...

Dito lang naman ako pumunta!

Sa tabing dagat...

"Naku! Eh sa dami ng mga tao dito...
Malamang may nakakuha na nun" pagtukoy niya sa camera.

Hindi pwedeng mawala yun!

Lagot ako kay Mama:(

"Ate! Excuse me.
Baka naman may napansin po kayong camera dito...
canon ang tatak?" tanong ko.

"Wala eh."

"Sige salamat!"

"Kuya! Kuya! Pwede magtanong?...
May napansin po ba kayong camera dito, canon siya?"

"Wala eh... pasensya na!"

"Ok po... salamat!"

Haaayyy!

Saan ko pa hahagilapin yun!

Tsk.

"Sigurado ka ba dito ka lang nagpunta kagabi?" Naninigurong tanong niya.

"Oo insan eh! Paano ko pa mahahanap yun?" Hilamos ko ng mga kamay ko sa mukha ko.

"Isipin mo kung kailan mo talaga yun huling nakita at saan mo ginamit" pagpapaalala ni Kim.

Lumabas ako kagabi para magpahangin...

Pagktapos nun...

"Alam ko na! Yung lalaki..."

"Ano? Sinong lalaki?" takang tanong niya.

Bigla kong naalaa yung bwiset na lalaki!...

Posibleng nasa kanya ang camera ko...

"Tumakbo ako kagabi.
dahil bwiniset niya ako... Palagay ko nasa kanya yun" naiinis kong paliwanag.

"Teka---ano bang ginawa niya? usisaniya.

"Basta saka ko na lang ikukwento" sabi ko.

Hindi ko na pala naalalang pulutin ang camera ko mtapos ko yun mabitawan nang magulat ako sa lalaking yon...

At hindi din ako sigurado kung siya nga ba talaga ang kumuha nun...

Paano ko siya ngayon hahagilapin?...

Of all people! Bakit siya pa!

Ang bastos na yon...

. . . .

Loraine's POV

Pangalawang araw na namin ngayon sa resort at mukhang aabutin pa yata kami ng ilang araw dito...

Wala akong ideya...

"Good morning apo!"

Bati sa akin ni lola na nakaupo sa gilid ng kabilang kamang katabi ko.

"Good morning la! :)" bati ko naman.

"Apo! Mag ayos ka muna at sumunod na dun sa lolo mo. Nandun sila sa kainan kasama ang tito at tita mo pati si Kim" utos nito.

"Si Mama po?" tanong ko.

"Ah. May kausap lang sa labas mukhang bagong business partner niya" sabi niya.

Matapos kong kumain ay naisip kong puntahan si Mama...

Nakita ko siyang may kausap. Nasa isang table sila doon sa labas na hindi naman kalayuan sa room namin.

Mula sa natatanaw ko lalaki ito na naka-formal attire...

Nakatalikod kase ito mula sa natatanaw ko at si Mama ang nakaharap mula sa direksyon ko.

Mukhang business meeting nga ito...

Nang mapansin ako ni Mama na papalapit ay agad akong tinawag nito.

"O, Anak come here!" Taas niya ng kamay niya.

Saka niya ibinaling ang tingin sa lalaking kausap niya.

"By the way Mr.Ocampo this is my daughter Loraine" Baling nito sa lalaki at turo ng kamay sa akin.

Akmang tatayo at haharap ito na pansin kong makikipagkamay...

"Hello Im..."

Bago pa man niya maituloy ang sasabihin niya...

"Ikaw!?" gulat na reaksyon ko.

Halatang nagulat din siya dahil tila nanigas siya habang nakaangat ang kamay niya na iaabot sakin.

OF ALL PEOPLE TALAGA!...

****

I love you Po! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon