6:07 AM Febuary 5, 2021
Thomas' POV
Sinarado ko na yung pinto at narinig ko ang iyak nya na bumasag sa puso ko.
Mahal ko sya pero sa tingin ko ay hindi na tama ang daan na tinatakbuhan namin. Nagagalit ako sa sarili ko sa mga nasabi ko sakanya pero may parte saakin na nagsasabi na tama na.
Lumakad na ako palayo dahil alam ko sa sarili ko na kahit pagbaliktarin man ang mundo ay mahal ko sya.
Sumakay ako sa grabtaxi na nakuha ko at pilit kong kinakalimutan yung mga mata nyang lumuluha at kung paano nya sinabi saakin ang mga katagang mahal kita.
Ilang minuto pa ay nakarating kami sa tapat ng building namin at agad kong nakita ang isang van.
Napabuntong hininga ako at binigay sa driver ang mga gamit ko para maayos na nila.
"Kuya pag dumating na po si Engineer Escudero paki sabi po ay nasa opisina po at may binigay lang kay Jeron" habilin ko sa driver at nagtuloy tuloy na sa palapag ng opisina namin.
Papasara na ang elevator car na sinasakyan ko ng may kamay na humarang duon. Tumaas naman ang tingin ko sa may ari ng kamay.
Parang nakakita ng multo si Ricci ng tignan ko sya sa mga mata nya
"Ano ba Ricci malelate na tayo!" Rinig kong sabi ni Brent na nasa likod atsaka tinulak papaloob si Ricci.
Umusog naman ako sa gilid para hindi ako matamaan ni Ricci.
"Si-sir?" utal utal na sabi ni Brent ng makita ako.
"Hihilahin pa ba kita papasok?" Tanong ko sa kanya dahil katulad ni Ricci ay nabato na sya kinatatayuan nya.
"Sorry po sir" sabay nilang sabi habang papasara ang pinto ng elevator.
"Handa na ba ang lahat ng blue print na kakailanganin para mamaya?"
"O-opo sir for approval nalang po ni Mr.Vosotros tapos dadalhin na po namin sa city hall para kunan ng permit" tumango tango naman ako.
"Nice, goodluck on your first project. Fighting!" sabi ko at ginaya ko yung ginagawa ng mga napapanood naming ni Ara na Koreano.
Napatawa naman sila sa sinabi ko.
"Fighting!" sabay nilang sabi.
"Thank you sir kahit wala pa yung results. Ang dami po naming natutunan sa inyo ni Sir Jeron!" sabi ni Ricci.
Tinapik ko naman ang balikat nila.
"Basta tyagain nyo lang, ganyan din kami ni Jeron nung una." Sakto naman bumukas na ang pintuan ng elevator.
Lumakad na ako sa opisina namin ni Jeron na ngayon ay kumakain ng pandesal.
"Bro what's up!" bati nya saakin and we do our brofist.
"Hindi kami okay, pwedeng ikaw nalang sumama sa Daet" natawa naman sya sinabi ko at kumuha ng papel na hinampas hampas saakin.
"Tarantado! Inaway mo nanaman si Ara, umalis ka na nga!" at tinulak tulak nya naman ako at tinignan ng masama.
"Tama na hindi mo dapat ako ginaganyan ako bestfriend mo!" at mas lalo nya pa akong pinaghahampas nung rinolyo nyang papel.
"Yun na nga bestfriend kita kaya kita ginaganto!"
"Oo na, oo na" tinaas ko ang dalawang kamay ko sa ere, katulad ng pagsuko ng mga suspect sa pulis. Tumigil naman sya at muling humarap sa kinakain nya.