April, 2025
Cali
"Bes, kaya mo ba talaga?" alalang tanong sakin ni Hana, bestfriend ko.
"Oo na nga kulit ng tinggil mo, nahihilo lang ako pero kaya ko." napabuntong hininga na lang si Hana atsaka nagpaalam.
Naglakad ako papasok ng bahay, hinahanap ko ang susi sa doormat nang mapansin kong bukas ang ilaw sa loob. Hindi ko naman iniiwang bukas ang ilaw. Sayang sa kuryente.
Pota, bakit ako kinakabahan?
Pumasok ako ng bahay, at doon nakita ko si Irvin sa sofa.
"H-hi babe.." mahina kong bati, hindi ko rin alam pero may iba sa tingin nya ngayon. Para syang...galit?
"Babe? Wow, big word." napako ako sa kinatatayuan ko.
"Ha? Anong sinasabi mo?" takang tanong ko.
Nagulat ako nang may biglang magsalita sa likod ko, "Oh, nandito na pala si mommy Cali." napalingon agad ako at nakita ko si Shane, yung putanginang naanakan ni Irvin. 'Naanakan' lang kasi kami na ulit ni Irvin, wala na kong pake kung may anak sya sa iba.
Kasi ako rin..
Oo na putanginang Kim Taehyung yan.
Magtatatlong buwan na. Walang nakaka alam maliban sa bestfriend kong si Hana. Sya lang nakaka alam ng lahat.
"Ha? Sinasabi mo? Atsaka di kita kausap ha, tao lang kinakausap ko hindi mga hipon." pangttrashtalk ko kay Shane. Umirap na lang sya.
"At least hindi malandi." susugurin ko na sana siya kaso nagulat ako sa sigaw ni Irvin.
"Tama na!" napalingon agad ako sa kanya, at halos mag salubong na ang mga kilay nya, hindi ko rin alam saan sya galit na galit.
"Vin...okay ka lang ba?" mahinahon kong tanong, tinitigan nya lang ako bago siya nagsalita, "Buntis ka."
Para akong nayelo sa kinatatayuan ko. Di ako makapagsalita, ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong gustong ipaliwanag kaso hindi ko magawa.
"So tama nga yung nakita namin ni Shane? Buntis ka nga!?" galit na galit na sigaw ni Irvin.
"Irvin wag mong sigawan si Cali, buntis yan." pang eentrada ni Shane.
Hindi ko alam kung nag-aalala ba sya o nang-iinsulto eh.
"Akala ko ba okay na!? Akala ko ba okay na ang lahat?! Cali, ano to!? Paano na tayo!?!!!" sigaw ni Irvin at ibinato yung pregnancy kit na siguro nakita nila sa basurahan dito sa bahay.
"B-bakit ba kayo nag punta dito---" naputol ang sinasabi ko ng sumingit si Shane na mukhang malibag na singit.
"So yan yung pinunta mo noon sa Korea? Nagpabuntis ka don ganoon? Para makaganti?"
"Anong--Hindi ako nagpabuntis doon---"
"Sinong ama nyan?" biglang tanong ni Irvin, napatulala na lang ako sa kanya.
Hindi ka maniniwala...
"Tignan mo hindi nya nga kilala." pang gagatong pa ni Shane.
"Teka makinig muna kayo sakin--"
"Paano kita pakikinggan kung di mo kilala ang ama nyan!?" sigaw pa ulit ni Vin.
"Irvin, please just listen to me just this once! Ako, Irvin..." itinuro ko ang sarili ko, "I always tried to hear your explanations! Lagi kitang iniintindi! This once. Eto lang ang hinihingi ko! Hindi ba pwedeng ako naman ang intindihin mo?" halos maiyak kong sambit.
"Kung papakinggan ba kita may mangyayari? Ako ba ang ama nyan?" deretsong tanong ni Irvin na ikinatahimik ko, "Hindi.." mahinang sagot ko.
"What a whore! Kilala mo ba talaga ang ama nyan?" pagsingit na naman ni Shane, "Tangina mong tarantada ka, hindi ka kausap kaya pwede ba itahimik mo yang kingina mong bibig?" napatahimik naman agad si Shane sa matindi kong pangttrashtalk. Tangina singit kasi eh.
"Kilala ko ang ama ng batang 'to--"
"Then who?!" pasigaw na tanong ni Irvin.
"Chill Vin--" pag papakalma ko.
"Chill?! Alam mo pa ang salitang 'yon?!" agad namang nilapitan ni Shane si Irvin at pinakalma ito.
"But you won't believe me..." mahinang sagot ko.
Bumuntong hininga si Irvin at umiling, "No babe, sabihin mo lang. Pagtitiwalaan kita, kung paano mo ko pinagkakatiwalaan, ganoon kita pagkakatiwalaan--"
"Si Kim Taehyung." tahasang sagot ko.
"Seryosong usapan tayo dito California."
Aba tangina!?
"Tangina mo din 'no?" sarkastikong tugon ko.
"Kasi naman Cali, wag ka ngayon mag-fangirl, please. Alam kong matagal na nawala si Taehyung dahil sa military pero wag natin syang isingit dit--"
Makulit talaga betlog nito eh no.
"Eh putangina si Kim Taehyung nga ang tatay ng dinadala ko!" galit kong sigaw.
Katahimikan...
Walang nagsasalita.
"Seryoso ba yan...?" mahinang tanong ni Shane.
Wow, naniniwala sya?
"Tangina Shane paano mo natanong yan!? Naniniwala ka dyan!?" sigaw ni Irvin, "Kumalma ka boi, baka naman kasi joke lang yung nasa pregnancy kit at nabuntis nga sya...ng poster."
Napabuntong hininga si Irvin, "Yung totoo kasi Cali!!! Wag na tayo magbiruan dito--"
"Putangina naman Irvin. Hindi ako nagbibiro. Kung pwede nga lang ibalik ang lahat. Pwede nga lang ibalik yung mga panahong nilagyan ko ng soju ang baso nya. Edi sana hindi to nangyari, wala sanang nabuo. Oo, alam ko namang kasalanan ko ang lahat. Pero Vin, hindi siya ang mahal ko, ikaw. Kaya ayokong sya ang maging ama ng anak ko." hindi ko na napigilang umiyak, "Ayokong maging si Kim Taehyung ang maging ama nito."
"Uy parang totoo talaga sinasabi nya...realistic yung storya..." mahinang bulong ni Shane. Parang sinasabi nya lang nasa utak nya.
"Teka, teka. Sabihin mo nga ulit.." nagtaka naman ako sa sinabi ni Irvin habang nakatingin sa likod ko.
"Ang alin?"
"Yung pangalan!"
"Nino?" takang taka na ko. Parehas silang nakatingin sa likod ko parang manghang mangha.
"Yung ama!" singit ni Shane.
"Si Taehyung...??"
Pumalakpak silang dalawa, "Wow Cali ang galing mo naman!" sabay nilang sambit.
"Ha?" wala na talaga akong naiintindihan. Ang gulo nila.
"Nagkatotoo ang mga sinasabi mo..." manghang manghang sabi ni Shane.
"Ha? Ang alin?" nakakabaliw tong dalawang to, parang may tililing sa utak.
"Si Taehyung." at nginuso pa ni Shane yung likod ko.
Tumingin naman ako sa sinasabi nya.
"Anong nagkatotoo--"
"Hi, ako si Kim Taehyung. Ang ama ng dinadala ni Cali."
Hala putangina totoo nga!?
xxx
Wao hehe ang ikli neto.

BINABASA MO ANG
Let Me Be Daddy Taehyung
Hayran Kurgu"Kahit wag mo na ako mahalin, just let me be my child's daddy." -Kim Taehyung