i.

311 11 0
                                    

February, 2025

Cali

Di ako makapaniwala sa taong nasa harapan ko. Naka-disguise sya pero syang sya 'to. Medyo sigurado ako, medyo lang kasi di na naman ako ganoong active sa fandom.

"Hi.." panimula nya at alam kong nakangiti sya ngayon kahit naka facemask sya na bear kasi nagmistulang crescent moon ang mga mata nya.

Ok, cute.

"Hi." tugon ko, mas lalo naman syang ngumiti.

Balak ko pa sanang makipagtitigan sa kanya kasi di pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko sya ngayon, kaso di na pwede. Aba bakit? Mag aalas tres na ng madaling araw dito sa Korea, pagod na ang maganda.

"Can you drop me off my place?" makapal na mukha kong tanong, tumango naman sya at nagsimula ng maglakad, sumunod naman ako.

Binuksan nya ang pinto ng sasakyan nyang di ko alam anong tatak, wala na kong pake.

Pumasok na lang ako at sinara nya naman ang pinto at sumakay sa driver's seat.

Madaling araw na at medyo may jetlag ako pero yung mga mata ko parang walang balak matulog. Punyeta.

"It's been a while..." barok na sabi nya, napatango na lang ako, "How have you been?" tinaas ko ang kamay ko at nag-okay sign. Nag-ahh naman sya.

"Sorry if I messaged you about going to Korea..." tumingin ako sa kanya, "I really just wanted to see you.." napa-iling naman ako, "No. It's okay." napalingon naman sya sakin, "Marunong ka mag-korean?!" tumango tango naman ako, "Medyo.."

Napa-palo naman sya sa steering wheel na kinagulat ko, "Bakit di mo sinabi? Alam mo bang kinabisado ko pa yung mga sinabi ko kanina?! Nagpaturo ako kay Namjoon hyung at Jungkook paano mag-english! Umattend pa ako ng english classes! Nag-aral din ako ng tagalog tapos marunong ka mag-korean?!" pagwawala nya. Hindi ko na ganung maintindihan kasi dirediretso syang nagsasalita at nakakapag-satoori na din sya minsan kaya lalo kong hindi maintindihan.

Napa tawa ako ng mahina, "Sorry hahaha.." tumigil ang sasakyan dahil naka red light. Lumingon sya sa akin at ngumiti, "Edi tumawa ka rin.." nagulat naman ako sa tagalog skills nya. Mahirap intindihin yung pagsasalita nya pero tinatry nya pa rin.

Napatitig lang ako sa mga blue nyang mata. Naka-contacts siguro.

Isipin nyo, si Kim Taehyung, yung sikat na Kim Taehyung, yung poging Kim Taehyung, nasa harapan ko, nakangiti sa akin.

Kung hindi lang ako sobrang nasasaktan ngayon, siguro, sobrang saya ko na.

Kaso hindi ko talaga kaya.

Putangina kasi ng boyfriend kong gago.

"Don't cry." nabalik ako sa ulirat ko nung pinahid ng malalaki nyang daliri ang luha ko.

Agad naman akong sumandal at lumingon sa bintana.

"Taehyung.." pag tawag ko sa kanya.

"Hmm??" tugon nya.

"Pwede mo ba akong samahan sa isang lugar?" nag tagalog ako, tinetesting yung pagtatagalog nya.

Let Me Be Daddy TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon