Chapter 22
ALICE KATELYN CASTIGADOR POV:
Nakatutok ang paningin sa kalendaryo. Ilang araw---no, ilang buwan na ako naghihintay sakanya pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Hindi ko alam kung susuko ba ako o maghihintay pa rin. Pero sigurado ako na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon at kailangan ko pa rin siyang hintayin kahit kailan.
Sigh, kailangan mo balak bumalik Alejander? I'm missing you. Miss na miss na kita. Gusto ko ng kayakap lalo na ngayon ay nagkakaproblema kami ni mommy. Yes, nalaman na niya. How? I don't know.
Hinatid na ako pauwi ni Yvonne at nang papasok na ako ng bahay ay naabutan ko si mommy na naghihintay sakin.
Hahalik sana ako sa pisngi nito pero umiwas siya, anong problema niya?
"Mommy? Bakit?" Pansin ko ang galit sakanyang mukha. Bakit siya galit?
"Tinatanong mo ko kung bakit? Seriously Alice Katelyn?!" Napahakbang ako sa pagsigaw nito, "mommy..."
"Bakit Alice? Kulang ba ang pagpapaalaaga at pagpapalaki ko sayo? Bakit kailangan mo pang harapin ang tatay mo? Bakit kailangan mo pa siya makilala ng personal? Hindi pa ba sapat na nakilala mo siya pero hindi sa personal?"
Nalaman na niya. Nalaman na ni mommy. Ito na ang kinatatakutan ko.
"Please let me explain.."
"I don't need your explanation, Alice. Answer me, hindi pa ba ako sapat para sayo?" Kita kong lungkot sakanyang mga mata.
"N-no mommy..."
"Then why? Kulang pa ba ang binibigay ko sayo? Dahil ba pinipigilan kita sa gusto mo?"
"Hindi naman sa ganon mommy, pero..."
"Then why did you do this?!" Napakagat ako ng labi. Hindi ko pwedeng sabihin na si Alejander ang naging dahilan kung bakit nagkita kami ng totoo kong ama. Ayokong masira si Alejander kay mommy. Hindi ko siya pwedeng isumbong. Ayoko. Never. Ever.
"S-sorry mommy..." Napahilamos siya ng mukha. "Hindi ko alam ang iniisip mo, pero sana wag mo ng ulitin yun. Hindi ko naman ipinagkakait sayo ang ama mo pero masasaktan ka lang pag lalo mong nakilala ang ama mo."
Hinaplos niya ng pisngi ko, "ayokong masaktan ka Alice. I don't want somebody to hurt my only princess. It pains me everytime I see you hurting. I love you princess, Alice. Remember that" niyakap ko ng mahigpit si mommy
"I love you too mommy. I'm sorry, please forgive me..."
Hindi ko kakayanin kung pati si mommy ay mawala sakin. She's the best mommy I ever had. At wala ng makahihigit skanya. She may never be perfect for the others but for me she's imperfectly perfect for me.
Napabalik ako sa realidad ng tumunog ang phone ko. Galing ito sa isang numero na hindi ko kilala. Unknown number? Sino naman to?
Sinagot ko ito, pero wala naman boses sa kabilang linya.
"Hello? Hello?" Pero wala pa rin, "hi? Sino ka? Ba't mo alam ang number ko?" Bumuntong hininga ako. Wala naman sumasagot. Napanguso ako.
"Kung sino ka man, please lang wag kang makipagfc sakin. May boyfriend na ako! At alam kong mas pogi siya kaysa sayo kahit di ko nakita ang pagmumukha mo!"
At binabaan ko na ito, pero ilang segundo may nagtext sakin. Galing sa number na tumawag sakin. Aba! Napakafc naman nito!
Unknown number:
You're funny. Hi, I am Z. I just want to be your friend :)
Napakunot ang noo ko. Z? Tsk, friend? Taena niya! May nalalaman pa tong friend friend! Baka fuccboi to?
Me:
Hindi mo ko nauuto! Fuccboi ka no? Pwes di ako fuccgirl at di ako papatol sa isang katulad mo!
Unknown number:
Fuccboi? Ano yun? Well, I am not that kind of man. I'm decent and clean
Me:
Really? Baka pinagloloko mo lang ako! Alam ko na ang mga style niyo. Kukunin niyo ang loob naming mga babae tapos pag nakuha niyo ibabasura niyo lang
Ilang minuto ang makalipas at hindi na siya nakapagreply. Mabuti naman.
I heard a knock outside my room, kaya tumayo ako at lumabas. Nakita ko si mommy at Yvonne. Nag-aalala ang kanilang mukha.
"May problema ba?" Napansin ko na may hawak dyaryo si mommy at may hawak na envelope si Yvonne.
"First, you need to read these..." Binigay sakin ni mommy ang dyaryo. Nakakunot ang noo ko at binasa ang nilalaman nito.
THE YOUNGEST OF THE ZAMORA, ALEJANDER ZEISS IS NOW EXCLUSIVELY DATING LOREN MENGUIZ! Evidence photo shown below;
Nalaglag ang panga ko, malinaw ang nasa litrato sa dyaryo. Nakaholding hands silang dalawa, they looked so happy together. Hindi ko mapigilan masaktan.
Ngumiti ako sakanilang dalawa, i'm fine. I'm fine... But I'm dying inside...
BINABASA MO ANG
Cold blooded Man
Teen Fiction❝ I may be cold but you make my heart soften every time.❞ Zamora Series 2: Alejander Zeiss Zamora