Chapter 18

2.1K 42 1
                                    

Chapter 18

ALICE KATELYN CASTIGADOR POV:

"V-V-Veronica...?" Ngumisi siya, nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib. Sasaktan ba niya ako? Anong ginagawa niya dito?

"Hindi ko alam na hanggang ngayon dito ka pa rin pumupunta weirdo." And she laughed

Napayuko ako, napansin ko ang pagtayo ni Alejander, "who are you?" Malamig na tanong niya sakanila. N-No...

"Ohhh, ito na ba ang pinalit mo kay Kevin weirdo? Nice choice, pero alam mo naman na hindi din kayo magtatagal. You know why?" Napapikit ako habang nakayuko. Naalala ko ang sinabi niya sakin noon.

"Remember these weirdo, lahat ng meron ka kukunin ko. Kaya walang magmamahal sayo kahit kailan. Iiwan ka rin nila katulad ng pang-iiwan sayo ng tatay mo"

Kukunin niya ang lahat sakin, at kasama na don si Alejander. She will get him... N-No, a-ayokong iwan din ako ni Alejander. Hindi ko kakayanin yun. Okay na ako noong kinuha niya si Kevin pero pati ba naman si Alejander? H-Hindi pwede...

Naluluha na ang mga mata, akong iniiwan ako.

"Hi, I'm Veronica and you are?" Hindi sumagot si Alejander. P-Please... W-wag kang magpapakuha sakanya Alejander.

"I dont care who the fuck are you. Umalis kana kasama ang mga alipores mo, bago ko ipatawag sa guard" natawa si Veronica

"Nasty, and I like it. Don't worry after mong pagsawaan niyang weirdo na yan pwede kang pumunta sakin"

"No fuckin' way. Hindi ako magsasawa sakanya and stop calling her weirdo before I cut your precious life"

"A-Alejander...." Tawag ko sakanya at tumingala, nakita niya ang pagtulo ng luha ko. Nagtiim bagang siya at tinignan ng masama si Veronica.

"Hindi ko man alam kung anong nangyari sainyo ni Alice pero magsisi ka sa ginawa mo sakanya" banta niya at hinawakan ang kamay ko.

"Let's get out of here" tumango ako at bago kami makaaalis, hinawakan ni Veronica ang braso ko. Masama ang tingin nito sakin, kaya nanlalambot ang tuhod ko sa takot. She became a trauma at me, a nightmare I guess.

"I will destroy your life once again, weirdo. And I will start with your boyfriend" napalunok ako. Hindi niya pwedeng kunin si Alejander.


HINAWAKAN ni Alejander ang pisngi ko bago ako yakapin ng mahigpit, "Tell me Alice Katelyn... Tell me your past... You can trust me" humagulgol ako at siniksik ang mukha ko sa dibdib nito.

"S-She hurt me, destroyed my college life... P-pinaglaruan ako ng mga taong akala ko totoo pala sakin, kahit ang nag-iisang lalaking minahal ko ng limang taon niloko ako at pinalaruan ako... M-Masakit Alejander, sobrang sakit. Akala ko pa naman totoo sila sakin yun pala napakaplastic nila."

"Sinabi niya sakin... L...lahat daw ng meron ako  kukunin niya. Ayokong makuha ka niya sakin Alejander... A...ayokong pati ikaw k..kunin niya sakin..." Hagulgol ko, hinalo niya ang likuran ko at pinapatahan ako.

"Shhh, hindi kita iiwan. Hinding hindi kita ipagpapalit sa isang katulad niya. You're the best I ever have at ayoko rin mawala ka sakin. Mahal kita Alice Katelyn... Mahal na mahal..." Napatigil ako at humarap sakanya. T-tama ba ang narinig ko? Did he just confessed in front of me?

Ngumiti siya, isang sincere at genuine smile. "Tama ang narinig mo. Mahal kita Alice Katelyn, hindi ko man masabi kung kailan pero handa kitang protektahan, ipaglaban hanggang kamatayan Alice Katelyn..."

"A-Alejander..."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang luha na ngayon ay tuyo na.

"At first, I don't believe in love, because I'm a cold blooded man... But since the day you came to my office, hindi kana nawala sa isip ko. Yes, first I denied ang akala ko kahit hanggang kaibigan pwede na tayo dahil baka yun nga ang ibig sabihin ng nararamdaman ko pero ng malaman ko na bumalik si Shaina at siya ang naging dahilan ng pagiyak mo at sinabi mo pa na mahal mo ko... Hindi na naging komportable ang puso ko dahil doon at naramdaman ko na higit pa pala sa kaibigan ang nararamdaman ko sayo" naluluha ako ulit. Tears of joy?

"Why? May nasabi ba akong mali?" Hindi siya mapakali sa pagluha ko, umiling ako at ngumiti.

"N-no wala naman mali. M-masaya lang ako, akala ko pa naman one sided love lang ang feelings ko sayo. Alam mo ba kung gaano kahirap itago ang feelings ko sayo? Ha?!" Napakamot siya ng batok.

"Sorry, alam mo naman na nahihiya ako" binatukan ko siya, "ikaw pa talaga ang nahiya ha? Anong tawag mo sakin? Ako yung unang nagconfess sa ating dalawa tapos ikaw parang wala lang sayo yung sinabi ko"

"Nawala sa isip ko ang sinabi mo na yun pero alam mo natuwa ako sa pagsabi mo sakin non" namula naman ang mukha

"Tseh! Kain na tayo, wag dito" hinawakan niya ang kamay ko, "Fine pero ikkwento mo pa sakin kung sino ang Kevin na sinabi ng babaeng yun kanina." Tumango naman.

"Pero Alejander..."

"Ahm?" At tumingin siya sakin, "ano na tayo ngayon? MU?" Tumawa siya

"Kaya ba minsan tulala ka dahil dyan?" Tumango ako ng mahin, tumawa siya ulit. Hinaplos niya buhok ko

"You're cute, Alice Katelyn. I'm now courting you..." At hinalikan niya ang noo ko, lalo akong namula. Shit Alejander! Lalo mo pa akong pinapakilig!

Cold blooded ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon