Cali
Nagising ako ng maaga, hindi dahil sa may pupuntahan ako, kundi madami akong gagawin..dito sa bahay.
Nag hilamos na ako at nagtoothbrush atsaka nagpuntang kusina habang tinatali ang buhok ko.
"Good morning, may pupuntahan ka?" bati sa akin ni Taehyung na nasa harap ng ref.
"Good morning, wala. Dito lang ako sa bahay, linggo ngayon." uminom sya ng tubig at tumingin sa akin na naghahanda ng lulutuin, "Linggo? Week?" napailing naman ako, "May iba pang meaning ang linggo, Sunday." tumango tango naman sya, "Oo nga pala."
Tahimik lang akong nagluluto ng bacon at itlog habang si Taehyung ang nagsaing at nagluto sa rice cooker. Natututo na ang mokong magluto, I'm proud.
"Nasaan yung binili mong kape?" itinuro ko yung cabinet at kinuha nya naman at nagtimpla sya.
Natapos na ako magluto at naghain sa lamesa. Nakaupo si Taehyung sa harapan ko noon habang nilalagay ko ang pagkain sa lamesa habang nakatayo.
Agad namang napatakip si Taehyung ng mata, "Luh, problema mo?" taka kong tanong atsaka umupo sa harapan nya, tinapunan nya naman ako ng tuwalya, "Aba puta--" tumama sa mukha ko kasi yung tuwalya. Kabastusan diba.
"Itakip mo yan." atsaka sya tumungo habang pulang pula at kumain.
Tinignan ko naman anong tatakpan ko.
Nakasando nga pala ako. Shet.
Kaya pala nagtakip sya ng mata kanina.
Putangina.
Bwisit.
Cute ang mga nakagets, ang hindi, wag nyo ng intindihin.
Pulang pula akong nagsimulang kumain. Maya maya nakita ko si Taehyung na nagbubuklat ng kung ano.
Baka mamaya, FHM magazine yan ah.
Tinignan ko sya at nakita ko yung mga dati kong magazine na nakatago sa ilalim ng kama.
"Saan mo nakuha yan?" tanong ko habang ngumunguya, "Sa ilalim ng kama mo hehe sorry." tumango na lang ako.
Okay lang naman mangielam ng gamit ko, wala naman akong pake.
"Anong trabaho mo dati?" curious nyang tanong, habang umiinom ng kape.
"Wedding planner." simple kong sagot, "Yung nagaayos ng mga kasal?" mangha nyang tanong, tumango lang ako.
"Wow, kaya pala puro wedding magazines meron ka." tumango tango na lang ako at uminom na ng kape ko.
"Wala ka talagang pupuntahan ngayon?" tanong nya pa ulit habang nagliligpit ng kinainan. Siya tagaligpit at taga hugas ng pinggan. Wala, kasi sabi ko lang hehe.
"Wala nga." sabi ko pagkainom ko ng malamig na tubig.
"Anong gagawin mo ngayon?" inilapag ko yung baso sa lababo, "Maglalaba."
"Laba?"
"Oo nga laba. Puta paulit ulit." inis kong sabi at naghugas ng kamay.
"Sumunod ka sa likod ng bahay pagkatapos mo dyan." utos ko atsaka lumabas ng bahay. Kinuha ko lahat ng maduming damit kasama yung mga maduduming damit ni Taehyung.
Yak, mamaya nyan may ano pa yung mga brip ng lalaking 'to. Yak.
Nilagay ko sa palanggana yung mga maduming damit at pinuno ng tubig. Lumabas naman si Taehyung, "Anong gagawin ko?"
"Halika dito." lumapit naman sya, "Tuturuan kita paano maglaba."
"Eh? Di ka ba nagaautomatic washing machine?" naiiyak nyang tanong, umiling naman ako, "Hindi. Sanay ako de kamay maglaba, kaya kailangan mong matuto maglaba."
BINABASA MO ANG
Let Me Be Daddy Taehyung
Fanfiction"Kahit wag mo na ako mahalin, just let me be my child's daddy." -Kim Taehyung