Kinabukasan ay nagpasya akong maglibot libot para naman hindi lang ako ma stress sa pag tra trabaho at susulitin ko na ang pagpunta ko dito sa Las Vegas.
"Richard aalis lang ako maglilibot libot lang ok bye"
"teka lang ano iiwan mo lang ako dito?"
"oo naman bakit babysitter mo ba ako para bantayan ka?"
"hindi pero sama nalang ako sayo para makapag ikot ikot din ako"
"umalis ka nalang din kung gusto mo pero wag kang sasama sakin"
"bakit naman?"
"ayokong kasama ka ang kulit mo kasi"
"ano ba naman yan sige na sama mo na ako hindi na ako makulit diba nga 2 is better than 1 so tara na"
"hay peste ka talaga"
Sa huli ay wala din akong nagawa kaysa makipagtalo pa kay Richard ay pumayag nalang ako na sumama ito sa akin. Nang makapag ayos ay bumaba na kami at pumunta sa casino ng hotel na tinutuluyan namin. Matapos maglibot sa casino ay sumakay na kami sa cab at pumunta sa mall nag desisyon akong mag shopping at alam kong ikaka asar ito ni Richard lalo pa at sya ang pinag bubuhat ko ng shopping bags.
"Madami ka pa bang bibilhin?"
"Oo naman damit palang iyan titingin pa ako ng shoes sa susunod nalang siguro ako titingin ng bags."
"So mabait ka pa ng lagay na to?"
"Oo naman, gusto mo sumama sa akin diba kaya pagtiisan mo ako."
"Okay magtitiis ako pero pagkatapos nito at pagka uwi natin sa hotel manonood tayo ng movie."
"At bakit ako papayag sa gusto mo?"
"Kasi pinag bigyan kita ngayon at ngalay na ngalay na ako."
Nang gabi ay nag desisyon na kaming bumalik sa hotel nakakain narin kami at papasok na sana ako sa kwarto ng hilahin ako ni Richard at paupuin sa couch sa harapan ng malaking tv nakita kong may nakahanda ng popcorn at pinlay na niya ang dvd.
"Anong genre to?"
"Horror"
"What!"
"Bakit takot ka?"
"Iba nalang ang panoorin natin"
"Sorry, nagtiis ako kanina diba kaya mag tiis ka rin"
Tatayo nalang sana ako at iiwan siya ng ipinatong nya ang binti niya sa lap ko bwiset alam na alam niya paano ako asarin.
BINABASA MO ANG
My Unexpected Hero *CHARDAWN* (Completed) (Book 1)
RomanceLahat tayo naghahantay ng prince charming pero paano kung hindi naman happily ever after ang gusto nyo dahil nag gagamitan lang kayo.. Papayag ka ba sa isang pagsasamang plano lang para sa kagustuhan niyong makuha ang mga naisin nyo.... O magugulat...