Cali
Onting push na lang at manganganak na ako. Sobrang likot nga eh, lagi na lang sumisipa. Bwisit.
Nabalitaan kong nakapanganak na si Shane at lalaki ang anak nila. Hindi na kami nakapunta noong nanganak si Shane kasi, wala, tinatamad kami. Pake namin, dejk.
Mga alas syete na ng gabi at punong puno ng prutas ang lamesa sa harap namin. Gusto kong kainin lahat eh, bakit ba. Pake mo, buntis ka ba ha!?
Nanonood lang kami ng movie, kasi trip lang ni Taehyung.
Bigla akong nakarinig nang ingay sa labas.
"Ano yun? Bakit ang ingay?" inis na tanong ko, agad namang tumayo si Taehyung at tumingin sa bintana, "Teka parang kilala ko yung boses na yun ah?" lumingon naman sa akin si Taehyung, "Kanino?"
"Kay Irvin." sagot ko.
"Cali! Cali babe!!! Caliiii!!!" sigaw ni Irvin sa labas. Lumabas naman ako.
"Ano ba Vin? Bakit ka nandito? Ang ingay mo!!" inis na inis kong sigaw.
"Uyy Cali! Hello hehe musta ka na?" lasing nyang sabi at lumapit sa akin, "Musta ka na? Masaya ka ba kay Taehyung?" pota ang baho ng bibig ng isang to. Palalamunin ko to ng colgate eh.
Don't me, beastmode ako.
"Kasi ako, miss na miss na kita. Sana pala hindi na lang ako pumayag noon sa kpop kpop mo at noong pumunta kang Bataan, edi sana di mo yan nakilala!!" pagwawala nya.
Ay pota, teka...
"Cali, mahal na mahal kita. Hindi ba pwedeng tayo na lang ulit? Please? Tayo na lang ulit." umiiyak na sya sa harapan ko, nakita ko naman si Shane na kadadating lang at nakatingin sa amin.
"Cali, mahal na mahal kita. Please, tayo na lang ulit? Please?" nakaluhod na sya sa harapan ko.
Ako naman, umiiyak.
Hindi dahil kay Irvin, ewan ko, wala na nga akong pake eh lol.
Umiiyak ako dahil..
PUTANGINA ANG SAKIT NG TYAN KO!!!!! GAGO MANGANGANAK NA ATA AKO HAYOP!!!
Iyak lang ako ng iyak, di ako makapagsalita. Si Shane sa malayo, umiiyak na din. Akala nya ata tatanggapin ko ulit si Irvin kasi nakikiiyak ako.
"Cali, bakit may tubig?" medyo tangang tanong ni Taehyung.
Medyo lang.
Medyo lang naman diba :---)
"TAEHYUNG MANGANGANAK NA SI CALI!! PUMUTOK NA PATUBIGAN NYA!!!" sigaw ni Shane, agad naman akong inalalayan ni Taehyung papuntang kotse, si Shane, pinatayo naman si Irvin na shookedt din.
Mga hayop na 'to, ang tagal bago narealize!!!
Nakarating kami ng ospital ng sobrang sakit ng tyan ko. Ang sakit na talaga bes huhuhu.
Dinala ako sa ER ata kasi duh dun naman talaga dinadala yung emergency patients.
Nakita kong nakatayo si Taehyung sa paanan ng kama ko, "PUTANGINA TAEHYUNG HINDI KA DOCTOR!! DITO KA SA TABI KO!!!" galit kong sigaw, agad namang tumakbo papunta sa gilid ko si Taehyung at hinawakan ang kamay ko.
All throughout, nasa tabi ko lang si Taehyung, nakiki-ire.
Pagod na pagod akong umiire nang bigla kong narinig yung iyak ng bata.
Iyak ng anak ko.
Hindi ko mapigilang umiyak hanggang sa nakatulog na ako.
---
BINABASA MO ANG
Let Me Be Daddy Taehyung
Fanfiction"Kahit wag mo na ako mahalin, just let me be my child's daddy." -Kim Taehyung