Cali
Nagising ako sa amoy usok. Kahit ayoko pang bumangon napilitan ako kasi parang masusunog na bahay ko sa amoy.
Teka...
Bahay ko!?
Napatayo naman ako agad at tumakbo palabas ng kwarto papuntang kusina, naabutan ko si Taehyung na aligaga sa pagluluto. Pagluluto nga ba yon? Pota, ilang taon na 'to, di pa rin marunong magluto ng pancake!?
Puro sunog yung pancake. Nakakaiyak, naubos nya ata yung isang box na puro sunog lang ang nagawa nya.
"Taehyung, ano bang ginagawa mo!?" sigaw ko at inagaw sa kanya yung kawali at pinatay yung kalan, "Ano to!? Bakit ang labnaw!?" sigaw ko nang makita ko yung pinaghaluan ng pancake na puting puti at sobrang labnaw. Para bang tubig lang ata ang nilagay.
"Nihalo ko naman yan, di ko alam bakit ganyan pa rin.." mahinang sagot nya, inis na inis ko syang tinitigan, saka tinignan yung pinaghaluan nya, hinalo ko at parang tubig talaga yung nakalagay, "Anong nilagay mo dito!?"
"Yung pancake.."
"At!?"
"Tubig..."
"Ay tangina! Sinasabi ko na nga ba, tabi nga dyan, may instructions sa karton bakit di mo sinunod!?" inis ko syang tinulak palayo at kumuha ng bagong box ng pancake. Di ko na talaga masasalba yung ginawa nya, hindi ko alam kung makakain pa nga ba yon eh.
"Di ko maintindihan..." mahina nyang bulong, hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy na lang ako.
Mas lalo lang akong naiinis kasi ayaw nyang umalis sa kusina, kaya sa tuwing may kukunin ako, nakaharang sya, "Pwede ba!? Umupo ka na lang doon sa sofa at ayusin yung tinulugan mo!? Harang ka eh!" yamot kong sigaw. Onti na lang susunugin ko na 'tong lalaking 'to, umagang umaga ginagalit ako.
Habang nagluluto kumakain na din ako kasi may pupuntahan pa ako, isang youtubers fest, kailangan kong maging maaga dahil may activities kaming plinano. Walang nakaka alam na buntis ako kaya todo pa rin sila kakainvite sa akin. Ako naman si punta lang ng punta.
Nang matapos na ako magluto, hindi ko na nahugasan yung mga pinaglutuan ko at pumasok agad ako sa kwarto para kunin ang tuwalya ko.
"Di ka kakain?" narinig kong tanong ni Taehyung, "Ako na lang kakain nung sunog..ikaw na kumain ng luto mo.." sabi nya pa.
Napa-'tsk' na lang ako at pumasok na ng banyo.
Nagpaawa pa ang mokong.
Nang matapos na akong maligo, pumasok ako ng kwarto habang nakatapis, nakita ko naman si Taehyung na nakaupo sa kama ko.
"Ano na naman!? Tangina mo ba!?" ulol ba sya, kitang kakaligo ko lang at nakatapis ako bakit sya nandyan?
Agad naman syang tumayo, "Ah..eh..gusto sana kitang tulungan mag ayos ng buhok, magaling kasi ako doon.." nakatungo nyang sabi. Puta, paawa talaga, nakakairita.
"Nakikita mo bang nakatapis lang ako!?" galit kong sigaw, baka mapaanak ako dito ng di oras.
Nanahimik lang sya, "Ano..yung..tapis..??"
"Kingina naman Taehyung, nagmamadali ako kaya pwede ba wag kang pabebe at lumabas ka ng kwarto ko!? Magbibihis ako!" tumakbo naman sya agad palabas. Sinarado ko ang pinto at nilock.
Kumuha na ako ng damit na isusuot at nagbihis na.
Napatingin ako sa orasan at hayop malalate na ako di pa ako nakakapag ayos!!!
"Argh!! Nasaan ba yung blower ko!? Puta naman!!!!" galit kong sigaw, may narinig naman akong kumatok, "Nandito sa sala." narinig kong sabi ni Taehyung.
BINABASA MO ANG
Let Me Be Daddy Taehyung
Fanfiction"Kahit wag mo na ako mahalin, just let me be my child's daddy." -Kim Taehyung