8

366 18 0
                                    

December 30, 2020 San Fernando, Pampanga

"Manang paki sabi naman po kay kuya manny na paki handa na yung sasakyan at mamaya maya po ay aalis na" utos ko sa isang kasambahay namin habang nilalabas ang dalawang cake na ginawa ng aking kuya.

"Ara, anak ako na dyan! Magbihis ka na sa taas" sabi ng aking nanay na ngayon ay ayos na ayos para sa okasyon.

Nilapag ko yung apron ko sa kitchen counter at dali daling umakyat sa kwarto ko.

Ngayon kasi kami pormal na ipapakilala ni kuya sa pamilya ng mapapangasawa nya kung kaya aligaga kaming mag anak.

Bago pa ako makapasok sa kwarto ko ay nasalubong ko si Kuya sa pasilyo na katulad ni mama ay ayos na ayos din.

"Ayos lang ba ang itsura ko? Hindi ba mukhang OA 'tong pormahan ko?" napangisi naman ako sa sinabi nya at sinuntok sya ng pabiro sa dibdib nya.

"Ayos lang naman, mukha mo lang nagpasira" bago pa ako makapasok sa kwarto ko ay naikulong na nya ako sa kanyang mga bisig at pilit na ginugulo ang buhok ko na magulo na.

"Kung pangit ako, bruha ka naman! Mag ayos ka na nga baka matakot pa mga manugang ko sa'yo!" Matagumpay nyang saad saakin. Naku kahit kailan talaga!

"Yahhhh!!!!" Hahabulin ko pa sana sya ay mabilis syang nakapunta sa hagdanan namin.

"Hahanapan ko ng pangontra yung mapapangasawa mo at isisiwalat ko ang pang gagayuma mo!!!" I shout on top of my lungs before I went inside my room.

"Dami mong ngaw ngaw!" Rinig kong sigaw ng aking butihing kuya mula sa baba.

Badtrip talaga!



Alas diyes ng umaga ng makarating kami sa ancestral house ng mapapangasawa ni Kuya dito sa La Union.

Habang nasa byahe ay nagkwento ng kaunti si Kuya tungkol sa mapapangasawa nya.

Pangalawa ito sa tatlong magkakapatid at panganay na babae. Nagkakilala sila sa Panagbenga pero nagsimula ang kanilang 'love story' nung magkasama sila sa editorial ng isang kilalang kompanya ng dyaryo.

Mechanical engineer talaga ang trabaho ni kuya kaya lang kinalaunan ay nag sawa sya dito at nakatagpo ng interest sa pagsusulat sa isang panawagan.

Malapit sa dalampasigan ang ancestral house kung kaya kahit tanghaling tapat ay mapresko.

Ng makapasok kami sa isang gate ay una mong matatanaw ay isang modernong kubo sa kanan at basketball court naman sa kaliwa.

"Ang ganda naman dito sa kanila parang pang resort" hindi mapigilan ng akong ina na mamangha sa kanyang nakikita.

"Actually ma, may pool sila sa loob at kawa" pagmamayabang pa ng aking kuya.

Pinarada nya sa gilid ng kubo ang sasakyan at duon ko natanaw ang isang bahay na gawa sa kahoy at bato.

Tunay ngang mukhang pang resort yung estilo ng lugar nila.

I wonder what kind of family lives in here.

Bumaba naman agad kami sa sasakyan at sinalubong kami ng isang babae na halos kasing tangkad ko.

DayuhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon