Chapter 10
ALICE KATELYN CASTIGADOR POV:
Hindi ko alam kung saan ang titingin, sa ilalim ba o sa harap. Sino ba naman ang hindi mac-concious kung ang kaharap mo ay yung boss mo at si Alejander Zeiss Zamora. At hindi pa ako makapaniwala na siya pa talaga ang nag-aya na sabay kaming kakain. Nakakahiya kaya!
Napakagat ako ng labi, hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. "May problema ba?" aniya. Nawala pala sa isip ko na cold blooded pala siya, jeez. Tumatawa kasi siya kanina, haist.
"W-wala ho..." pero hindi pa rin siya tumigil sa pagtingin sakin. Napansin ko ang pagtuon ng tingin nito sa aking labi at napalunok siya. Naalala ko bigla ang banta niya sakin kaya napatigil ako sa pagkagat ng labi ko. Ayokong mawalan ng first kiss 'no! Mabuti nang makasigurado bago ko pa sisihan sa huli hihi.
Umiwas siya ng tingin, "You should eat, at sabay na tayong pupunta sa opisina" napanganga ako. What the---s-sabay kaming dalawa papasok?
"B-Boss, mawalang galang lang ho---pero nauntog po ba kayo pader or what? Alam ko naman po na galit kayo sakin hanggang ngayon dahil sa ginawa ko pero..." pinutol niya ako.
"Hindi ko alam kung bakit palagi mong binabanggit sakin na galit ako sayo or what, I just want to be friendly towards you" lalo pa akong napanganga. What the fudgy bar?! Friendly? Bakit kumirot bigla ang parte ng puso? Gusto ba niya na maging magkaibigan kaming dalawa? Really? Seriously?
"S-Seriously?" tinago ko ang kirot sa dibdib ko na nararamdaman ko ngayon, tumango siya. Hindi ko aakalain na ganito pala siya. Una dinala niya ako sa penthouse niya at pinatulog pa niya ako dito, pangalawa hindi siya nagalit sa pangingialam ko sa pagkain niya na nasa ref tapos ngayon gusto niyang magkaibigan kami? Ohmy.
"P-pero... a-akala ko ba a-ayaw mo sa mga babae?" tanong ko.
"Y-You're different..." hindi ko alam kung bakit napansin ko ang pag-utal nito at pamumula ng tenga niya. Nahihiya ba siya, ngumiti ako ng malapad.
"Kung 'yan ang gusto mo boss, edi tatangapin ko ang friendship niyo"
"And also, ayokong tinatawag mo 'kong boss pag tayo lang dalawa. Call me by my name" Omyyyggoosshhh, tatawagin ko siyang Alejander? Jinja?! este really?!
"Hindi mo ko jinojoke time, boss?" umiling siya at napansin ko ang pagtaas ng sulok ng labi nito.
"Yes, I am not kidding Alice Katelyn. Just call me by my name and i'm okay by that. Kumain ka na rin dahil maga-a-alas nuebe na ng umaga" tumango ako at kumain na. Nagiging kmportable na ako sakanya. Mas maganda at ayos pala na ganito siya kaysa doon sa unang pagkikita naming dalawa na para bang nakamenopause siya. Ano kaya ang nakain niya at nag-iba ang pakikitungo niya sakin? May sakit kaya siya ngayon? Nakakahiya naman kung hahawakan ko ang noo niya diba? Pero paano nalang kung alam na niya na kilala ko ang pamilya niya at kilala din ako ng pamilya niya lalong lalo na si Ate Arlyka? What if pinepeke lang niya ang pagkakaibigan na to? Ano ba naman ang iniisip mo Alice! Napaka-open minded ko naman masyado.
Pero sana lang hindi siya ganon katulad ng iniisip ko ngayon, sana niya hindi ako niloloko at pinaglalaruan dahil baka hindi ko kayanin ang sakit pag nalaman ko na ganon pala siya. At baka mas masakit pa yun kaysa sa naramdaman ko noong unang beses akong pinalaruan ng mga ex friends ko at ex ko.
ALEJANDER ZEISS ZAMORA POV:
Hindi ko mapigilan mapangiti sa inaasal niya, para siyang bata na hindi makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. I understand her, sino ba naman ang hindi makakapaniwala kung ang kilala mong si Alejander Zamora ay gustong makipagkaibigan sayo diba?
Buong gabi ko pinag-isipan ang kagustuhan kong pagkakaibigan sakanya. Mahirap para sakin na lumapit sakanya dahil nga babae at gumawa ng first move but now kumuha ako ng lakas na loob para makipagkaibigan sakanya. Noong una, wala naman akong balak na dalhin siya dito sa penthouse ko at siya ang kaunang unang babae na dinala ko dito. Na kahit si Ate Zane ay hindi niya alam na may penthouse ako. Never ko pa siyang hinawakan at kay Jay-ar ko siya pinadala dito. I never touch women, never as in never ever. Wala akong balak na maging close sa mga babae but she's different. Alice Katelyn is different from them. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko. She's not a famewhore, a gold digger. Paano ko nasabi 'yun? I investigated her, at si jay-ar ang pinakuha ko 'non. Pero mukhang mali ang nakuha niyang edad ng dalaga. I though she's the same as my age but I'm dead wrong. She's younger, at hindi ko inaasahan 'yun. She's 28 and i'm fuckin 32 for god's sake! apat na taon ang pagitan namin!
Wait---bakit ko ba kinokompara ang edad naming dalawa? Wala naman akong balak na ligawan---the heck is wrong with me?! Seriously Alejander? Ligawan talaga?
But sa ibinigay sakin ni Jay-ar, ay isa din siya Castigador. Ang palaisipan ko ngayon ay magkaano ano sila ni Jay-ar? Are they siblings? cousins? Pero ang kwento sakin ni Jay-ar ay dalawa lang silang magkapatid at dalawa silang lalaki sa pamilya. At sa nabasa ko impormasyon na ibinigay niya sakin ay iba naman ang nanay nilang dalawa kaya impossible na magkapatid o magkamag-anak sila. Baka naman coincidence lang yun, at ayoko naman tanungin siya kung magkaano ano sila ni Jay-ar, dahil sobrang feeling close ko naman kung ganon.
Sa ngayon, kailangan kong baguhin ang first impression niya sakin. I want to erase from her first impression from the cold blooded na inaakala nilang lahat at alam kong alam din niya. I want her to know that I'm not and I'm far from that.
BINABASA MO ANG
Cold blooded Man
Novela Juvenil❝ I may be cold but you make my heart soften every time.❞ Zamora Series 2: Alejander Zeiss Zamora