Cali
Araw araw mas nagiging close kami ni Taehyung. Minsan nga sa kwarto ko na sya natutulog.
MINSAN LANG.
Hehehe enebe.
Kasama sa minsan na yun eh ngayon hehehehehehehe.
Nagising ako kaninang katabi ko si Taehyung. Kumukulog kagabi okey? Kunwari takot si acoe. Dejk takot naman talaga ako kaya sinamahan nya ko at dito sya natulog.
Pwede naman kasing tumabi. Okay lang naman.
Kaso TABI lang. Wala akong sinabing pwede backhug.
Oo tangina nakabackhug kanina sa akin si Taehyung, well hanggang ngayon. Punyeta talaga, sabog obaryo ko whoo shet.
Ang pula na ng buong katawan ko, hindi pa rin sya gising. Tuwang tuwa pa kong yakapin, akala nya ata teddy bear ako. Oo na, alam ko namang mataba na ako at fluffy na ako. Bwisit.
Nung nakaraan ang ilang minuto, nananakit na katawan ko, di kasi ako makagalaw at malaki laki na din ang tyan ko, kailangan ko na talaga laging maglakad. Mga 6 or 7 months na ata 'to kaya ang laki na talaga. I cri huhu.
Tatanggalin ko na sana yung braso nya nang bigla nya akong inikot paharap sa kanya.
"GAGO KA BA?!! TANGINA KITANG BUNTIS YUNG TAO!?" aba hayop, makahila akala mo taba lang yung nasa tyan ko. Bastos.
Tumawa lang sya.
Shet, sexy hehehehe.
"Sorry na." at biglang hinalikan ang noo ko, "Goodmorning."
Kilig si acoe.
Napa pout lang ako kasi pabebe acoe hehe. Pansin nyo yun? Ang saya ko ngayon? Hehehe.
"Wag kang gumanyan, hahalikan kita." gusto ko pa sanang magpout parang bibe kaso joke lang hehe baka maging kambal tong nasa tyan ko kapag di ako nakapagpigil.
"May gusto ka bang kainin?" tanong nya at inipit ang mga nahuhulog kong buhok sa mukha ko sa tenga ko.
Ikaw.
Dejk HAHAHA. Joke lang talaga.
"Pancake." sagot ko, "Joke lang pala." bigla nyang sabi, natawa naman ako, naaalala nya ata yung unang araw naming magkasama, "Kaya mo yan. Magaling ka na kaya magluto. Nakakain na yung mga niluluto mo." sya naman ngayon yung nagpout.
Onti na lang, mahahalikan ko na 'to. Hehehe.
Hinawakan ko ang pisngi nya at nilamutak yon, "Kakain tayo muna." tinitigan nya ako tapos ngumiti, "Oh tapos?"
"Pupunta tayo sa doctor."
"Tapos?"
"Pupunta tayo kay lola ko!" nawala ang ngiti nya, "Lola mo?" tumango tango ako, "Sabi ni mama bisitahin daw natin si lola."
"Ah okay...hehe." kabado nyang sabi, tumawa naman ako, "Magugustuhan ka nila."
"Ako ba gusto mo?"
...................
"Magluto ka na. Ako na magaayos ng gamit natin." sabi ko na lang at dahan dahang umupo, tinulungan naman ako ni Taehyung. Nung nakaupo na ako ay tumayo na sya at lumabas ng kwarto. Tinitigan ko lang sya habang papalabas sya ng kwarto.
Sorry, Taehyung. Ayoko lang talagang magmadali, ayokong masaktan ka. Sa ngayon, ama ka lang muna ng dinadala ko. Wala ng iba.
Tumayo na ako at naghilamos at toothbrush muna bago bumalik sa kwarto. Nagimpake na ako ng mga damit namin. Sakto namang tinawag ako ni Taehyung para kumain nung matapos ako magimpake.
BINABASA MO ANG
Let Me Be Daddy Taehyung
Fanfiction"Kahit wag mo na ako mahalin, just let me be my child's daddy." -Kim Taehyung