ix.

119 6 0
                                    

Cali

Nagising ako nasa kama na ako, pucha nakatulog na naman ako? Hayop.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto.

"Taehyung??" walang katao tao sa loob ng bahay pero may naririnig akong ingay sa labas, kaya lumabas ako ng bahay.

Nakita ko si Taehyung na tawa ng tawa kasama yung mga kamag anak kong siraulo. Alam ko namang makakasundo nila agad si Taehyung, pareparehas silang sira ulo eh.

Tinitigan ko lang si Taehyung. Hindi ko alam pero napapangiti na lang din ako habang tinititigan sya.

Etong lalaking 'to? Di ko kayang saktan. Ayokong madaliin ang mga bagay bagay kaya nanahimik lang ako. Wala akong sinasabi tungkol sa status namin ni Taehyung. Kasi hindi ko pa alam, magulo.

Pero isa lang ang alam ko, kaya kong maging totoo kapag kasama ko sya.

"Gising na pala si mama! Halika dine at kumain ka na ng hapunan!" yaya sa akin ng tita ko, umalis ako sa pagkakasandal at lumapit sa lamesa. Umupo ako sa tabi ni Taehyung, inakbayan naman ako ni Taehyung, "Ano gusto mo kainin?"

Itinuro ko naman yung mga gusto kong kainin at siya naman kumuha ng lahat.

"Bagay kayo." lumingon ako sa pinsan kong nasa harap namin, "Pero ang galing mo talaga girl, nasungkit mo yung pinapangarap mo lang dati!" ngumiti lang ako at kumain.

"Paano si Irvin? Nasaan na sya?" tanong pa ng isa kong pinsan, "Wala na yon. Nakabuntis yon, magkasama sila nung nabuntis nya." explain nung pinsan kong kaharap ko.

"Nakabuntis si Irvin!?" gulat na tanong ng lola ko. Favorite nya kasi si Irvin. Gusto nya talagang mapangasawa ko si Irvin, well, ako din naman. Pero, wala eh. Shit happens.

"Opo lola." sabi ko na lang, naramdaman ko namang hinawakan ni Taehyung ang kamay kong nasa ilalim ng lamesa at pinisil ito, ngumiti na lang ako.

"Break na kayo ate Cali?" tumango na lang ako sa pinsan ko, "Kailan pa kayo naging magsyota neto ni Kuya Taehyung?" tanong nya pa ulit.

"Ah matagal tagal na din." sabi ko na lang, tumingin sa akin si Taehyung, nginitian ko lang sya.

"Hindi mo sakin sinabi apo?" sabi ni lola, "Sorry 'la, alam kong kagagalitan mo si Irvin eh."

Nagtuloy kami sa pagkkwentuhan at pagkain. Mga alas onse na ng maguwian na ang lahat.

Kami ni Taehyung, nasa damuhan, ewan ko sakanya bakit sya nandito, sinundan ko lang naman sya.

"Taehyung okay ka lang?" tanong ko. Mukha kasi siyang naiiyak kanina pa.

Ngumiti sya habang nakatingin sa langit.

Isang pekeng ngiti.

"Oo naman, bakit hindi." tinitigan ko lang sya habang nakatingin sya sa langit.

And realization hit me.

"Taehyung alam ba 'to ng pamilya mo?"

Isang patak.

Dalawang patak.

Tatlong patak.

Umiiyak si Taehyung habang nakatingin pa din sa langit atsaka umiling, "Natakot ako."

Napaka makasarili ko pala. Sarili ko lang iniisip ko. Hindi ko iniisip yung kapakanan ng ibang tao. Yung feelings ng ibang tao. Ang sama sama ko.

All this time, umalis si Taehyung ng hindi alam ng pamilya nya. All this time, nasasaktan pala sya kasi hindi nya alam paano nya sasabihin sa mga magulang nya. All this time, ako lang ang iniisip nya, kami ng anak nya. Nakalimutan nya na ang sarili nya.

Bakit nga ba hindi ko napansin na sa tuwing nagcecellphone sya, naglalaro lang sya at walang kinakausap?

Hindi ko man lang sya tinanong.

"Taehyung, sorry." niyakap ko sya habang umiiyak.

"Sorry? Bakit?" sabi nya at iniharap ako sa kanya.

"Kamusta bangtan? Ano sabi?"

"Umalis lang ako. Wala akong sinabi. Hinahanap nila ako pero nag airplane mode na lang ako." umiyak lang ako ng umiyak, siya naman puro tanong ng bakit.

"Taehyung, wala kang kasalanan dito." tinignan nya ako na sobrang nagtataka, "Ako ang naglagay ng soju sa baso mo." unti unting nagbago ang expression ng mukha nya.

Nawawalan ng emosyon.

Unti-unting lumuwag ang hawak nya sa akin.

"Bakit?" yan ang tangi nyang nasabi.

"Taehyung hindi mo ako mahal. Hindi mo ako kayang mahalin." kumunot ang noo nya, "Mahal kita Cali! Pero hindi kasi ganito yung gusto kong paraan!"

"Bakit mo pa rin ako pinaninindigan? Bakit mo ba gustong maging ama neto!? Pwede ka naman ng umalis!"

"Bukod sa mahal kita. Anak ko yan. Nabuhay akong sobrang hinahangaan ang tatay ko. Mahal na mahal ko ang tatay ko. Sa tuwing may mga contest ako, lagi  syang nasa audience, pinapanood ako. Kapag may gusto ako, lagi nyang ibinibigay sa akin. Kapag masaya ako, nagcecelebrate sya kasama ako. Kapag malungkot ako, nandyan sya para pasayahin ako. Kapag nasasaktan ako, nandyan sya para damayan at pagaanin ang loob ko. Hindi ko alam paano ako mabubuhay ng wala ang tatay ko. At gusto kong maranasan ng anak ko, lahat ng naranasan ko. Gusto kong maging tatay na hahangaan nya. Gusto ko maging tatay na susuportahan siya palagi. Maging tatay na responsable at minamahal ang anak nya ng sobra."

"Cali, hindi lang tungkol lahat 'to sayo. May tao dyan sa tiyan mo at kasama sya sa usapang 'to. Wag naman puro sarili mo lang ang iniisip mo." tumayo sya at naglakad palayo.

Wala na akong nagawa kung hindi umiyak.

---

Nasa iisang kwarto lang kami ni Taehyung dahil ang alam ng lahat, magsyota kami. Wala pa si Taehyung at gustong gusto ko ng lumipat sa sofa. Kaso hindi ako kasya.

Hanggang ngayon umiiyak pa din ako habang nakahiga. Wala eh, masakit marealize gaano ako kaselfish.

Maya maya may narinig akong pumasok at gumalaw yung kama. May naramdaman akong yumakap sa akin at hinalikan ang buhok ko, "Sorry na. Matulog ka na please, madaling araw na."

Tumigil ako sa pagiyak.

Kahit anong gawin ni Taehyung, basta si Taehyung, kumakalma ako.

Iniharap nya ako sa kanya at hinalikan ang noo ko, "Good night Cali."

Tumalikod ulit ako kasi hindi kami kasya, ang laki nung tiyan ko.

Niyakap ulit ako ni Taehyung at nakatulog na rin ako sa mga bisig nya.

xxx

Short chap. Inexplain ko lang side ni Taehyung lol

Let Me Be Daddy TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon