15

706 36 23
                                    




8:48 AM February 22, 2021 Mandaluyong, Philippines

Ara's POV


Nandito ako sa harapan ng address na sinabi ni papa at nag dadalawang isip ako kung kakatukin ko ba o hindi.

Tawagan ko na lang ba ulit sya?

Sumigaw nalang kaya ako dito?

Pinasadahan ko ng tingin ang buong ekstraktura saaking harapan. Kaya ako nagdadalawang isip na katukin kasi hindi sya bahay, isa kasi tong restaurant.

Nilakasan ko na ang loob ko at kumatok sa may pintuan.

"Tao po! Papa gising ka na po ba?"

"Papa?"

"Tao po!"

Maya maya pa ay lumabas si Papa mula sa likod ng restaurant.

"Ara, halika, pasok ka!" hinila nya naman ang maleta ko na wala ng halos na laman.

"Saan ka ba galing at ang dami mong dala? Pinalayas ka ba dun sa tinutuluyan mo?" Sunod sunod nyang tanong saakin habang pinapaupo nya ako sa isa sa mga upan sa may dining table.

"Hindi po, galing po kasi ako sa medical mission kaya madami po akong dala." Nanlaki naman ang mata nya sa sinabi ko.

"Ganun ba sige magpahinga ka muna dun sa kwarto at mamaya na tayo mag kwentuhan, mukhang puyat na puyat ka na" pinapasok nya ako sa isang kwarto.

"Pasensya ka na at medyo maiinit dito pero mahangin naman pag binuksan mo yung bintana" sabi nya habang aligagang kumilos sa kwarto.

Hinawakan ko sya sa kamay kung kaya napatigil sya at napatingin saakin.

"Okay lang po papa ako na po bahala, kayo ko na po ang sarili ko" natawa naman sya pero kahit ganun pa man ay naramdaman ko na may kumurot sa puso nya.

"Ganun ba? Kasi nung inawan kita lahat inaasa mo pa saakin. Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka, na sa kabilang kwarto lang ako." bago sya umalis sa kwarto ko ay sinulyapan muna nya ako.

Nahiga na ako sa kama.

Siguro dito muna ako mamamalagi hanggang sa lunes ng umaga.

Pinikit ko na ang mata ko na kanina pa gustong magpahinga.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
Pagka mulat ko ang aking mata ay rinig na rinig ko kaagad ang ingay mula sa labas at amoy na amoy ko ang mabangong amoy ng nilulutong ulam.

Pagkalabas ko ay nandun si papa na nagluluto ng mga ulam.

"Oh pa, ang dami ata nyang niluluto mo? Tulungan ko na po kayo."

"Naku, Ara wag na ako ng bahala dito. Umupo ka na dyan at hahainan nalang kita."

"Hindi po tutulungan na kita" nagbuntong hininga naman sya at halata sa mukha nya na nahihiya syang tanggapin ang alok ko kung kaya ay kinuha ko ang isang tray at inilagay dun ang mga nalutong ulam.

DayuhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon