Chapter 21

2K 40 3
                                    

Chapter 21

ALICE KATELYN CASTIGADOR POV:

It's been a month simula nang makilala ako ng totoo kong ama at isang buwan na rin simula ng huli kaming nagkita ni Alejander. I started to worry about him. Nag-aalala ako dahil kahit sa opisina ay wala siya at kahit anong text o tawag manlang wala akong matanggap.

Kulang na nga lang pumunta ako sa bahay nila.  Hindi rin alam ni Mommy na nalaman na ni dad na mayroon nga siyang ibang anak at ako yun. Natatakot akong sabihin kay mommy. Dahil for sure, magagalit siya sakin pati kay Alejander. Ayokong mabahiran ng galit ang pakikitungo ni mommy kay Alejander lalo na sobrang lalim na ang nararamdaman ko sakanya. At nagpaplano na akong sagutin siya pag nagkita na kaming dalawa. Naghihinayang na nga ako, what if he already give up courting me? What if napagod na kakahintay sa sagot ko? Ang daming what if's sa isip ko ngayon.

"Puntahan mo nalang kaya sa bahay nila?" Yvonne suggested, "Gusto ko man pero nahihiya ako"

"Bes naman, diba nga nagkwento ka sakin na noon pa man noong  bata ka pa palagi ka naman pumupunta don?" Tumango ako

" ngayon ka pa nahihiya? Alice naman, what if nandon lang pala si Fafa Alejander? Pumunta kana kasi"

I sighed, "pero samahan mo ko"

"Seriously Alice?!"

Tumango ako, she sighed. "Okay fine, ipapapostpone ko na naman ang date ko" niyakap ko siya

"Salamata talaga! You're the best!" Niyakap nalang niya ako pabalik

Kumatok kami sa labas ng bahay nina Alejander, kumakabog ang dibdib ko. May lumabas na maid at may hawak siyang basura. Magtatapon ata, "sino ho sila?"

"Nandyan ba si Alejander?" Ako ang nagtanong, "Wala ho siya, ang alam ko ay nasa ibang bansa" napatigil kami ni Yvonne. Ibang bansa? Bakit nandon siya? Bakit hindi siya nagsabi? Kaya ba nawala nalang siya ng parang bula? Bigla nalang nanikip ang dibdib ko.

"Anong ginawa sa ibang bansa?" Tanong naman ni Yvonne

Napakamot ang maid, "ano nga ba yun? Ahhmmm---ahhh, magpapalamig lang daw muna siya. Dahil nga may nangyari sa pamilya ni Mam Arlyka"

"A-anong nangyari kaynila ate Arlyka?" Tanong ko

"Namatay kasi si Mam Jordan, yung bunsong anak ni Mam. Sayang nga, napakabata palang niya para kunin ng diyos." Para akong binagsakan ng langit at lupa. Wala na si Jordan?

"Totoo po ba yan?" Tumango ang maid, "wag niyo sanang ipagkalat pa ang nalaman niyo at baka sisantehin ako" tumango na lamang ako.

Pumasok na siya sa loob at naiwan nalang kaming dalawa ni Yvonne. Napaupo ako sa tabi ng kalsada, at napahilamos ng mukha.

"B-bakit si Jordan pa? Bakit namatay siya?" Iyak ko, niyakap ako ni Yvonne para patahanin.

"Alice calm down..."

"Alam kong lalong nasaktan si Ate Arlyka kaya nasa ibang bansa si Alejander. Mahal na mahal ni Alejander si Ate Arlyka..."

"Mahal ka rin niya, Alice"

"I know.... I know, it's just... Bakit hindi niya sinabi sakin? Bakit hindi niya pinaalam sakin na may problema pala siya? Wala ba siyang tiwala sakin?"

"Alice, baka naman kasi ayaw lang niyang makaabala. Ayaw niyang mag-alala ka sa kalagayan niya at ng pamilya niya"

Marahas kong pinunasan ang luha na dumadaloy sa pisngi ko, "kailangan ko nalang siyang intindihin at hintayin. I need to hear his explanation. Ayokong magconclude ng kahit ano"

"That's good Alice. Don't think and conclude too much. Nandito lang ako sa tabi mo, kami ni tita Aliciana."

Sana bumalik kana Alejander. I want to hear your explanation. Gusto na kitang makausap at makita. Miss na miss na kita Alejander, ang lambing at lamig mo, miss ko na. Your kissed at my knuckles, temple, forehead and my cheeks. Sigh, I'm totally in love with him.

Cold blooded ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon