Chapter 17
ALICE KATELYN CASTIGADOR POV:
"Saan mo ba ako dadalhin Alejander?" He just smiled at me, napanguso naman ako. Ilang beses na akong nagtatanong sakanya pero ngiti lang ang binibigay niya sakin. Hindi ba siya nangangawit kakangiti? Tsk. Naiinis na ako
"Isa pang ngiti Alejander, magagalit na talaga ako" napasulyap siya bigla sakin, natawa nalang ako ng napanguso din siya. Sa ilang buwan na makalipas, ayaw niyang nagagalit o umiiyak ako kaya hanggang sa maari hindi niya ako inaasar.
"Alice Katelyn naman, makikita mo rin naman mamamaya e" I giggled, hindi ko maiwasan na mapaisip. Nagiging under na siya sa sakin pag ganito ang nangyayari. Ewan ba kumg under ba talaga ang tawag don pero kung under nga siya sakin edi dapat nasa isang relasyon kaming dalawa diba? Haist, nalulungkot ako kapag naiisip yun. Magiilang buwan na kami magkakilala ni Alejander naging close na rin kaming dalawa. Minsan nga magkahawak kamay kaming dalawa pagumaalis. Nagiging protective din siya sakin, pero wala naman kaming label sa isa't isa.
"Oo na. Tatahimik na, basta't masurprise ako ha?" Nakangiting ani ko, tumango naman siya at hinaplos ang buhok. Maghahanap ako ng tyempo kung kailan ko siya tatanungin kung ano ba talaga kami. MU ba? Or hanggang friends nalang ba. Pero ngayon, wala pa akong lakas na loob para tanungin siya. Maraming what ifs sa isipan ko ngayon, what if pagtinanong ko siya masisira ang pinagsamahan naming dalawa?
Ilang minuto pa ang byahe ay nakarating kami sa isang lugar na parang pamilyar sakin. Ito... Ito ang lugar kung saan kami pumupunta ni Kevin every month. Tinago ko ang paglungkot ko ng maalala ko yun, hindi pwedeng malaman ni Alejander ang tungkol dito. Sorry Alejander, pero ayokong kaawaan mo ko. May tamang panahon para sabihin ko sayo ang tungkol dito pero hindi pa sa ngayon, sana maintindihan mo Alejander, sorry.
Napabalik ako sa realidad ng hawakan niya ang kamay ko, "May problema ba? Ayaw mo dito?" Umiling ako at ngumiti ng mapakla. Bumabalik ang mga memorya na dapat noon ko pa kinalimutan.
"Tara?" Tumango ako at pumasok na kami. Isa itong restau, at tago dito sa maraming tao at malayo sa manila pero tamang tama lang ang mga costumer nila dito.
Pagkapasok namin sa loob, walang nagbago sa restau na to. Kung ano ang naabutan ko noon, ganon pa rin.
"Good afternoon sir and mam..." Bati sa amin ng isang waiter. Napansin ko ang pagtitig nito sakin, shit mukhang na mukhaan ako.
"Stop staring to my girl" malamig na ani Alejander sakanya, umiwas ng tingin sakin ang waiter at yumuko.
"Sorry sir, reservation?"
"Alejander Zamora" sabi ni Alejander, "this way sir, mam" at naglakad kami sa table na nakareserve para sa amin. Inalalayan ako ni Alejander para umupo at ganon din siya.
Kinuha ko ang menu, at binasa. Ilang taon na rin akong hindi nakakakain dito.
"Orders mam sir?" Sabi sa amin ng waiter, tinignan ako ni Alejander para sabihin na mauna na ako magorder tumango naman ako.
Sinabi ko ang order ko, yun palagi ang order ko pag dito kami kumakain ni Kevin, sigh. Kalimutan mo na siya Alice, si Alejander ang kasama mo hindi siya.Tapos na kami magorder ni Alejander, "Tell me, Alice Katelyn. Nakapunta kana ba dito?" Napalunok ako, sasabihin ko ba?
"Alice Katelyn..." Yumuko ako at pinaglaruan ang daliri ko.
"Yes..." Mahinang sambit ko, "With whom? Is it with your mother?" Napakagat ako ng labi, sasabihin ko ba na dito ang favorite place namin ni Kevin? Magagalit siya pag sinabi ko sakanya yun!
Sasagot na sana ako pero may pumutol sa sasabihin ko, "Looks who's here..." I know that voice... Nanigas ako, b-bakit siya nandito.?
"V-V-Veronica...?"
BINABASA MO ANG
Cold blooded Man
Teen Fiction❝ I may be cold but you make my heart soften every time.❞ Zamora Series 2: Alejander Zeiss Zamora