Di inaasahan

1.5K 38 2
                                    

Thank God at hindi na ako magiging secretary lang. Maya-maya ay narinig ko si tita conney sa parking lot na may kausap at di inaasahan ay narinig ko ito.

"Sunshine you need to go back here your dad appointed Dawn to be the VP of the company. You need to get it from her. You cant lose do you understand me!"

Pagkatapos niya kausapin si Sunshine sa phone ay nagdesisyon akong maglakad na papunta sa kotse ko pero bigla niya akong hinila.

"Halika nga dito. Ikaw babae ka aagawan mo pa ang anak ko sa pwesto sa kumpanya."

"Hindi ko ginusto na sa akin ibigay ni dad ang pwesto. Siguro talagang kulang lang ang attention na ibinibigay ng anak mo sa kumpanya at hindi din kasi sya marunong magpatakbo ng kumpanya. Eh kasi nman kinukunsinti mo sya kahit mali sya."

"You bastard" isang sampal ang iginawad nito sa aking pisngi at talagang masakit panigurado namumula ang pisngi ko.

"Sumusobra na kayo!"

"Kabayaran lang yan sa pagpatol ng malandi mong nanay sa asawa ko."

"Wala kayong karapatang sabihin na malandi ang nanay ko kahit patay na siya."

"Aba sumasagot kana." Tinulak ako nito at akala ko ay mapapa upo ako sa lapag ng may maramdaman akong mga kamay na humawak sa aking braso upang mapigilan ang pagbagsak ko sa lupa. Tila mas nagalit ang bruha kong stepmom dahil hindi natuloy ang plano niya na isubsob ako sa sahig, well salamat sa kung sino mang sumalo sa akin.

"And who the hell are you? Wala kang karapatang makialam dahil ako ang step mom niya."

"Excuse me, but I have the right because she is my  fiance."

Nagulat ako sinabi ng estrangherong may hawak sa akin. Teka sobra sobra naman ata. Oo nagpapasalamat ako na sinagip nya ako pero yung sabihing ikakasal kami, aba naka high ata ito. Agad ko itong nilingon dahil sa gulat sa sinabi nya pero mas nagulat ako sa nasilayan ko. Siya nanaman? What a small world.

"What!?"

"I'am her FIANCE"

Hinila ako ng lalaking ito na kanina ko lang nakita sa coffee shop at ni hindi ko nga alam ang pangalan o hindi ko alam kung masamang tao ba ito pero nagpahila naman ako papunta sa kotse niya at sumakay kami sa loob habang naiwan namang tulala ang bruha kong step mom.

My Unexpected Hero *CHARDAWN* (Completed) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon