Preparations

1.5K 34 1
                                    

Nagsimula na kaming mag usap tungkol sa kasal namin ni Richard at hindi naman papahuli ang mga pamilya namin dahil gusto nilang tumulong sa kasal namin kaya napag desisyunan na sa bahay nila Richard mag me meeting para sa preparations.

"hi Dawn" masiglang bati sa akin ng mommy ni Richard pagkarating na pagkarating ko sa bahay nila. Nilapitan ko naman ito para batiin at para mabeso.

"kamusta ka na hija? nakapag isip ka na ba kung anong kasal ang gusto mo?"

"opo sa katunayan nga po gusto po namin ni Richard na sa Vegas nalang magpakasal at may nahanap na po kaming place it is called Belleza wedding chapel."

"Vegas? Sigurado kayo? Edi Malaki ang magagastos niyo tska hindi naman gaano sagrado doon at madali lang ang divorce doon. Don’t tell me gusto niyo doon kasi mabilis ang process sa divorce" nakakunot ang noo ni dad noong marinig nya ang suhestiyon ko tungkol sa kasal.

Tinignan ko naman si Richard para senyasan na siya na ang sumagot sa tanong ni dad.

"Tito, hindi naman po. Tska bakit naman po napunta ang usapan sa divorce wala pa nga po eh. Kaya po naming naisipan doon ay dahil doon nag bloom ang love namin sa isat isa at doon din po ako nag propose sa kanya kaya important na  po yung place na yun samin."

"paano naman ang expenses?" Mabuti at iyan lang ang naisip itanong ni tito Ronaldo madaling sagutin di tulad ni dad na sobrang mabusisi.

"Tito, ang uncle ko po ay may ari ng isang airline ang sabi niya po ay sagot niya na daw po ang expenses doon papunta at pabalik parang yun na daw po ang magiging regalo niya."

"Ok sabihan nyo lang kami ni Susan kung may problema. Nga pala bakit wala ang mom mo dito? Aba importante ito sa isang mother especially you’re the eldest."

"may important matters lang po siya na pinuntahan."

"ok pero sa susunod dapat nandito niya sya para naman makapag usap kami at makapag suggest siya para sa kasal ng anak niya."

"don’t worry tita I will tell her."

"By the way mom, dad, tito we don’t want any media we will only invite some close friends and family"

"sigurado kayo Richard? Alam nyong pinaka aabangan ang kasal niyo dahil parehong kilala ang pamilya na pinang gagalingan nyo."

"Ronaldo, wedding nila yun kaya mas favor ako na private nalang. pero sigurado na ba kayo na next month na ang kasal?"

"yes ma."

"parang masyado namang mabilis."

"bakit ma, ayaw niyo pa po ba mag ka apo?"

"yan kasi tanong ka ng tanong. Aba susan akala mo ba bumabata tayo."

"Syempre gusto ko ng apo kaya lang malalayo na ang anak ko sakin."

"kung gusto niyo ditto nalang sila tumira after ng kasal papayag ako na sa puder ninyo titira ang anak kong si dawn para magkasama parin kayo ng anak nyo na si Richard"

Ugh dad bakit ba kailangan mo pa mag suggest ng ganyan pinapahirapan mo ang plano namin ni Richard

"tama ka dyan balae. Ditto nalang kayo tumira pagkatapos ng kasal because mommy will surely miss the both of you Richard"

"ma pa gusto po sana namin na bumili ng sarili naming bahay."

"ano? Hindi niyo manlang ako pagbibigyan sa gusto ko?"

"tita ganito po kasi yun syempre po mag asawa na po kami then bubuo po kami ng family syempre gusto ko po na magkaroon sila ng sarili nilang bahay."

My Unexpected Hero *CHARDAWN* (Completed) (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon