Chapter 13

2.4K 59 2
                                    

Chapter 13

ALICE KATELYN CASTIGADOR POV:

Ilang araw ang makalipas at nagbago na ang pakikitungo sakin ni Alejander. Hindi na siya nagiging cold pagdating sakin pati pa nga sa mommy ko. Is it a good thing or not?

Alejander:

Mawawala ako ng ilang araw, may business trip sa Palawan

Napakagat ako ng labi sa naging text niya, ang nakakalito lang ay palagi niyang sinasabi kung aalis ba siya, kung magsasabay kami kumain, kung susundo at hahatid ba niya ako o hindi. Para na nga kaming nasa isang relasyon na hindi ko mawari. Naguguluhan ako sa mga kilos niya pagdating sakin.

Alice:

Bakit ka pa ba nagpapaalam sakin? You can go whenever you want.

Pero sa bawat paglipas ng araw, walang oras na hindi ako kinikilig hanggang sa malaman ko kahapon na may nararamdaman na pala akong napabongga. Oo, nahulog na ako sakanya. Hulog na hulog, as in madly. At dahil sa mga kilos niya, at sinabi niya na gusto niyang maging magkaibigan kami lalo pa kaming naging close. Pero hindi ko sinabi at kinuwento sakanya ang nakaraan ko. Kung papaano nasira ang college at love life.

Alejander:

I want to tell you, Alice Katelyn you like it or not. Goodbye, take care and see you within a week.

Eto na naman ako, kinikilig ang lola niyo. Oo, napakabilis kong kiligin sa simpleng bagay na ginagawa at sinasabi niya. Kahit pigilan ko pagkakilig ko, hindi ko magawa. Nagiging pabebe na nga ako minsan sa harapan niya e. Nakakahiya yun nang maalala ko naman.

Alice:

Bahala ka buhay mo bleh 😛

Tinago ko na ang phone ko.

"Pwedeng magtanong?" Ngumiti ako, "ano po ang maililingkod ko sainyo?"

Para siyang model sa paningin ko, mayroon din siya napakalaking bilog na earings sa tenga niya. Heavy makeup pa ang nasa mukha niya. Clown ba siya? At pansin ko na nakacrop top pa siya at takong. Prosti ba siya? Ano ba tong pinagiisip ko?!

"Anong floor ang office ni Alejander Zamora? Yung CEO ng company niyo..." Tinago ko ang pagngiwi ko. Ang arte niya kung makapagsalita, eeww. Mukhang laki sa yaman ang babaeng to.

"Top floor ang opisina ni Ale---Sir Alejander. May appointment po ba kayo sakanya?"

Ngumiti siya pero alam kong peke yun, "ah no. Gusto ko lang siyang makausap. Importante kasi" sasabihin ko ba sakanya na wala si Alejander dito at pumunta sa isang business trip sa palawan? Wala naman akonsa pwesto para sabihin yun! Wahhh, anong gagawin ko? Save me!

Sasagot sana ako, pero mag nagsalitang iba sa likuran niya

"Wala si Alejander, he has out of town business trip..." Sabi ni Jay ar at nakasalamin ito.

"Jay ar! I miss you!" Niyakap niya si Jay ar pero hindi naman siya niyakap pabalik. Ouch. Pero bakit feel ko may iba sa babaeng to? Kaano ano kaya ni Alejander ang prosti este babaeng to?

"Let go, Shaina..." Malamig na ani Jay ar sakanya, nakita ko ang pagnguso nong Shaina kuno.

"Ouch naman Jay ar. Hindi ka ba masaya na makita ako ulit? I'm back!" Masayang aniya pero hindi natinag si Jay ar.

"No. Since the day na malaman namin na tinuhog mo kaming pareho ni Alejander" natahimik ang Shain na to. Tinuhog?! Siya? Pati si Alejander? Omygod! Napasinghap ako at napatakip ng bibig. Tuhog talaga? As in yung two time ganon? Nilipat lipat ko ang tingin sakanilang dalawa. May ex si Alejander at ang babaeng ito ang ex niya! Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw ni Alejander sa babae? Malaking rebelasyon to! Ngayon alam ko na...

Jay ar stared at me, "go back to work. Umalis ka nalang dito Shaina bago ko sabihin kay Alejander na bumalik kana" malamig na ani Jar ar sakanya at iniwan siyang mag-isa.

Tumingin sakin ang Shain kuno ng matalim, ano na naman ang kasalanan ko sa prosti na to?! Sa tingin palang niya mukhang papatayin na niya ako e!

Dinuro niya ako ng hintuturo niya, aba!

"Shut yout mouth! Wag mong ipagsabi ang narinig mo at kapag nalaman ko na nakalat ito papatayin kita" banta niya sakin at padabog na umalis. Nalaglag ang panga ko, papatayin niya ako?! Seriously?! Dahil lang don?! Papatay siya ng tao?

Hindi ako nagdalawang isip na itext si Alejander. Ayokong mamamatay pero kung papatayin niya rin ako kailangan kong sabihin kay Alejander ang tungkol dito at tungkol sa nararamdaman ko kahit ireject niya ako. Napakagat ako ng labi, first time kong makaramdam ng takot sa banta ng prosti na yun. Hindi ko mapigilan maiyak.

Alice:

Baka ito na ang huling text ko sayo, Alejander. Gusto ko sanang sabihin sayo na nandito ang ex na tumuhog sainyo ni Jay ar. She wants to kill me and I'm really afraid and scared to her threat. Kaya kung papatayin niya ako gusto kong sabihin sayo na magkita nalang tayobsa second life natin katulad nong sa goblin. Mala kim shin at ji eun tak. *sniff, kahit imposible mamimiss kita pag namatay ako. Mahal na mahal kita, at sana wag mo kong kalimutan.

Nanginginig ang daliri ko bago ko pindutin ang send. Naluluha na ako, huhuhu. Ayoko pa talagang mamatay pero dahil sa prosti na yun, mukhang mapapaaga ang pagkamatay ko huhuhu.

Cold blooded ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon