Chapter 6

27 2 0
                                    


Loraine's POV

Sa dinami dami ng magiging business partner ni Mama...

Bakit yun pa!

Tsk.

"Magkakilala kayo anak!?" Usisa ni Mama.

"Hindi po, pero siya po ang kumuha ng camera ko!" Naiinis na sagot ko.

"Teka, Naiwan mo yun kaya ko tinago!" depensa naman ng mokong.

"So nasayo nga yun! Eh bakit hindi mo manlang isauli!?" Pataray kong sabi.

"Eh kase hindi kita matse---"

Bago pa man niya maituloy ang sasabihin niya...

"Hep!" Pagputol ni Mama.
"Mag usap kayo ng maayos." Utos pa ni niya.

"Ah...Im sorry Mrs.Hernandez!" Sabi pa nito.

"It's okay I understand, don't worry!" sabi ni Mama Lisa.

Ano? Yun lang!

Hindi manlang niya pag sasabihan itong lalaking to!

"Ma san ka pupunta?" Pagpigil ko.

"Mag usap kayo ng maayos anak. Maiwan ko muna kayo" sabi pa nito.

"Pero Ma..." Sabi ko para pigilan siya pero dumiretso lang ito papalayo at hindi na ako nilingon pa.

Ganon naman talaga si Mama...

Gusto niya laging dinadaanan sa mabuting usapan ang problema.

Hindi ako nagmana sa kanya sa pagiging pasensyoso niya.

"Akin na ang camera ko" pagbaling ko sa mokong.

"Sabihin mo munang... Please!" Nang aasar na tono nito.

Sasapakin ko na talaga to!

"Please mo mukha mo! Ibigay mo na sakin!" Bulyaw ko.

Nakakainis talaga nang aasar pa...

"Bata ka... Hindi ko yun ibibigay hangga't hindi ka nag pe-please!" Seryosong mukhang sabi nito.

Nang aasar talaga to eh!

Siya na nga ang kumuha...

Dapat nga mag sorry sya eh...

"Hoy! May pangalan ako no!
Ibalik mo na ang camera ko kung ayaw mong..." Inis kong sabi.

"Hahaha! Ano?" Tanong nito na may pang asar na tawa.

"Sipain ko yang mukha mo!" Sagot ko.

"Talaga ba? Ay oo nga pala ikaw nga pala si... Inisip pa nito si Lukreng ?" Ngisi nito.

Bwiset na to talaga...

"LORAINE!" Hiyaw ko sa mukha niya.

Hindi manlang natinag... at ngumisi pa!

Kinuyom ko ang isang kamao ko sa sobrang inis ko...

Akmang lalapat yon sa mukha niya.

Nang pigilan niya yon ng kamay niya...

"Ibibigay ko na... bunso
Kawawa ka naman" sabi nito na pang asar parin.

Ginulo pa niya ng isa niyang kamay ang buhok ko habang ang isa niyang kamay ay nakahawak parin sa kamao ko.

Bunso?

Matapos sa bata?

Ngayon bunso naman?

"Ano ba!" Sigaw ko pa.

"Ibibigay ko mamaya sayo" sabi niya.

"Bakit hindi pa ngayon?" sabi ko.

"Hindi ko dala... nasa room ko"

"At paano ko naman masisiguro?" Sabi ko pa na parang hindi naniniwala.

"May nakalimutan din kase akong ibigay sa Mommy mo na documents kaya kailangan ko din talaga dumaan" seryosong pagpaliwanag nito.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan...

Ang puso ko...

Tila kumakawala.

Ang lalaking to ang gwapo pag seryoso! Oo aaminin ko gwapo naman siya talaga... Mestizo, Matangos ang ilong, singkit na mga mata, at ang labi nitong manipis at mamula mula. Idagdag pa ang buhok nitong bagsak na natatabingan ang isa niyang mata.

Nahahawig pa ito sa isang miyembro ng F4 sa Taiwanese drama series na Meteor Garden.

Si Hua Ze Lei...

kapag seryoso ang mukha niya... Lalo siyang guma-gwapo.

Hindi halata sa mukha niya ang edad niya.

****




I love you Po! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon