Chapter 11

2.6K 60 3
                                    

Chapter 11

ALICE KATELYN CASTIGADOR POV:

"Are you okay Alice? Kung hindi lang ako tinatawagan ni Alejander ay baka tinawagan ko na ang mga tito at tita mo" umiling ako at umupo sa couch.

"Bakit naman kasi nakatulog ka pagkatapos mong kumain? You should know your limitations lalong lalo na wala ka sa bahay" napanguso ako. Nakakainis naman si mommy, pati ba naman ang pagkain ko ay may limitasyon na rin?

"Mommy naman, kasalanan ko ba na karekare ang ulam sa cafeteria at 'yun pa ang paborito ko? Hindi ko naman kasi aakalain na mapapasobra ang kain ko" depensa ko, hinarap ni mommy si Alejander na nasa harapan namin ngayon. Hinatid niya ako dito sa bahay namin at para na rin makapagbihis ako. Oo nga pala, tumayo ako sa kinatatayuan ko. 

"Magbibihis lang ako" at kaagad akong tumakbo paakyat sa kwarto ko. Kailangan kong bilisan, ayoko namang pinaghihintay ko Alejander. Knowing him, baka ayaw niyang pinaghihintay siya. 

Pero ang pinagdarasal ka lang ay sana walang lumabas sa bibig ni mommy tungkol sa mga nakaraan ko. At ayokong malaman 'yun ni Alejander. I don't want someone's pity, even his pity. 

ALICIANA DAVID POV:

Pinaupo ko muna si Alejander sa couch, kilala ko naman siya dahil nakikita ko siya sa mga partay na pinupuntahan namin ni Alice sa mga Zamora. Hindi ko lang alam kung kilala niya ako. 

"Ako nga pala ang mommy ni Alice, Aliciana David." nakangiting ani ko, napatango siya. Napakalamig talaga nito, tsk. Bagay sila ng anak ko, opposites do attract hihi. 

"Hindi ko alam kung naaalala mo pa ba ako, pero parati kaming pumunta sa bahay niyo years ago lalong lalo na noong mga bata pa kayo ng anak ko na si Alice" para namang nabigla siya. 

Hindi nga talaga niya ako naaalala, pati ang anak ko. Jeez, mukhang kailangan ko ipaalala ang nakaraan. "Sigurado akong naalala mo ang pagkalunod mo sa pool noong 14 years old ka, at may sumagip sayo sa pool non dahil hindi ka marunong lumangoy" panguguna ko

"At mukhang hindi mo naalala kung sino 'yun pero isa lang ang masasabi ko sayo. Si Alice yung sumagip sayo that time. She was just 10 years old that time and she was a swimmer." nakangiting kwento ko. 

"S-Siya yung babaeng nakafloral dress at may hawak na dslr?" tumango ako sakanya. 

"Yes, mukhang natrauma ka 'non kaya wala kang naalala sa mga nangyari. Eto namang ata ko napakatahimik pero mabait na bata, pero nagbago nga lang ang pagiging tahimik niya nang may nangyari sakanya noon. Bigla nalang siya naging madaldal, hindi ko nga alam kung naging magandang epekto ba yun sakanya o hindi" malungkot na ani ko. Naalala ko pa 'non. 


Nagulat ako ng makita na magulo ang buhok ni Alice, she's just 19 years old. Niyakap ko siya, "Let's get dress. Pupunta tayo sa school mo, we need to report those children who---" she cut me off, umiling ito at ngumiti. 

"It's okay mommy. Gusto ko lang magpahinga sa kwarto" masayang aniya. Para bang naging masaya pa siya sa naging sitwasyon niya ngayon. 

"But honey..." 

"Okay lang po ako. Atska..." tumingin siya sakin, "Wala na po kami Kevin" ngumiti siya sakin ng mapakla at umalis na siya. Naluha ako sa naging sinapit ng nag-iisa kong anak. She's hurt and she was damaged.

Nabigla siya sa ikinuwento ko, ngumiti ako kay Alejander ng mapakla. "'Wag mo nalang sabihin kay Alice na kinuwento ko sayo yun. Pero isa lang ang mahihiliing ko sayo, Alejander..." hinawakan ko ang isang kamay niyo. 

"Wag na wag mong sasaktan ang anak ko, kahit anong mangyari. Kung nagkamali man siya sayo, patawarin mo nalang. Wag mo sanang iwan ang anak hangga't sa maari, dahil sa nakikita ko ngayon mahalaga kana sa kanya." nalulungkot na ani ko

"Mahalaga kana sakanya ngayon, kaya pag sinaktan at nasaktan siya dahil sayo ay hindi na kakayanin ng sistema ng anak ko 'yun. Ayon lang ang hiling ko sayo, at sana maisakatuparan mo" tumango siya ng mahina. At sana ikaw na ang makakatulong sa anak ko na magbago at maalis sa nakaraan niya

Cold blooded ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon