Cali
"Cali..Cali..." nagising ako dahil sa may yumuyugyog sa akin, "Mamaya. 5 minutes..." pag iinarte ko at humarap sa kabilang side. Tumigil naman sya at may naramdaman akong gumagalaw.
Nakakakiliti.
"Hehe..wag dyan." nakikiliti kong sabi, nagulat na lang ako nung bigla akong lumutang.
"Hala shit, naluntang ako pota wow galing!!!" natigil ako sa pagsisigaw ko nang may marinig akong mahinang tawang mababa. Pag angat ng tingin ko nakita ko si Taehyung na nakakagat sa labi nya habang pigil na pigil ng tawa.
Okay, buhat pala ako ni Taehyung.
Teka ano??
Buhat ako ni Taehyung?!
"Hoy bastos ka bakit mo ko buhat buhat?!" sigaw ko agad, napaungol naman sya.
Uy, iba naisip.
Napaungol sa sakit kasi. Sigawan ko ba naman. Tapos parang natamaan ko pa ata braso nya.
Naramdaman ko namang nilapag nya ako sa isang malambot na lapag.
"Hindi natin naabutan yung sunset pero tignan mo na lang yung city lights." napatingin naman ako sa paligid.
Gubat ang nasa likod namin, madilim at walang kabuhay buhay, kabaligtaran ng nasa harapan ko. Isa sa mga pinaka magandang lugar na napuntahan ko. Kitang kita ko gaano kaganda at kaliwanag ng siyudad. Kabaligtaran ng masukal at tahimik na gubat sa likod ko. Ang nasa harapan ko ay walang kasing ganda at walang kasing siglang syudad.
Napalingon ako kay Taehyung na nasa tabi ko. Nag-rereflect sa mga mata nya ang magandang ilaw mula sa baba.
Katulad ng syudad, isa syang magandang nilalang at kitang kita mo sa mga mata nya ang sigla at buhay. Samantalang ako, parang isang gubat na mistulang patay na sa tahimik at dilim.
Nakakainggit.
Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako kay Taehyung at napatingin na sya sa akin.
Hindi ko na naiwasan magtanong, "Paano maging masaya?"
Agad naman syang napangiti, "Hanapin mo yung nagpapamasaya sayo."
"Eh paano kapag yung nagpapasaya sayo yung dahilan din ng kalungkutan mo?"
"Edi hindi siya yung nagpapamasaya sayo." seryoso nyang sambit. Napangiti na lang ako, "Okay na sana, mali lang grammar mo."
"Ha? Bakit?" nagtataka nyang tanong, "Hindi nagpapamasaya, dapat nagpapasaya." pagtatama ko, tumango naman sya, "Ah, ok. Ulit tayo dali." tumawa na lang ako at tumingin sa harap.
In fairness ha.
Malamig.
"Nilalamig ka?" medyo nakakatangang tanong nya.
"Sa tingin mo?" napatayo naman sya agad at nagpunta sa kotse nya.
Nasa picnic mat pala ako, minus the picnic kasi walang pagkain.
Hindi ako nagrereklamo, nagdedescribe lang.
Bumalik sya dala ang isang makapal pang jacket. Hindi ko talaga alam paano ko pa ilalagay yun kasi nakamakapal din akong jacket.
Pero pinatong nya pa din sa akin.
"Ikaw? Nilalamig ka din eh." nanginginig na kasi sya. Bakit naman kasi sa bundok kami nagpunta eh winter na winter?
"Oki lang." napailing na lang ako.
"Wag ka na maarte, eto lang naisip ko." sabi ko at ipinasuot ang makapal na jacket sa kanya at niyakap sya. Basta pinapasok ko sarili ko sa loob ng jacket.
BINABASA MO ANG
Let Me Be Daddy Taehyung
Fanfiction"Kahit wag mo na ako mahalin, just let me be my child's daddy." -Kim Taehyung