Cali
Dumaan ang halos dalawang buwan. Lumalaki na ang tyan ko katulad ng paglaki ng agwat namin ni Taehyung.
Habang tumatagal mas lalo kaming hindi naguusap. Hindi nagpapansinan. Lagi siyang nagcecellphone o kaya naman maglilinis sya ng bahay, maglalaba o magpaplantsa kapag nasa bahay ako. Sabay kaming kumakain pero hindi siya nagsasalita.
Kaya wala akong makausap, hindi na ako lumalabas kahit kailangan ko lumabas dahil sabi nila mama mamamanas daw ako kapag hindi ako gumagalaw masyado, ayoko namang lumabas kasi wala akong kasama.
Si Hana naman nakakausap ko minsan sa video call, nasa Korea ang gaga, naghahanap ng boypren, nainggit daw siya sa akin.
Si Shane at Irvin, stay strong ata. Aba puro post nila sa instagram nakikita ko eh, sarap nga nila ireport. Simula nung araw na yon sa jollibee hindi ko na ulit sila nakita. At aaminin kong sobra ko silang namimiss. Kahit lagi akong nagngingitngit kay Shane, namimiss ko siyang awayin. Mabait naman yon, sadyang iisa lang kami ng lalaking minahal.
Yung pamilya ko naman, patext text na lang. Busy din sila kaya di nila ako napupuntahan pero sabi nila next month daw bumisita kami sa lola ko.
Sobra akong nalulungkot ng mga araw na 'to, lagi lang akong nasa duyan, minsan naiiyak na. Hindi ko na alam anong gagawin ko, wala akong mapagkwentuhan. Waka akong makausap.
Sanay naman akong magisa sa bahay pero kasi yung fact na may kasama ka sa bahay pero tinuturing kang parang hangin.
Bwisit na Taehyung yan, eh kung palayasin ko kaya sya.
Di ko namalayan sobrang umiiyak na pala ako. Alam ko namang dahil sa pagbubuntis ko kaya sobra ako makaemote. Sanay naman akong nasasaktan ng palihim. :--)
Iyak lang ako ng iyak, umagang umaga. Kanina akala ko magkakasabay na kami mag almusal ni Taehyung kasi parehas naman kaming walang ginagawa. Kaso pag gising ko kanina, nakakain na siya. Halos umiyak na ako sa lamesa kanina pero pinigilan ko.
Ngayon, eto, di ko na kinaya.
Sobra na akong humihikbi nang may biglang yumakap sakin.
"Sorry.." mas lalo pa akong naiyak nung malaman ko sino, sa amoy pa lang alam ko na.
"Sorry talaga, hindi ko naman talaga gustong layuan ka pero akala ko kasi nakukulitan o naiinis ka sa kin eh. Sorry sabi ko aalagaan kita pero heto ka, umiiyak." iyak lang ako ng iyak, pilit nya naman akong pinapakalma.
Lumuhod sya sa harap ko at pinunasan ang pisngi ko, hindi na ako makahinga ng ayos sa kakaiyak, ano ba yan, bwisit, ang arte ko.
"Sshh, sorry na talaga." pag papakalma nya pa at hinalikan ang noo ko ng matagal. Napapikit na lang ako.
Humarap ulit sya sa akin, at tinignan ako sa mga mata ko, "1, 2, 3.." napangiti ako at pinigilan ang bibig nya gamit ang hintuturo ko, "Ok na."
Ngumiti sya at umupo sa tabi ko at isinandal ako sa kanya. Nanahimik kaming dalawa. Pero yung nakakagaan ng loob na katahimikan.
"Paano mo nasabing mahal mo ako?" biglaan kong tanong.
Matagal bago sya nakasagot, "Hindi ko alam. Pero nung una pa lang kitang nakita, iba na agad. Lalo na nung nakita kita ulit, para akong nabuhayan ng loob. Sobrang saya ko non. Sa tuwing makikita kitang umiiyak, nasasaktan din ako. Sobra, sobra. Gusto ko makita ang pag ngiti mo palagi kahit lagi kang naiinis sa kakulitan ko at minumura mo ako." hinawakan nya ang kamay ko, "Everything about you is perfect for me."
Paano nya nakikita ang best ko sa mga panahong I'm at my worst?
Taehyung, paano mo ko minahal?
Taehyung, bakit ako?
BINABASA MO ANG
Let Me Be Daddy Taehyung
Fanfiction"Kahit wag mo na ako mahalin, just let me be my child's daddy." -Kim Taehyung