Chapter 9

18 1 0
                                    


Loraine's POV

Habang nasa room ko ako ay paulit ulit kong pini-play ang isang video... Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing hawak ko ang camera ko ay ito ang naiisipan kong gawin, ang panuorin yun.

Ang video ng isang lalaking minsan ko lang nakita.

"Hi Loraine!" Kaway niya.
"Pasensya ka na kung hindi naging maayos yung una nating pagkikita... Sorry sa inasal ko!"
" hindi ko na nagawang humingi ng pasensya in person dahil kinailangan ko na umalis nun... Kaya itong camera mo ipinakisuyo ko na lang sa Mommy mo.
"By the way I'm Bryan... So sana magkita pa tayo" Ngiti nito.

Isang video message mula sa isang taong hindi ko inasahan.

Ito yung tinatago ko kay Angge, tiyak kaseng tutuksuin nanaman ako.

Tok! Tok! Narinig kong may kumatok habang ngsesenti ako.

"Ikaw pala Ma... musta po?" Pagbukas ko saka humalik sa pisngi niya.

"Eto medyo busy anak, pasensya ka na!" Hawak niya sa balikat ko.

"Ma naman... Naiintindihan ko po yun" Ngiti ko.
"Pasok po kayo" Dagdag ko pa.

"Maiba nga pala ako anak...may bisita akong darating mamaya, dito sya magdidinner"

"Ah sige po Ma. Ka work po?" Tanong ko naman.

"Ah oo--at saka may dadalawin din daw syang isang kaibigan dito" taas niya ng dalawang kilay.

Hindi ko alam pero parang may ibang meaning yun...

Haisst. Praning lang!

"Sya sige anak, bababa na ako...magpapaluto pa" Paalam niya.

"Sige po ma" ngiti ko naman.

. . . .

Loraine's POV

Pababa na ako matapos kong mag ayos ng konti... Syempre may bisita eh! At sadyang palaayos naman talaga ako.

"Manang pakitawag mo na si Loraine kakain na kamo" narinig kong utos nito kay Nay Rosa.

I love you Po! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon